Chapter 3
Ivan's POV
Nag-iwas ako ng tingin at tumuloy nalang sa paglalakad pero ramdam ko ang mabilis niyang paglakadkaya naabutan niya ako. Hinila niya ang balikat ko kaya napaharap din ako sa kaniya.
"Bakit ka aalis?" seryoso ang kaniyang tingin at mas malalim ang boses niya kumpara sa natural niyang boses. Hindi ako sumagot dahil may kalayaan akong huwag kumibo.
Humigpit ang paghawak niya sa balikat ko at inalog-alog pa niya ako. Nanatili akong walang kibo habang nakatingin sa mata niyang puno ng galit.
"Anong ginawa mo kay Hara?" umpisa palang alam kong ito na ang pinunta niya. Habang nakatitig ako sa kaniya ay parang si Hara lang din ang kausap ko. Mula sa mata niyang mapungay, sa mahaba niyang buhok na medyo kulot at sa labi niyang medyo mapula na hindi magkadikit ngayon dahil ang magkadikit ay ang ngipin niya.
Muli siyang sumigaw, "Anong ginawa mo sa kakambal ko?" kahit gaano karaming tao ang tumitingin sa amin ay wala siyang pakialam dahil gusto niyang ilabas ang galit niya sa akin.
Hinila niya ang manggas ng t-shirt ko at napatingin ako sa isa niyang kamay. Nakakuyom iyon at para bang nagpipigil siyang suntukin ako.
Umangat ang kamay niyang iyon pero mananatili akong walang kibo. Walang mangyayari kung sasagutin ko ang tanong niya. Nakahanda ako sa anumang suntok o sampal na gagawin niya.
"Ivan! May nakita akong bata sa harap ng bahay niyo," kabisado ko ang boses na 'yon. Hindi ako nagdalawang isip na lumingon sa kaniya.
"O-oh, Ron. Ikaw pala," medyo naiilang ako sa pagbati sa kaniya dahil kahapon lang kami nagkakilala. Nakahawi ang bangs niya ngayon at mas nakikita ang bilog niyang mga mata.
"Halika na, walang lumalabas galing sa bahay niyo, baka importante 'yon," inakbayan niya ako at nag-umpisa na akong maglakad.
Napatigil naman ako dahil sa biglang pumasok sa isip ko. "Wala akong sinabing nakipag-break ako kay Hara. Wala rin akong sinabing gusto ko pa. Nasa inyo nalang kung paano niyo i-interpret."
Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ay naalala ko ang burger. Medyo lumamig na ito dahil natagalan ang pagtayo ko sa hatap ng bahay na 'yon.
"May ex ka pala," sabi ni Ron. Napatigil ako sa paglalakad at medyo lumuwag ang pagkapulupot ng braso niya sa balikat ko. "Walang masama, ayos lang yan," muling humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.
Habang tumatagal ang pag-akbay niya ay napapalitan ng emosyon ang mukha ko. Napatitig ako sa mukha niyang sobrang aliwalas. Makinis ang mukha niya ngunit may maiikling bigote sa itaas ng kaniyang labi. Kanina ay blangko lang ang emosyon pero ko ngayon parang...
"Oh, ayan 'yong bata," napatigil ako sa pagtitig sa kaniya at nilingon ko si Jasmin.
"S-salamat," pabulong kong sambit.
"Hihintayin kita sa pinagkakitaan natin kanina!" hindi na ako nakapagsalita pagkatapos niyon at basta nalang siyang umalis.
"Nasa loob si Iya," pagkabukas ko ng gate ay agad siyang pumasok at inunahan pa ako.
"Iya!" matinis ang boses niya nang tinawag niya ang kapatid ko. Naabutan ko si Iya na nakaupo sa maliit na sofa sa sala. Nakaharap lang siya sa TV at nakatulala. Yakap niya ang teddy bear niyang si Pinky.
