History of our Family

15 4 0
                                    

|Chapter 3: History of our Family|

>>>----------♡----------<<<

Clairy's Pov

Naka-upo kami ni Lola sa isang makalumang upuan sa malaking Library, punong-puno kasi ito ng mga libro, sa gilid namin ay may lalagyan doon ng isang libro na siguro sobrang halaga kaya nakalagay pa sa glass na box.

Sobra ang pagkamangha ko sa buong bahay na 'to.

"Enjoying the view?" Nakangiting tugon nito nang humarap ako sa kaniya.

Lumabas din naman ang aking ngiti, dahil hindi ko rin naman mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman. Nakaranas din kahit sa makalunang bahay lang, sana ay maranasan ko rin ang panahon noon ngunit yung walang kawal na nananakit at pumapatay.

"Yes po, Lola. Sobrang ganda po kasi rito at feeling ko nasa makalumang panahon ako." Tugon ko na hindi mawala ang pagka-excite.

"Kung ganun, maaari mong maranasan na nasa makalumang panahon ka, gamit lang ang iyong misyon, apo." Tugon nito ng may ngiti.

Bigla nanamang umihip ang hangin, kahit na kulob kami rito. What the heck, how can be do that?

Ang creepy, jusko, kanina ko pa nararamdaman ang ganung klaseng hangin.

"Po? Ano pong misyon? Para saan po?" Nagtatakang tanong ko habang hinihimas ang braso ko dahil sa lamig na dulot ng hangin.

"Hayaan mong ikuwento ko sa'yo, apo." Tugon ni Lola ng seryoso.

Tumango-tango lamang ako at nakatingin lang ako sa kaniya.

"Ako ang kapatid ni Clara, at gusto ko lang sabihin na hindi ko anak si Dan, dahil anak siya ni Clara. Kaya lamang nangyari yun para hindi masaktan ang ama mo at ang totoo. Nasa panganib na rin siya noon at muntik na ring mamatay kasama si Clara. Buti nalang naligtas ko siya at ako ang nagsilbing nanay ni Dan. At ang tunay kong anak, ang anak namin niFernandez ay si Donisio at hindi si Dan." Seryosong tugon ni Lola habang nakatingin sa akin.

"Po? Seryoso po ba? Alam po ba ni Daddy yun?" Hindi nakapaniwalang tugon ko.

"Actually, hindi. Kaya nga kailangan kita sa misyon na 'to, Clairy. Dahil ikaw lamang ang nag-iisang kamukha ni Clara na maaaring magligtas sa buhay niya at sa buhay ng mapapangasawa niyang si Juan, para sa ganun ay mabuhay ang iyong ama at mismong pati ikaw at ang mga kapatid mo." Tugon pa ni Lola at tumayo sa kinauupuan.

Nilapitan niya ang may kurtina roon at hinawakan ang tali.

Hindi pa rin ako maka-get over sa mga nalaman ko.

Like how she can need me? For what?

"Halika apo, at ipapakita ko sa'yo ang pamilya ng mga Ezguera." Tugon ni Lola.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sabay nun ang pagbukas niya sa kurtina.

Hindi pa man din ako nakakapunta sa harapan nun ay namangha na ako ng sobra.

Madami sila at sobrang ayos ng pagkakakuha ng litrato.

"Halika rito, apo." Tugon ni Lola kaya lumapit na ako.

"This is my Family." Panimula ni Lola.

"Ito ang ama ko si Don Danes Ezguera at ito naman ang ina ko si Donya Carmelita Ezguera. Panganay ako sa magkakapatid, sumunod si Marcelo, Concordia, Mariano, Corazon, Clarita at Clara."

"1964 ako pinanganak at sa araw ng 1982 doon mo gagawin ang kailangan mong gawin. So that time, I'm 18 years old, Marcelo, Concordia and Mariano, pero mag kakaiba lang kami ng birthday at buwan lang ang mga tanda namin. While Corazon, Clarita and Clara is 17 years old at buwan lang din ang mga tanda nila sa isa't isa. Ngayong 2021 naman I'm 57 na and Clara is 56 now if she's alive. Gusto ko lang sana na makita siyang muli at makasama." Tugon ni Lola na may ngiti sa labi ngunit bakas pa rin ang lungkot sa kaniya.

"In 1982, araw ng kasalan nila Clara at Juan. That time, buntis na si Clara ng 9 months. Dun yung time na sana pagkatapos ng kasal ay isisilang na nila ang magiging anak nila na si Dan. Pero dahil may dumating para pigilan ang kasal, nahinto ito at doon na biglang may bumaril kay Juan na hindi malaman kung sino. Kaya pagkatapos nun, hindi na naisalba si Juan at namatay na lamang, kaya labis ang kalungkutan ni Clara noon at nung isilang ang ama mo roon niya naisipang magpakamatay at tumalon sa bangin kasama ang anak niyang si Dan, dahil malas daw ang anak nito kaya isasama niya na rin sa kamatayan. Pero napigilan ko siya gamit ang paghawak sa braso niya at nakuha ko si Dan, kaso nga lang bumitaw sa akin si Clara at tumalon kaya namatay siya, labis ang paghihinagpis namin noon, apo." Naiiyak na tugon ni Lola.

"Ikaw lang ang tanging pag-asa, apo. Dahil kamukhang-kamukha mo si Clara at makakapunta ka lang sa nakaraan kung papasok ka sa lagusan kasama ang librong ito at sana ingatan mo 'to." Tugon pa ni Lola.

"So ako lang po ang pupunta sa nakaraan mag-isa?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo pero maaari ka pa ring magsama, kung kamukha siya sa isa sa mga Pamilya ko." Tugon ni Lola.

Tumingin muli ako sa Malaking larawana, ang saya nilang pag masdan pero hindi ko alam na hahantong sila sa nakakatakot na trahedya.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan iyon, mukhang alam ko na kung sino ang isasama.

Si Ate Clady at Kuya Dane, dahil kamukhang-kamuha ni ate si Lola Clarita at kamukhang-kamukha ni Kuya si Lolo Mariano. Great!

Tumingin ako kaya Lola na nagpupunas ng mga luha.

"Apo, kailangan kita at kailangan ka naming lahat, dahil sa'yo nakasalalay ang lahat at kailangan mong maligtas si Clara, dahil kung hindi, maaaring hindi na mabuhay ang ama mo at pati ikaw, kayo ng kapatid mo." Seryosong tugon ni Lola pero sumisinghot siya.

Ngumiti ako kay Lola. "Kung ako po ang daan para mapabuti ang lahat, gagawin ko po ang makakaya ko at kung ang libro lang po na iyan ang susi upang makapunta sa lagusan sa nakaraan ay iingatan ko po iyon. At hindi naman po magiging masaya kung ako lamang po ang pupunta roon, so I know kung sino ang mga isasama ko." Sincere na saad ko.

"Payag ka na, apo?" Tanong ni Lola.

"Opo, Lola. Mission accepted. I will do my best for the sake of Lola Clara and for the sake of our Family. I don't want to lose someone important in my life and of course I want to live like I did now. So yeah, ako na pong bahala, Lola, just wait for me to comeback here."

<~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~>
[Not edited]

So you will encountered Typos error and Wrong Grammar. :)

You will also encountered a little Cursed in every or some of the Chapters. :)

Sorry in advanced. <3

Sinaunang Panahon ||SB19 KENWhere stories live. Discover now