Warning!

13 4 0
                                    

|Chapter 4: Warning!|

>>>---------♡----------<<<

Clairy's Pov

Bilin pa sa akin ni Lola na makakapasok ka sa lagusan kung hawak mo ang libro o hindi kaya ay makakapasok ka pa rin kahit na walang libro basta ba kamukha ka ng isa sa mga nakaraan.

Maaari rin kasing bumalik si Lola kaya lang matanda na siya, hindi tulad ko same age pala kami ni Clara na 17 years old.

Pumunta ako sa kwarto ni Kuya para ayain siya sa kwarto at magmi-meeting kami.

Kumatok ako sa pintuan ni Kuya at narinig na may kausap siya.

"KUYA!" Sigaw ko at kumatok.

Hindi niya pa rin binubuksana ng pintuan niya kaya naman pinihit ko na iyon.

Nagulat nalang ako ng makita si Calyx. What the heck?

"Anong ginagawa niyan dito?" Nagsalubong nalang bigla ang mga kilay ko.

"Hi, Clairy." Nakangising tugon nito. Mapang-asar ampotek.

"Nagbabakasyon din, gusto niya raw dito at pumayag si Lola." Tugon ni Kuya.

"Psh, fine. Mukhang hindi ka makakasama dahil baka pagsumama ka ay isama mo pa yan, kaso mukhang hindi tatanggapin yan kaya alam kong hindi mo iiwan mag-isa yan, Kuya. Kami nalang ni Ate ang aalis." Seryosong tugon ko at tumalikod na.

"Saan kayo pupunta? Bawal nga raw kayong umalis dahil hindi niyo kabisado ang lugar na 'to." Tugon ni Kuya.

"Basta, secret." Naiinis na tugon ko.

"Sungit nanaman ng baby ko na yan." Nangaasar nanamang tugon ni Clayx.

"Baby mo mukha mo, dun ka sa babae mo kahapon. Wala na akong pake kung nandito ka, dahil hindi naman na kita makikita, at sobrang okay sa akin nun." Sigaw ko at lumabas na ng pinto at kinalabog iyon.

"I MAKE YOU MINE SOON, MS. SUNGIT!" Narinig ko pang sigaw nito pero binalewala ko nalang.

Me for him? Nah, never!

Mahangin na, mayabang na, Playboy pa.

Pumunta na ako sa kwarto ni Ate. Binuksan ko na agad iyon, dahil nakagawian ko na iyon kay Ate.

Nakikipag-usap ito sa manliligaw niya kuno. Sino nanaman kaya sa manliligaw niya?

"Ano ba? Can you knock?" Maarte at masungit na tugon nito.

Natawa na lamang ako sa inasta ni Ate Claidy na may kausap sa cellphone habang nagbibihis pala kaharap ang salamin nito.

"Sus, hindi ka na nasanay. Gawain ko na ang pagbukas ng pintuan mo na hindi man lang kumakatok at tsaka isa pa, Ate hindi mo naman kasi ni-lock ang pintuan mo. Next time try to lock it, ng sa gayun ay hindi ko ito mabuksan at kumatok na lamang dahil naka-lock ito." Nakangising tugon ko sa kaniya.

Nakita ko ang mga mata nito sa salamin na umikot, pagkasuot niya ng crop-top niya ay humarap ito sa akin.

"Oo na, Clairy. Ano pang ginagawa mo riyan? Pumasok ka na at mukhang may sasabihin ka sa akin." Masungit pa rin na saad nito at kinuha ang cellphone tsaka muling nagsalita.

Sinaunang Panahon ||SB19 KENWhere stories live. Discover now