"What's wrong? May nangyari ba?" nagtatakang tanong ni Kathryn kay Daniel
"Ah, wala. Tumawag lang yung management na may ball mamaya."
"Ah." yun lang nasabi ni Kathryn sa sagot ni Daniel. Hindi niya alam kung ano sasabihin
"Uhm.. Kath?"
Napaisip bigla si Kathryn kung ano sasabihin ni Daniel.
"Kath?"
Nagulat bigla si Kathryn sa pagbikas ng pangalan niya ng kanyan iniidolo. Umaapaw ang kaligayahan niya bawat pagkakataon nabibigkas ng kanyang iniidolo ang kanyang pangalan.
"May sasabihin ka ba Daniel?" tanong ni Kathryn
"Uhm... Kath. Could you be my date sa suprise ball ng Star Magic tonight?" nahihiyang tanong ni Daniel kay Kathryn
"Huh? Ako? Inaaya mo na maging date sa suprise ball? Nanaginip ba ako? Oh Gee" Di makapaniwala si Kathryn sa sinambit na mga salita ni Daniel. Yung parang nasa langit siya. Imagine, Inaya ka ng pinakamamahal mo iniidolo sa isang ball.
Kinabahan bigla si Daniel sa pagaakalang ayaw ni Kathryn maging date niya sa ball. "Ayaw mo ba?" tanong ni Daniel
"Tototo ba lahat ng ito? Aaaah! Sinong baliw na babae ang aayaw sa isang Daniel Padilla?" mungkahi ni Kathryn
"So ibig sabihin papayag ka?" Di makapaniwalang sagot ni Daniel kay Kathryn.
"Paulit ulit? Oo nga! Hahaha Pero di ba sila magtataka? Ang isang katulad ko na di hamak na fangirl lamang ay magiging date ng isang matipunong sikat na aktor na si Daniel Padilla?" Panumbaba na sinabi ni Kathryn
Biglang napa isip si Kathryn: "Ano nga ba ang sasabiihin ng iba? Fangirl lamang ako na baliw na baliw sa taong nasa harapan ko. Tapos pupunta ako sa isang engrandeng pangyayari kasami ang iniidolo ko."
"Kathryn, wag mong aalahanin ang sasabihin ng iba. Ano naman kung ikaw kasama ko sa ball? Eh parang ako nga ang dapat mahiya kasi isang napakagandang binibini ang makakasama ko sa gabing iyon. So, is it a deal? Ikaw magiging date ko mamayang gabi ha." Sagot ni Daniel na parang nabasa ang lahat na nasa isip ni Kathryn
"Oo na. This is really unbelievable."
"Well, Believe it or not, Madame Baby." sabi ni Daniel na may kasamang kindat pa sa huli
Di alam ni Kathryn kung ano ang mararamdaman. Hindi siya makapaniwala na isang iglap ay magiging date niya ang isang Daniel Padilla sa sopresang ball na hatid ng Star Magic.
Hinatid na ni Daniel si Kathryn sa kanyang bahay para makapag ayos at makapaghanda para sa gaganaping ball mamayang gabi.
"So, see you tonight? Susunduin kita by 7pm."
"See you!" kumaway na si Kathryn kay Daniel kaya pumasok na si Daniel sa kanyang sasajyan at humarurot paalis
Pumasok na rin si Kathryn sa kanyang bahay at nakita ang kanyang ina nakaupo sa sofa sa sala nanunuod ng teleserye.
"Mommy! Inimbitahan ho ako ni Daniel pumunta sa ball tonight!" sigaw ni Kathryn na naging sanhi ng pagkagulat ng kanyang ina
"Jusko naman Kathryn. Hindi mo naman kailangan sumigaw. Inaya ka lang naman ni Daniel na maging date sa ball. Teka lang.. DANIEL? DANIEL PADILLA?!" di makapamiwalang sabi ng kanyang ina
"Yes, mommy. Pwede mong tawagan si tito Francis na kung pwedeng pahiramin niya muna ako ng gown na pwede kong gamitin mamaya?"
Yes, The great Francis Libiran is Kathryn's tito. What a small world after all, ain't it?
"Sige, ako na bahala."
Umakyat na patungo sa kwarto niya si Kathryn at humandusay sa kama.
Linabas niya ang kanyang iPhone at nagtweet:
"@bernardokath: This night will be memorable.. hopefully."
Tinago niya ang kanyang phone at napagdesisyunan na maghanda para sa ball na gaganapin mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
My Fangirl And I [KathNiel]
Fiksi Penggemar"I'm just a fangirl but I'm not his girll." - Kathryn Bernardo but in one moment, everything changed. ------ By: Therese Agpalo/ KathNielAndI ------------