Prologue
Hindi ko alam kung paano ko i-dedescribe ang sarili ko. Kumpleto naman ako, wala naman akong kapansanan at wala ring karamdaman.
"Love, tara mag-gala. May bagong kainan sa kabilang bayan," sambit ng girlfriend ko. Nandito siya sa bahay namin ngayon. Sinadya niyang pumunta para ayain ako sa foodtrip na siya ang may gusto ko.
"Magbibihis lang ako," sagot ko.
Paalis na kami habang nakasakay sa tricycle ng kaniyang tito. Doon nagtatrabaho sa kabilang bayan ang tito niya bilang kargador sa palengke at kauuwi niya lamang galing sa trabaho.
Habang pinagmamasdan ko ang mga ilaw sa kalsada, nakikita ko ang matamis na ngiti mula sa mukha ni Hara.
Maganda siya, pero may kulang. Simula noong pumasok ako sa mga relasyon, ito palagi ang nararamdaman ko.
Isa... Dalawa... Tatlo... Sampu. Sampung babae na ang nakarelasyon ko pero walang tumatagal. Pakiramdam ko may iba sa akin. Para bang may hinahanap ako.
Nandito na kami sa kainan. Nasa paligid ito ng plaza. May mga pailaw sa bawat poste dahil magpapasko na.
Ang bawat tolda na ginawang tent ay may mga pailaw rin sa paligid. Kitang-kita ang iba't ibang pagkain kasabay ng masarap na amoy nito.
Nakahawak sa kamay ko si Hara at tuwang-tuwa siya habang nagtitingin-tingin ng pwedeng kainin.
Pinagmamasdan ko siya pero ang tanging nararamdaman ko ah kasiyahan. Kasiyahan na kasama ko siya pero hindi bilang girlfriend.
Nakakalito. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung sino ba ako? Ako ba talaga ito?
Nakaupo kami ngayon sa bench ng pkaza habang kumakain ng binili naming siomai at gulaman.
Sa tuwing kasama ko ang mga nagiging girlfriend ko, nandoon ang saya. Pero may isa akong hindi maramdaman...
"Love, tingin ka," dahil sa sinabi niya ay lumingon ako sa kanya at biglang dumampi ang labi niya sa pisngi ko.
... Iyon ang kilig.
This is work of fiction. Any names, events, incidents or places are from the author's imagination. Any type of similarities from real person, place or events are just coincidence. All of the parts should not be posted in any place without the permission of the author.
PLAGIARISM IS A CRIME!
![](https://img.wattpad.com/cover/288069803-288-k21009.jpg)
BINABASA MO ANG
Ivan's Apple
RomanceSa pagpasok sa iba't ibang relasyon, iba-ibang paraan din ng kilig ang nararanasan natin. Mayroong kilig na panandalian, kilig na pangmatagalan. Mayroong sa simpleng tingin ay nakakaramdam agad ng kilig. Pero paano kung ilang beses ka nang pumasok...