|Chapter 5: The Portal of Past|
>>>----------♡----------<<<
Clairy's Pov
Nakarating na ako ngayon sa Library kung nasaan si Lola Costancia.
Nakangiti ako nitong tinignan. "Ano apo, itutuloy niyo na ba ngayon?" Mababakas ang labis na saya sa mga ngiti nito.
"O-opo, Lola. Hihintayin ko lamang po si Ate rito at kapag nandito na siya magiging handa na kami at pupuntahan na namin iyon." Tugon ko na ngumiti ng tipid kay Lola. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kuya at ni Calyx.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
"May problema ba, apo?" Nagtatakang tanong nito.
"Wa-wala naman po, Lola. I mean, Lola, maaari po bang makulong ako sa libro kung sakali mang hindi ko magawa ang misyon ko?" Kinakabahang tanong ko rito.
"Oo, apo. Pero sana paunlakan mo ang aking hiling bago ako mawala sa mundong ito." Tugon ni Lola na ngumiti ng pilit.
Napayakap na lamang ako kay Lola, alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit gusto niyang makasama si Lola Clara.
"Nasaan na po ang libro. Gusto ko po itong hawakan." Tugon ko kay Lola.
Kumawala ito sa yakap at tsaka lumapit sa salamin na kung saan nakalagay doon ang mahiwagang libro.
Lumapit sa akin si Lola at iniabot sa akin ang libro. "Iingatan mo iyan, apo. Labis ang pag-iingat ko riyan." Tugon ni Lola na may ngiti.
Hinawakan ko ang libro hanggang sa may biglang pumasok sa isipan ko.
'Ito ang araw ng kasal ni Lola Clara, masayang-masaya siyang naghihintay sa pagsapit ng kaarawan nilang ikasal hanggang sa hindi niya namalayan na sa araw ng kasiyahan niya ang siyang kalungkutan niya rin. Labis na naghinagpis si Lola Clara at sinisi ang anak niyang si Daddy Dan na sanhi raw ng kamalasan upang mapaslang ang kaniyang sinisinta. Sa araw ng pagkamatay ni Lola Clara, hindi manlang niya naisip na marami ang tunatangis sa pagkawala niya, dahil madami ang nagmamahal sa kaniya.'
Bumalik ako sa aking wisyo at napansin na umiiyak na pala ako at grabe ang tibok at pagkirot ng puso ko.
"Clairy, bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Ate Clady at niyakap ako.
Napayakap na rin ako sa kaniya. "Dumating ka, ate Clady. Sabi na't hindi mo ako bibiguin. Salamat, Ate!" Mangiyak-ngiyak na saad ko.
"Ano ka ba, ako na nga lang ang meron ka dahil wala kang kaibigan, kaya bakit kita bibiguin. Halika't sasamahan na kita sa gusto mong puntahan." Nakangiting tugon ni ate nung kumawala siya sa akin.
"Mga apo, ito lang ang tatandaan niyo, once na makapasok kayo sa libro, maging normal lamang ang ikinikilos niyo at huwag maging pasaway, ang kuwento ng libro ang siyang kuwento ng buhay ng lola Clara niyo, kaya asahan niyong parehas lamang ang pangyayaring magaganap at huwag na huwag niyong babaguhin ang kuwento dahil kayo rin ang mahihirapan. Hindi niyo na rin kailangang sabihin sa parents niyo na mawawala kayo ng matagal, dahil once na makarating kayo roon, titigil ang oras niyo rito at kapag nakabalik kayo rito, ay isang araw lang ang nakalipas. Kaya mag-iingat kayo roon at huwag gagawa ng kalokohan. Dahil once na mamatay kayo sa loob ng kuwento, mawawala na rin kayo sa mundong ito. Gusto ko lang sabihin na kaya niyo yan mga apo ko." Nakangiting tugon at habilin ni Lola.
YOU ARE READING
Sinaunang Panahon ||SB19 KEN
Historical FictionClairy Ezguera, hindi sila mahirap at hindi sila mayaman kundi may kaya lamang. Isa lang siyang simpleng babae pero hindi marunong makisama sa mga tao sa kaniyang paligid, mas ayos na sa kaniya ang mapag-isa kesa ang may makasalamuha. Mahilig din si...