Aray ko! Sambit ko matapos matamaan ng bola sa ulo.
"Hala! Ziel pasensya ka na ha?" Napalakas yung tira ko sa bola. Sorry talaga" sambit ni Kino.
"It's okay." tugon ko.
Nandito kasi kami sa Court naglalaro sila Matt ng Volleyball dahil bored siya sa bahay nila at sinama niya ako kahit manood nalang daw ako sa kanila.
Magpapakilala muna ako. I'm Aziel Leigh Ventura and he's Matt my bestfriend and let me introduce him to you.
Siya si Asael Matthew Gray
5'9 ang height, pogi at maraming nagkaka-crush dyan minsan nga may lumapit pa sa 'kin na tulungan ko raw sila kay Matt. Marami ng naging girlfriend yan pero buti na lang nagbago na. Ewan ko ba anong nakita nila sa lalaking yan eh baliw nga yan, siraulo pa, minsan ang lakas ng amatz.Bumalik na sila sa paglalaro at ako ay nag-scroll na lang sa facebook.
"Ziel gising na." narinig kong bulong ni Matt sa tabi ko. Nakatulog pala ako habang naghihintay. Teka lang bakit nakasandal na ako kay Kino? Naglalaro 'to kanina ha.
"Hoy Matt may tanong ako" tanong ko habang nagkukusot ng mata.
"Oh? Ano yon?" Tugon niya.
"Diba naglalaro ka kanina? Bakit nakasandal na ako sayo paggising ko?" tanong ko.
"Naku, alam mo bang tinigil muna namin yung paglalaro dahil nakita ka niyang nakatulog sa paghihintay then bigla siyang tumabi sayo para may sasandalan ka." Sambit ni Renan,
Bestfriend naman siya ni Matt."Ang ingay mo naman Renan" sabi agad ni Kino.
"Sorry ha sinama pa kita dito. Nainip ka ba sa paghihintay kaya ka nakatulog?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking.
"Hindi naman, inantok lang talaga ako kasi panay scroll ako sa facebook kanina, alam mo naman ako antukin" Sagot ko. Pinagbuksan niya na ako ng pinto at umikot papunta sa driver seat.
"Hoy panget magpatugtog ka nga", sabi ni Matt.
"Ikaw na, ikaw nakaisip eh."
"Kita mo namang nagda-drive ako. Dali na magpatugtog ka na para may soundtrip habang wala pa tayo sa bahay."
Oo nga pala inimbitahan ako ng mommy niya sa bahay daw muna nila ako. Ihahatid nalang daw ako ni Matt mamayang gabi.
"Ito na nga, apaka mo naman kasi. Kung kailan malapit na saka mag-uutos na magpatugtog sakalin kita dyan eh." Pagkatapos ko mag play ng kanta tinarayan ko siya.
Wala lang trip ko lang siyang tarayan lakas kasi ng sapak kung kailan malapit na saka gustong magpatugtog.
Pero alam niyo kahit ganyan yan hindi ka pababayaan niyan sa panahon na walang-wala ka at nalulunod ka sa problema mo.
Naalala ko noon nape-pressure ako sa studies ko kasi ang gusto ng parents ko ay mataas ang grado ko at nasasaktan ako sa mga sinasabi nila sa 'kin tuwing nagiging mababa ang grade ko.
Flashback...
"Matt, I need you." chat ko kay Matt.
"I'm here, What happened?" Reply niya at bigla nalang siyang tumawag magkita daw kami sa park.
Nauna ako sa park dahil malapit lang 'to samin, pagkakita ko kay Kino ay niyakap niya agad ako kaya napaiyak nalang ako bigla.
"Matt hindi ko na kaya lagi nalang nila akong kinukumpara sa iba. Ginagawa ko naman ang best ko para maging proud sila pero bakit ganon? Hindi nila naa-appreciate lagi nalang buti pa si ganito, buti pa si ganyan, ang sakit Kino.