"Fudge Kuya slow down, mahal kita pero hindi ako magdadalawang isip na batukan ka kapag nadisgrasya tayo kuyaaaa!!! Isusumbong kita kay ate Ash huhu" medyo binagalan ni kuya yung takbo nung kotse
"Tsk akala ko ba late ka na? Bakit mo ko isusumbong kay Ashey baby" Kuya pouted
"Ghad kuya don't pout, you're not that good looking." pagsisinungaling ko kasi kung aaminin gwapo talaga si kuya duhh parehas kaming magandang nilalang hahaha kidding.
"Fine, so rude. Hmf baba ka na, susunduin pa ba kita or what?" tanong niya sa nagtatampong tono.
"Kuya Im fine no need, diba may dinner ka pa with Ate Ashley's parents, have fun send my regards to them. Ciao kuya" then i kissed him goodbye and starts to run.
Yes, running af! Im late, and i want to see my Kape cause this is the day of his birthday and Im giving this lovely cupcakes to him, sana tanggapin niya.
I run towards our room and to my surprise I saw my Kape kissing Tyra our president, how I wish i can vanish in no period of time.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at hinintay na dumating si Cie, isa pa yung babaeng yun pagka gising ko wala na siya sa tabi ko, nag iwan lang ng note na kailangan na niyang mauna. Hay tapos ang tagal pa nung teacher namin pinandigan talaga ang word na late.
Maya maya pa pinutol ni Kurt yung halik nila ni Tyra at matiim akong tinignan, napayuko lang ako mamaya ko na lang ibibigay tong cupcakes.
"Mav syet!" bulong ni Cie
"Ano nanaman? Bat ngayon ka lang huh? Iniwan mo ko bigla, anong problema? " bulong ko din.
"Syet Mav pumasok ako para sabihin sayong bye!"
"Gaga ka ba? Pumasok ka tapos bye?! "
"Pinipilit kasi ako nila Mommy na ipakasal sa damuhong Levinn na yun, eh ayoko. Kaya lalayas ako dun ako titira kila Lola pansamantagal!"
"aba gago! Saamin ka na lang tumuloy! At anong pansamantagal. So matagal kang hindi magpapakita at papasok ganun ba?" malungkot kong saad na ikinanuot ng noo niya.
"Hoy wag ka nga, magkikita pa naman tayo mag tatago muna ako okay. Tsaka alam ni Mommy bahay niyo at close nila nila Tita edi napauwi ako ng di oras. Okay hinahabol nila ako so aalis na ko omay goodluck kay Kurt sapakin mo pag sinaktan ka uli. Ciao love you bestie" nagmamadaling saad niya sabay halik sa pisngi ko at takbo.
Sakto naman na dumating ang teacher at nag lesson. Hay masyadong mabilis ang pangyayari, pag balik talaga niyang Cie na yan babawian ko siya big time. Sino naman kaya kasama ko ngayon.
**********
Natapos ng matiwasay ang Physics namin, I survived without nosebleed. Agad akong pumunta ng cafeteria para iabot tong cupcakes kay Kurt Toffee Monreal my cutie baby.
Dire-diretso ako hanggang sa nakatayo na ko sa harap ng table nila. Kasama niya kasi yung friends niya.
"Hi Chase!" he's Chase the ultimate playboy. As always.
"Hello pretty gal!" bati ni Chase.
"Hi Enzo!!" ang pinaka cute, super duper mega cute.
"Hello MM cutie, you want donuts?"
"Nah thank you Enzyy, Hi Levinn" yep he's Levinn, the one na binaggit ni Cie. Aha.
"Hello MM" he's so mailap.
"And lastly Hello to you my baby Kape, Happy Birthday here for you, and happy 4th anniversary na magkakilala tayo" sabay lapag ko ng cupcakes. Sana naman ito tanggapin na niya to pang apat na taon ko na tong sunod sunuran sa kaniya pls po.
"Get lost." kumirot yung puso ko pero medyo sanay na ko kasi parati siyang cold sakin.
"Uhm ayaw mo ba ng cupcakes?" nahihiya na ko pinagtitinginan nanaman ako, nakikita kong malungkot na nakatingin sakin si Chase at Enzo habang sinaksak ni Levinn ang earphones niya para hindi nanaman niya marinig ang pagpapahiya sakin ni Kurt. Nginitian ko lang ang dalawa na sinasabing kaya ko to ako pa Mavy ata to.
"Ayaw ko sayo." agad akong humarap sa kaniya.
"S-Sorry gusto ko lang bigyan ka ng gift kasi importante ka sakin."
"Alin sa 'ayaw ko sayo'ang hindi mo maintindihan?" tiim bagang niyang sabi.
"Wag ka namang ganyan Kape" nakayuko kong saad.
"STOP THAT BULLCRAP MAVY! Leave me alone" hinampas niya pa yung table at natapon sakin yung inumin niya.
"H-Happy birthday u-ulit. I'll go now b-bye" agad kong iniwan ang cupcakes at agad tumakbo. Iiiyak ko na lang to sa rooftop, my safe place.
*********
Crap dapat sanay na ko, pero bakit nakakaiyak talaga. Ang tanga kasi talaga ni kupido madami namang iba bakit sa taong hindi pa ko gusto.
Habang nag mo-monologue ako dito sa rooftop, well last subject nanaman so hindi na muna uli ako aatend baka super galit pa sakin si Kape.
"Hoy!" napalingon ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Ahm u-uy Chase hahaha kamusta" saad ko habang pinupunasan yung luha ko gash ang pangit ko na.
"Wag ka ngang magpanggap dyan, sige umiyak ka lang. Ewan ko ba kasi sayo kung bakit ka nag tyatyaga diyan kay Kurt..... andito naman ako" hindi ko narinig yung last na sinabi niya kasi busy ako sa pag iyak.
"Yang kaibigan mo napaka sama pero bakit kahit ganun siya mahal na mahal ko pa din siya." emote ko.
"Alam mo Mm, kung mahal mo siya gagawin mo lahat ng makakapagpasaya sa kaniya. Iintindihin mo siya sa kahit anong paraan, kasi nga mahal mo" sabi niya habang nakatitig sakin.
Ano nga bang makakapagpasaya kay Kape? Diba ang mawala ako? Kaya ko bang umalis? Kaya ko bang hindi siya makita? Kaya ko bang kasama siya ng ibat ibang babae? Kaya ko bang wag siyang mahalin? Tangina ang hirap.
Di ko namalayan na tumayo na si Chase.
"Tara na nga wag kang mag mukmok dyan ang pangit mo na oh buti pa yung mga chikababes ko ang gaganda na sexy pa" sabay tawa niya ng malakas.
"Gago! Napaka landi mo talaga hahaha" natawa na din ako sa nangyayari.
"Tara, lets go waggin" sabi ni Chase habang hawak ang kamay ko.
"Anong waggin?" tanong ko habang kunot ang noo
"Aussi language means cutting classes tayo" sabay ngiti
"Sure" sabay ganti ng ngiti.
Hinatak niya lang ako, kailangan kong pag isipan yung sinabi niya.