OSS : TRIO

20 5 0
                                    

Hi I'm Xhymier



May Bestfriend ako sila Alexa Kaye at Lady Yasha.


Simula Elementary palang mag ka-kaibigan na kami may mga kaibigan din naman kaming iba pero "TRIO" eh same vibes kaming tatlo pero si Alexa ang pinaka matured samin may pagka-childish kami ni Yasha minsan pero kahit ganun We're always here for each other.



Alam niyo ba tuwing 11:11 nagwi-wish kami nakasanayan na namin kasi 12am naman kami natutulog tatlo time check 11:05 na malapit na mag 11:11 at heto na dumating na ang oras na hinihintay namin 11:11 na.


Xhymier: 11:11 Stay with me no matter what🥺


Alexa: 11:11 Iloveyouboth please stay with me❤️


Yasha: 11:11 More memories with you two🥺


Mahal na mahal ko yang dalawang babae na yan.


Hindi dahil sila yung nag-stay saken kung 'di dahil sila yung andyan even with my darkness moments i love them because i found a Second Fam with them.

Oo madami akong rason para iwanan sila pero I chose to stay. I promise to them na I will never leave them pero isa pala sa amin ang mawawala nung natapos kaming mag wish ng 11:11.


~Flashbacks~


Nasa iisang sasakyan kaming tatlo kasi gumala kami kasama ang aming mga magulang malayo ang aming pinuntahan kaya inabot kami ng gabi ang tatay ni Alexa ang driver namin at sa kanila din ang sasakyan, since malaki naman yun kaya napag isipan na iisang sasakyan nalang kaming lahat.



Di yata kami nakaramdam ng pagod kasi gabi na at heto naghaharutan pa rin kaming tatlo sa likod ng driver seats bali ang pwesto namin ay:

Mom and Dad ni Alexa

Alexa Ako Yasha

Mom and Dad ko

Si Ate Alli at Joanna(kapatid ko)

Mom and Dad ni Yasha

Guys malapit na 11:11 sabi sa amin ni Alexa. Can't wait, ilang beses palang tayong humiling ng magkakasama, Yasha said.

Dumating na ang 11:11 at isa isa kaming nagsalita.

"11:11 Keepy'all safe babes." Sambit ko.

"11:11 Mahal na mahal na mahal ko kayo." usal ni Alexa.

"11:11 May all our wishes and dreams come true" Sambit din ni Yasha.

Pagkatapos magsalita ni Yasha bumangga kami sa isang malaking truck. Naiwasan ni Tito ang truck pero unti-unti naman kaming nala-laglag sa bangin.

Alalang-alala ko pa nung panahon na nailabas kaming tatlo si Alexa ang pinakamaraming dugo pahirapan pa siyang na-ilabas at nung nasa hospital na kami pare-pareho nire-revive na sya ng Doctor.

Kaya pa naman namin tumayo ni Yasha kaya naghi-hintay nalang muna kami sa paglabas ng Doctor.

Biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi ng Doctor.


"Pasensya na pero ginawa namin ang lahat para ma-iligtas sya pero hindi na kinaya ng katawan niya at maraming dugo ang nawala sa kan'ya."

Kung nasasaktan kami ano pa kaya sila Tita at Tito? Tangina ba't kailangan pang mangyari 'to.


*Kinabukasan*


Agad na inasikaso nila tito ang burol ni Alexa, mamaya lang ay makakapunta na ang iba pa namin kaibigan na sila Kaorina, Dos, Reynaldo, Liana, Cheska, Robin, Lyka, Cris, Angelica, Ana, Andrea, Eliessah, Eljane, Gabby, Ruby, Jennylyn, Jia, Kate, Mark, Yasha, Trisha at ang iba naman ay kaklase namin sa Senior High School.

Nag volunteer sila Mommy na sila ang pupunta sa mga Pulis. Nalaman nila na nawalan pala ng preno ang Driver ng truck kaya pagewang-gewang namin silang nakasalubong nung kasama nya.

•Lumipas ang ilang oras•

Dumating na ang mga kaibigan namin. Hinayaan lang nila kaming umiyak ng umiyak at pinapagaan ang loob namin.


"Yun na pala yung huling araw na sasabihan niya kami ng I love You." Usal ko habang gumagaralgal ang boses


"Mami-miss ko siya sobra hiling ko pa naman dun sana matupad ang mga pangarap namin."

Minsan na nga lang kaming mag wish ng magkakasama eh tapos ganoon pa ang nangyari sa amin. Sambit naman ni Yasha na hindi na natigil sa pag-iyak.


Shhh... "Tahan na lahat tayo mami-miss si Alexa." Pagpapa-kalma ni Liana.


"Wala naman may gusto mangyari 'to kaya tumahan na kayo dyan." Dugtong naman ni Dos.

"Tahan na kayo Yasha di magu-gustuhan ni Alexa na makita kayong ganyan." Sambit naman ni Cheska na kakaupo lang sa gilid ni Robin.


"We're always here mga babes kaya natin 'to laban lang." Biglaang sulpot naman ni Lyka na kakatapos lang magbigay ng pagkain para sa lahat ng taong pumunta sa burol.


~End of Flashbacks~

Gabi na at nasa sementeryo pa rin ako dinalaw ko siya at hindi pa rin ako nakakauwi hanggang ngayon 'di ko na inabala si Yasha kasi alam kong madami siyang ginagawa ngayon.


Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng nangyari. Nakatatak pa rin sa isip ko yung mga masasayang ala-ala na magkakasama kami bago sya nawala at kung paano nya sabihin sa amin na Mahal nya kami.


Nagulat ako nang may lumapit sa akin na babae, tinanong ako at nagpakilala..




"Ready for 11:11 wishes? I'm Alexa Crisel by the way."

One ShotWhere stories live. Discover now