KAIBIGAN

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung saan,
Hindi ko alam na ikaw ay magiging kaibigan,
Noong una, ako ay nag-aalangan,
Nagpakilala ako, ngunit hindi ko alam kung kailan.

Lumipas ang ilang linggo,
Ako ay nakikipag-biruan na sayo,
Nalaman ko na pareho pala tayo ng gusto,
At nang dahil doon lagi na akong natabi sayo.

Dumating ang oras tayo ay magtatapos na,
Sa una ay masaya,
Dahil ang kurso natin ay pareho,
Pero nalaman ko na iba pala ang gusto ko.

At dumating ang pinaka malungkot na araw,
Dahil ako ay lumipat ng eskwelahan,
Eskwelahan na nandoon ang kursong gusto kong pasukan,
Ako ay naghanap ng paraan upang ito ay malusutan.

Ngunit tayo ay naghiwalay na ng tuluyan,
Labis na lungkot ang aking naramdaman,
Dahil ilang taon pa bago tayo magkita,
Ilang taon bago tayo magsama.

Ngayon ay espesyal na araw,
Aking saya ay umaapaw,
Dahil ngayon ay kaarawan mo na,
Ako ay natuwa dahil makikita kana.

Hiling ko ngayong kaarawan mo,
Sana ikaw ay hindi na magbago,
Kaibigan, sana tayo ay magtagal hanggang kolehiyo,
At magiging ninang pa ng mga anak mo.

Matalik na kaibigan,
Lagi kang maasahan,
Magkatampuhan man minsan,
Laging tandaan di ka malilimutan kailanman.

KAIBIGAN KONG MAHAL

-ACFC

THOUGHTS -ACFCWhere stories live. Discover now