Ang Pag-ibig, at Ang Dagat Tuwing Gabi

132 5 1
                                    

"Handa akong malunod."

-----------------------------------------------------

Mahirap ba talagang magmahal?

Sandaling nahinto si Jace sa ginagawang trabaho nang maalala ang mukha ni Sol nang umagang iyon. Ang sakit, takot, at lungkot sa mga mata nito ay sabay-sabay na bumabalik sa kanya kahit na pilit niyang inaalis sa isipan ito.

Ayaw niya na sanang alalahanin. It felt so wrong seeing Sol in that state. Pakiramdam niya kasi, may parte ni Sol siyang nakita na hindi dapat. Para bang sandaling naalis ang takip sa sugat nito at nakita niya kung gaano iyon kasakit at kalalim.

Sa maliit na segundong tinitigan niya ang mga mata nito, nakita niya kung gaano ito kasira- kung paano ito binigo ng pag-ibig at ng mundo.

Pinagapang ni Jace ang mga daliri sa isang litratong iniutos niya kay Pat na kunin. Sa likod nito ay ang pangalan ng lalaking nandoon at ang taon kung kailan ito kinuha.

Juan Javier Suarez
Abril 22, 1901

"Lalim naman ng iniisip mo." pabirong saad ni Sebastian sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa meeting para sa isang proyekto. Hindi pa ito nag-uumpisa ngunit natataranta na ang ilan sa mga tauhan dahil alam nilang ayaw ni Jace na pinaghihintay siya.

"Sabihin mo burat, magigising 'yan." Bulong-bulong ni Logan sa gilid nila habang tumatawa.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawa pagkatapos ay pasimpleng ibinulsa ang litratong hawak.

"Where the fuck is Samuel? Hindi ba't magpe-presenta iyon ngayon?" Ani Jace saka umayos ng upo.

Nagtinginan ang dalawa pagkatapos ay malakas na tumawa. Tumingin sa kanila ang ilang nasa mesa kaya naman sabay silang yumuko.

"Ano na namang ginawa ninyo?" Tanong niya rito.

Bumungisngis muna si Logan bago magpaliwanag. "Gago ka kasi, inusog mo 'tong meeting nang maaga, eh ang aga ring nalasing ni Sam kagabi."

"Oo nga, parang di kaibigan. Kami nga, tanggap ka namin kahit iniuwi mo 'yong lalaki sa site doon sa bahay mo." Si Sebastian.

"Shut up." Bulong din ni Jace habang masamang tinitignan ang kaibigan.

Tumawa ulit ang dalawa saka nag-apir.

"Asus. Inasar ka lang inusog mo na agad 'tong meeting ng umaga."

"Ganyan talaga Seb kapag may kapangyarihan, ibang klase trippings. Tignan mo gobyerno natin." Ani Logan saka tumawa.

"Gago, hahahahaha."

"'Di mo man lang inalala si Sam na tropa mo ng 10 years, pre. Nag-I love you yung tropa natin sa fubu niya, tol. Gusto lang naman uminom nung tao tapos ngayon paggising niya wala na siyang trabaho." Umaktong malungkot si Sebastian kahit na demonyo nitong tinatawanan si Sam sa isip.

Nagtatawanan pa ang dalawa nang lumapit si Pat sa kanya. Malakas na tumikhim dito si Sebastian ngunit pasimple lamang na umirap ang sekretarya bago bumulong sa kanya.

"Sir, nandito na po iyong freelance architect." Saad nito.

Tumango si Jace sa sekretarya saka umayos ng upo. "Let him in." Aniya.

Nang pumasok ito ay sandali jtong nagpakilala sa kanya. Kinuha niya ang atensyon ng buong tao bago magsalita.

"This is Architect Calvin Velasquez. Mr. Santiago, siya ang papalit kay Architect Villanueva sa team na ito." Aniya habang seryosong nakatingin kay Sebastian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now