Siya, na nag-iisang minahal niya

74 5 0
                                    

"Maaaring iwasan ang tadhana."

-----------------------------------------------------

Ilang segundo na ang nakakalipas at matagal na ring nilisan ng buwan ang araw ngunit nasa bisig pa rin ni Jace ang lalaking kanina lang ay nakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makakilos. Ni hindi nga maproseso ng kanyang isip ang nangyayari.

Malalim siyang napahinga habang pinagmamasdan ang mukha nitong tuluyan nang natamaan ng sinag ng araw.

"Tumawag na ako sa malapit na ospital. Hintayin na lang natin iyon. Huwag na muna natin siguro siyang galawin. Hindi natin alam kung anong nangyari sa kanya."

Tsaka lang siya natauhan nang marinig ang boses ni Sebastian habang sinasabi iyon. Wala sa sarili siyang tumango rito. 

"Trabahador din po ba siya rito?" tanong ni Samuel.

"Hindi ho pamilyar sa 'kin ang mukha niya, eh..." saad ng lalaking nakakita rito.

"Ipagtatanong ho namin sa mga kalapit na bahay pero mukhang imposible rin naman iyon. Hindi gaanong dumadaan dito ang mga tao dahil nga may ginagawa." anang isa.

Tahimik na pinagmasdan ni Jace ang mukha nito. Ang makapal nitong pilikmata ay halos takpan ang ilalim ng kanyang mga mata dahil sa haba nito. Prominente ang maliit nitong ilong at ang magagandang hugis na mga labi ay halos mawalan ng kulay dahil sa putla. 

Hindi sigurado si Jace ngunit pakiramdam niya ay nakita niya na ang mukhang iyon. Para bang sa likod ng kanyang isip ay kabisado niya na ang bawat detalye ng mukha nito ngunit hindi niya alam kung bakit at paano. 

Masakit. Iyon lang ang tanging naiintindihan niya sa sitwasyon na iyon. Nasasaktan siya sa hindi niya malamang kadahilanan. 

Pakiramdam niya ay naramdaman niya na ang ganoong klase ng sakit noon at ngayon lamang muli bumabalik sa kanya. Para iyong sugat na muling nabubuksan. Parang aklat na dati niya nang nabasa at ngayon ay muling inilalahad. Parang pamilyar... pero hindi.

A few images of what seemed like waves of memories flashed across his mind. Malabo ngunit tanda niya sa mabilis na pagdaan ng mga ito ang imahe kung saan nakatalikod ang isang lalaki sa dulo ng dalampasigan habang pinanonood ang papalubog na araw. Nang lumingon ito sa kanya ay nakaramdam siya ng parehas na intensidad ng saya at sakit. Lumapit ito saka inabot ang kanyang kamay. Sa gitna ng ingay ng alon, may mga salita itong ibinulong sa kanya.

"Hahanapin kita, at ako ang pupunta sa 'yo."

"Overfatigue." nakasimangot na saad ni Samuel nang imulat ni Jace ang kanyang mga mata at natagpuan ang sarili sa isang ospital. 

"Hinimatay ka rin pagkatapos mong saluhin 'yong lalaki. Ano? Sinabi ko na kasi sa 'yo bibigay at bibigay talaga 'yang katawan mo sa pinaggagawa mo." sermon ni Logan habang inilalapag ang pagkain sa kanyang gilid. 

Inismiran niya ito.

"Ang angas nyo ngang dalawa, eh. Parehas kayong nawalan ng malay, halos sabay pa." si Sebastian na ngayon ay kinakain na ang prutas na para sana sa kanya.

"Anong maangas 'don? Ilang beses na 'yang nawawalan ng malay ngayong buwan. Ang hirap pagsabihan." iritadong saad ni Sam.

Sinamaan niya lamang ito ng tingin.

"H'wag mo ngang inaaway si Jace." ani Seb.

Yumakap ito sa kanya ngunit mabilis niya lang itong itinulak.

"The fuck?" aniya habang inis na pinapagpag ang damit.

"Aray, ha!" pagdadrama ni Seb habang nakahawak sa dibdib na para bang nasasaktan. "Makatulak 'to, diring-diri amputa."

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now