|Chapter 1: Life|
>>>----------♡----------<<<
Clairy's Pov
Nandito kami ngayon sa Melbourne Village. Kung saan kami nakatira, hindi naman porket village ay puro mayayaman na ang nakatira, may mga may kaya rin dito.
Naglalakad na ako pauwi galing sa school na pinapasukan ko. Mas nauna si ate na umuwi dahil college na siya, 2 pm lang ay uwian na nila, samantalang sa amin ay 3 pm dahil senior high na ako, Grade 12.
Nakikinig lamang ako sa aking music mula sa aking earpods na nasuot sa dalawa kong tainga.
October na rin kasi ngayon at bukas nalang ang last na pasok ko, dahil sembreak na. Kaya naman sobra kong saya dahil for sure, aayain nanaman ako ni ate sa mall at manonod kami sa sinehan at syempre kakain, pinaka-paborito ko sa lahat.
I have my Father and Mother, My Sister and my Brother.
Ang pangalan ni Daddy ay si Dan Ezguera. Nakuha ni Daddy ang apelyido niya kay Lola Costancia Ezguera na ang ama ni Lola ay si Don Danes Ezguera.
Then si Mommy naman ay si Claudyn Hernandez Ezguera. At sobrang nakakatuwa yung love story nila Mommy and Daddy. Kasi nga mula sa ninuno nila, pinagkasundo na talaga na kung sino ang unang anak ng mga Ezguera at Hernandez sa ikatlong henerasyon nila o yung magiging anak nila Lola Costancia Ezguera at Fernandez Ezguera, Danilo Hernandez at Carmelita Hernandez na sina Mommy Claudyn at Daddy Dan na ipinagkasundo.
Ang ganda ng story nila noh, kahit na ganun natutunan nilang mahalin ang isa't isa. Kahit na hindi nila gusto noon ang isa't isa, pero dumating ang panahon na napamahal na sila at mismong sila pa ang ayaw maghiwalay noong panahon na ipapawalang bisa na ng mga magulang nila ang kasalan nila Mommy and Daddy.
Then the name of my siblings is Ate Clady Ezguera, 19 years old and Kuya Dane Ezguera 19 years old din mas matanda lang ng ilang buwan si Kuya kay Ate. Of course ang pinaka maganda sa amin ay ako joke.
Ako nga pala si Clairy Ezguera. 17 years old turning 18 years old sa October 7. October 1 palang ngayon at bukas na ang last na pasok ko. Mas gugustuhin kong mag-isa lang ako kesa ang makisalamuha sa ibang tao, pero syempre si Ate lang at Kuya yung best friend ko. Sabi nila masungit daw ako at hindi friendly, kaya ayaw din nila makipag-kaibigan sa akin, merong may gusto pero sumusuko rin dahil hindi ko sila pinapansin, snobber daw ako at pa famous. Pake ko naman diba duh HAHAHA.
"Clairyyy, we have a good news. I know you will be happy if you heard that from Dad." Natutuwang saad ni Ate Clady, siguro hinihintay talaga ako nito.
Naka-uniform pa rin siya, saan nanaman kaya galing yan. Baka galing sa gala kasama mga kaibigan.
"What? Let's go." Tugon ko ng seryoso. Inangkla naman niya ang braso niya sa braso ko.
"Kakauwi mo lang? Saan ka galing?" Sunod-sunod kong tanong.
"Galing akong mall, kumain lang kami ng Manliligaw ko." Nakangiti nitong saad na animoy kinikilig.
"Sino nanaman? Pang-ilan sa manliligaw mo?" Taas kilay na tanong ko.
"Pang-lima. Inggit ka nanaman, ayaw pa kasing magpaligaw, dami-dami namang may gusto sa'yo." Nagme-make face na saad nito.
YOU ARE READING
Sinaunang Panahon ||SB19 KEN
Historical FictionClairy Ezguera, hindi sila mahirap at hindi sila mayaman kundi may kaya lamang. Isa lang siyang simpleng babae pero hindi marunong makisama sa mga tao sa kaniyang paligid, mas ayos na sa kaniya ang mapag-isa kesa ang may makasalamuha. Mahilig din si...