chapter 14

16 2 0
                                    

SKYLER'S POV

Naiwan akong nakupo dito sa may tabing dagat,pagkaalis ni sydney sa tabi ko,napaisip ako sa mga sinabi nya,mahal ko na nga ba si ava.habang nagiisip ako may bigla akong narinig na sinisigaw yung pangalan ni ava.

AVA!

AVA!BUMALIK KA DITO.

Si mama yon ah,kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

mA! Anong nangyayari bakit ka sumisigaw?

Anak si ava umalis na,at umiiyak siya.

Umalis at saan nman pupunta si ava.

Hindi ko alam,umiiyak siya ng umalis,baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Ano ba naman ava,ano ba talagang problema mo,pati si mama nagaalala na sayo,kailangan na talaga natin magusap ava,dahil kung hindi baka mabaliw na ako sa kakaisip sa problema mo.

Kinabukasaan ng hapon umalis na din kami sa resort para makapag paahinga na ,at may pasok pa kasi sa susunod na araw.

———
Monday na ngayon, at ngayon ko napagdesisyunan na kausapin si ava,iniintay ko siya sa gate ng school kasi labasan na din,pero isang oras na ako nagiintay wala pa din ni anino ni ava ang lumalabas.

Manong guard ,may estudyante pa ba sa loob?

Wala na bakit?

Ah,wala po,salamat.

WAla si ava,baka hindi pumasok,umuwi na ako sa bahay,at hindi ko namalayan na gabi na pala,pagdating ko sa bahay nakita ko si mama na nagbuburda sa may sala.

Skyler,anak saan ka galing,ginabi ka na ah?

Ah,ah,inintay ko po kasi si ava sa sa gate ng school nyo,pero hindi po siya dumating

Ay talagang di dadating yun,absent sya kanina eh,bakit naman gusto mo siya makita?

Gusto ko lang sana makipagusap sa kanya,gusto ko lang sanang malaman ang problema nya ang lamig kasi ng pakikitungo nya sa akin.

Skyler,anak sabihin mo nga sa akin gusto mo ba si ava?

MA! ano ba namang tanong yan,kaibigan lang ang tingin ko sa kanya,parehas kayo ni sydney,kung anu-ano ang sinasabi.

Haha,talaga lang ha,sige aakyat na ako sa kwarto ko,magpapahinga lang ako.kung gusto mong kumain,meron ng pagkain sa lamesa.

Bakit ba sinasabi nyong gusto ko si ava?,talaga bang sa mga kinikilos ko lumalabas na gusto ko na siya.

______

Lumipas ang isang linggo,hindi ko pa din siya nakakausap, at sabi ni mama  hindi din pumapasok si ava araw-araw.

Kinabukasan pumunta na ako sa bahay nina
Ava.ng nagdoor bell ako sa kanila,may nagbukas na medyo matandang babae.

Ah,good afternoon po,nandyan po ba si ava?

Si ava,napasok siya eh,bakit?

Ho!?eh isang linggo na ho daw siyang hindi pumapasok,lagi ko ho siyang inaabangan sa gate ng school nila eh at yung teacher nya po ay yung mama ko.

Aba eh naku ang batang iyon,saan naman kaya pumupunta?ah iho pasok ka muna.

Salamat ho,pero uuwi na ho ako,babalik na lang po ako bukas.sige ho ,mauuna na ako.

Ah ganon ba,sige magiingat ka.

------

Ava saan ka ba pumupunta,wala ka sa school,wala ka din sa bahay nyo,nasaan ka ba? sa isang linggo kong di nakikita si ava,lagi akong di makatulog,nag aalala talaga ako sa kanya at na realize ko na mahal ko nga siya,at miss na miss ko na siya kaya talagang gustong gusto ko makausap si siya.

Nagisip ako kung saan pwedeng pumunta si ava at ng may makita akong isang batang naglalaro sa may tulay,naisip kong nandoon siya,pero sana nga nandoon siya dahil wala na akong ibang lugar  kung saan pwedeng pumunta si ava.?

Fell in Love with a Weird,Rebel Girl  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon