Chapter 3

52 6 16
                                    

Warm Welcome

Seari's P.O.V

Umagang kay ganda ko at ang araw ngayon ay maganda dahil ang isang nilalang na katulad ko ay ipinanganak ng ganitong sobrang kaganda. Akala ko nung una ay saturday ngayon yun pala ay tuesday pa lang.

Naglalakad kami ng mga classmates ko ngayon papunta sa school habang nagchi-chikahan about sa nangyari kagabi. Muntikan na kaming ma-late dahil late na din kami nakatulog buti na lang at nag-alarm ako.

"Tulo laway matulog si Ryver kagabi." Pang-asar na sabi ni Ziox kay Ryver at kumunot ang noo ni Ryver sa sinabi ni Ziox na ikinahalakhak naman ng mga classmates ko.

Napailing na lang ako sa mga sinasabi nitong dalawang 'to. Nakarating na din kami sa school at biglang pumasok sa isip ko na may kailangan pa pala akong puntahan.

"Mauna na kayo. Pupunta lang ako sa library. May gagawin lang." Sabi ko sa kanila at tumango naman sila at pumauna ng pumunta sa classroom.

Naglalakad ako ngayon papunta sa library. May kailangan lang talaga akong kunin na libro para sa last essay ko at namin sa subject ni Ms. Ordoñez.

"May book po kayo about sa mythology?" Napatigil yung librarian sa pagsusulat sa book record ng magtanong ako sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at ng makita niya ako ay binigyan niya ako ng isang matams na ngiti.

Inayos muna ng Librarian ang kanyang salamin bago ako niya ako kausapin "Meron, anong klaseng librong myth ba?" Tanong ng Librarian.

"Yung about po sa greek gods and goddesses." Sabi ko.

"Yung Iliad and Oddessey ba?" Tanong ulit ng Librarian at tumango ako.

Pumunta siya sa mythology section at sumunod ako. Saka ipinakita sa'kin ang makakapal na libro sa mythology.

"Nandito lahat yung libro ng mga mythology. Ikaw na lang ang bahala maghanap sa kailangan mong libro." Saad ng Librarian at ngitinian ako, sinuklian ko din naman ng ngiti yung Librarian.

Hinanap ko yung libro na kailangan ko sa essay ko at nahagip agad ng mata ko yung Iliad and Odddessey na hinahanap kong libro pero nasa pinakataas ng book shelf ito nakalagay.

Pilit kong inaabot kahit malabong makuha ko yun. Seari, bakit kasi ang pandak mo? Dahil hindi ko maabot ay tumigil ako at luminga-linga sa paligid upang maghanap ng pagaapakan ko at saktong may pumasok agad sa isip ko. Hindi ko na muling inabot ang libro at sinubukan kong hanapin yung ladder para makuha ko agad yung librong kailangan ko. Ngunit wala akong nakitang ladder sa bawat book shelf.

Kung minamalas ka nga naman. Wala akong magagawa kundi ang abutin ulit yung libro na kailangan ko. Tumalon-talon ako para lang makuha yung libro pero hindi kinaya kaya yung kamay ko na lang ang ginamit ko para maabot yung libro ulit.

Habang inaabot ko ay hindi ko namalayan ay may nakakuha na pala sa librong kailangan ko at napansin kong nasa likod ko siya. Pagtingin ko sa harap ko ay nauntog naman ako sa dibdib niya dahil sa masikip at wala ng espasyo sa bawat book shelf. Isang tao lang ang pwedeng makapasok sa section ng bawat book shelf dahil masikip.

"Ouch," Napahawak ako sa ilong ko at tumingala kung sino yung kumuha sa libro ko. Pagtingin ko ay nagulat ako dahil yung boy best friend ko lang pala sa first section yung kumuha sa librong kailangan ko.

"Sorry, Seari." Paumanhing sabi ni Cassius, boy best friend ko sa first section.

"No, it's okay Cassius." Sabi ko at ngumiti siya. Inabot niya sa'kin ang librong kinuha niya sa'kin kanina at napatingin naman ako dun saka siya tinignan.

The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon