Chapter 1

78 6 22
                                    

First Section

Seari's P.O.V

"Buti na lang talaga at natapos din yung exam natin these past few days." Pagod na sabi ni Kirstein at sinubo yung saging na kinakain niya ngayon.

Nandito kami ngayon sa cafeteria nagke-kwentuhan habang kumakain. Tama nga naman si Kirstein buti talaga at natapos yung exam kasi kung hindi pa natapos nung last week edi stressful day na naman ngayong week na 'to.

"Sinabi mo pa ang hirap kaya nung exam natin halos sumabog na yung utak ko sa kakaisip ng sagot. Puro identification pa naman." Saad naman ni Zouie at napahawak na lang sa sintido niya.

Stress yarn?

Kanina pa ako kumakain dito ng tahimik at nakikinig sa pinaguusapan nila. Bigla silang tumahimik at ramdam ko na nakatingin sila sakin.

"Bakit kayo nakatingin sakin? May dumi ba sa mukha ko?" Takang tanong ko sa kanila habang pinupunasan ko yung mukha ko.

"Gaga bakit kasi ang tahimik mo? Hindi ka manlang nagsasalita at nakikipag-kwentuhan samin. Kain ka lang ng kain diyan." Sermon na sabi ni Kirstein na akala mo parang nanay ko kung makapagsalita at saka parang rapper din siya sa bawat salita na sinasabi niya ngayon.

Pwede ko na talaga siyang gawan ng form para sa audition niya.

Name: Kirstein Clydine
Position: Main Rapper
Light stick: Saging na kinakain niya ngayon.
Albums: Kain ka lang ng kain diyan, Hindi ka manlang nagsasalita etc.

Diba? Pwedeng pwede na siya sumali sa audition. Daig pa niya yung mommy ko kung mag rap eh.

Bumalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Zouie at winawagayway ang kanyang kamay sa harap ng aking mukha.

Wow pang Miss Universe ang peg, I believe! Naks naman!

"Hoy Seari!" Ani ni Zouie na ikinagulat ko.

"Ano? Saan? Kailan?" Lutang na sagot ko. Bahagya naman silang natawa sa sinabi ko.

"Lutang ka ghorl? Anong nangyari sayo? Hindi mo sinagot yung sinabi ni Kirstein." Sabi niya.

Taray! Required ba talagang sagutin?

"Don't mind me, Zouie. I'm fine, don't worry." Nginitian ko si Zouie at binalingan ko naman ng tingin si Kirstein at sinagot yung tanong niya.

"Wala lang talaga ako sa mood para makipag chika sa inyong dalawa, Stein." Sagot ko at sumubo ulit ng isang kutsara sa pagkain ko.

Napabuntong hinga na lang silang dalawa at nagsimula na ring kumain. Katahimikan ang bumalot sa buong paligid dahil pumasok lang naman ang president ng first section sa cafeteria.

Yung iba sa kanila ay napagilid dahil sa takot. Bakit ba sila takot na takot sa president ng first section? Hindi naman siya nakakatakot pero bakit parang kinatatakutan nila?

"MOVE!" Malakas na malamig na sigaw ang narinig namin sa cafeteria. Halos lahat ay nakuha ang atensyon nila sa president ng first section dahil sa malakas na sigaw niya sa isang student na nakaharang sa dinadaanan niya.

Biglang gumilid yung estudyante na humarang sa kanya.

"S-sorry p-po, Master." Ngunit napangisi lang yung president ng first section at nilagpasan niya lang yung lalaking takot na takot sa kanya at nagsimula na siyang bumili ng pagkain niya.

The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon