Dating Tayo

2 0 1
                                    


Sa tuwing babati ka sa umaga,

Mga mata ay tila bituwin na nagning-ning sa saya,

Mga kwentuhan na sa atin lang dalawa,

Mahal ko ating balikan.


Sa tuwing sasambitin,

Salitang "Mahal kita",

Puso ay labis ang saya,

Saya na aking nakasanayan na.


Kalokohan na taglay, sadyang nakakatawa,

Problema sa aking mundo ay nakakalimutan ko.

Isama mo na rin ang boses mo na ka'y sarap sa pandinig,

Tila ako ay nakikinig ng isang awit.

Mahal, maari ba na bumalik na sa ating mundo?

 Na tahimik at masaya,

Sa mundong tayo lang dalawa,

Dating tayo, kung saan mahal pa natin ang isa't isa.

- ACFC

THOUGHTS -ACFCWhere stories live. Discover now