Dahan-dahan siyang lumingon kay Jasmin. Napawi ang ngiti niya nang makita niya si Iya na nakasimangot. "Bakit?" paglapit niya rito ay nakita ko ang mga namumuong luha sa mata ni Iya.
"K-kumain kayo ng burger," iniabot ko sa kanila ang burger na binili ko.
Tinitigan ako ni Jasmin ngunit hindi man lang nagtama ang paningin namin ni Iya. Kinuha na ni Jasmin ang supot ng burger at iniabot niya ang isa kay Iya.
Nag-umpisa akong maglinis ng bahay sa pamamagitan ng pagwawalis. Lumabas ang dalawang bata sa terrace kaya malaya akong nakapaglinis sa loob. Nilampaso ko rin ang sahig at pinunasan ang ibang gamit.
Sa isang araw na nga pala ang birthday ni Iya. Wala pa akong naiisip na handa para roon. Hindi ko rin naman alam sinong mga imbitado. Kahit papaani gusto kong bigyan siya ng kahit simpleng celebration man lang.
Natapos na ako sa paglilinis kaya naligo muna ako. Pagkatapos ay isinuot ko ang jersey na bigay ni daddy at sando na fitted sa katawan ko.
Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwedeng ulamin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko mula sa aking bibig nang makitang dalawang itlog nalang ang naroroon. May mga gulay pero ayokong gawalin 'yon nang para sa tanghalian. Binuksan ko ang freezer at halos wala na ring lamang yelo.
"Gusto niyo ba ng itlog?" tanong ko sa kanila. Hindi ako nakarinig ng kahit isang salita at hindi rin sila tumango o umiling. Hindi ba nila ako narinig o ayaw lang nilang sumagot?
Kahit na wala akong sagot na nakuha ay nagprito nalang ako ng itlog para sa kanilang dalawa. Tinignan ko rin ang kaldero kung may kanin pa, halos ako lang din naman ang bumawas sa kanin kaya ipinainit ko nalang.
"Pag hindi ka pumunta sa birthday ko hindi na kita friend," halata ang pagtataray ni Iya base sa boses niya.
"Pupunta ako, bestfriend kita at tsaka gusto kitang kasama palagi," kusang lumabas ang ngiti sa akin nang marinig ko 'yon.
Naamoy ko ang pasunog na kanin kaya dali-dali kong pinatay ang kalan. Pero hindi, nakapatay na pala ang kalan pero nakapihit ito at dapat may lumalabas na apoy. Ginalaw ko ang gasul at alam kong wala nang laman 'yon. Buti nalang tapos na akong magluto.
"Kakain na, halina kayo!" pagtawag ko sa kanila nang maihain ko ang kanin at ulam. Naglagay na rin ako ng tatlong plato at baso. Kumuha na rin ako ng catsup para may sawsawan sila. Hindi mawala ang ngiti ko habang nakikinig sa usapan nila tungkol sa birthday.
"Doon na po kami kakain sa amin. Iya, tara na!" unti-unting napawi ang ngiti ko nang marinig ko 'yon.
"Iya!" hindi na sila lumingon sa akin at kumaripas na ng takbo.
Dahan-dahan akong naupo para kumain ng tanghalian. Sino ba naman kasing magkakaroon ng ganang kumain na itlog lang ang ulam? Ni hindi ko nga nagawang magsaing eh. Kahit mabigat sa loob ko ay tahimik kong pinagmasdan ang lamesang bakante ang mga upuan.
"Tao po," isang malakas na katok ang narinig ko at ang pagtawag ng tao sa labas. Tumayo ako para puntahan siya.
Pagkakita ko sa kaniya ay unti-unti kong naramdaman ang munting ngiti sa aking labi.
"Kain tayo," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Ivan's Apple
RomansaSa pagpasok sa iba't ibang relasyon, iba-ibang paraan din ng kilig ang nararanasan natin. Mayroong kilig na panandalian, kilig na pangmatagalan. Mayroong sa simpleng tingin ay nakakaramdam agad ng kilig. Pero paano kung ilang beses ka nang pumasok...