Ang Araw at ang Buwan

173 10 0
                                    

"Walang unang pagkikita na hindi sinasadya."

--------------------------------------------------------

January 21, 2019

"You're fired." kaswal na saad ni Jace habang pumipirma ng iilang dokumento.

"Sir?" takang tanong ni Architect Villanueva, isa sa mga batang arkitekto ng kompanya.

"I said you're fired, Ar. Villanueva. Now, leave." mariing saad niya, hindi pa rin nag-aangat ng tingin dito.

"Bakit po?" wala sa sariling tanong nito.

Kung nagsasalita lang siguro ang ekspresyon sa mukha ni Jace, "Tinatanong mo pa?" ang isisigaw noon sa mukha ng empleyado.

Inangat niya ang suot na salamin na unti-unting dumudulas sa tungki ng kanyang ilong saka nagpatuloy sa pinipirmahang dokumento. Napabuntong-hininga siya nang hinintay talaga nito ang sagot sa sariling tanong.

"You stole the company's designs to sell it to the Riveras, Mr. Villanueva. That's why." Tinapos niya ang huling pinipirmahan bago nag-angat ng tingin sa kanyang empleyado.

"For what? Fifty-fucking-thousand?" malamig na saad niya. Hindi agad ito nakapagsalita. Siguro ay sa bigla dahil mabilis niya lang iyong nalaman, o sa kaba dahil sino nga bang makakayanang tumayo sa harapan ni Jace 'pag galit siya?

Sumandal siya sa kanyang upuan pagkatapos ay tuluyang hinubad ang suot na salamin.

"Mr. Villanueva... my designs are not cheap. Sana man lang tinaasan mo." Pinag-krus niya ang mga braso pagkatapos ay itinagilid ang kanyang ulo.

"What? You thought I wouldn't know?" aniya pa.

Nang tuluyang bumagsak ang luha nito ay napailing siya.

"Sir, I'm sorry!"

"Are you?" he asks.

Desperado itong tumango-tango habang humahagulgol. Pinagsalikop nito ang mga kamay pagkatapos ay yumuko pa ng pagkababa. "Opo! Kahit lumuhod pa po ako ngayon dito gagawin ko po, mapatawad nyo lang po ako. Parang awa nyo na po, Sir... hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho."

"'Sorry' is not a magic word, Architect. Hindi milagrong mababawi ng mga tao ang inilaan nilang oras at pagod sa ninakaw mo dahil lang sinabi mo iyan."

"Sir... please. Nagawa ko lang po 'yon dahil nasa ospital ang kapatid ko. Hindi ko po sinasadya, Sir, maawa po kayo. Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko-"

"That's not my problem anymore." Tumayo siya mula sa pagkakaupo pagkatapos ay inayos ang ilang gusot sa kanyang damit.

"You're fired, Mr. Villanueva. Hindi ko na uulitin ang sarili ko." Umalis siya sa harapan nito. Masyado nang mahaba ang pasensya at oras na kinukuha nito sa kanya na hindi niya na kayang tagalan pang tumayo sa harapan nito.

Isa pa, alam din naman niyang wala ring mangyayari kahit umiyak pa ito ng isang baldeng luha.

Hindi naman siya maaawa.

"Tama nga sila," malapit na siya sa pintuan nang marinig iyon. Nilingon niya ito at nakitang nakatayo na ito at diretso ang tingin sa kanya. May bahid ng luha ang mga mata nito ngunit mas bakas ang galit sa mga mata.

"You're heartless."

Sarkastikong natawa si Jace rito. He clicked his tounge a few times. Namulsa ito pagkatapos ay malamig na tinitigan pabalik ang kanyang empleyado.

Tumalikod siya rito pagkatapos ay binuksan ang pinto palabas ng opisina.

"I know." bulong niya sa sarili.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now