Ingat ka, Mahal kita!

5 0 0
                                    

Ang dali basahin, sulatin, ngunit hirap bigkasin.
Gustong gusto kong sabihin pero di ko magawa dahil may mahal sya bukod sakin.
Parang isang pangarap na ang hirap abutin.
Kaibigan? Hanggang doon na lang ba talaga?

Ang hirap bigkasin sa kanya dahil may mahal syang iba
Mahal, di mo ba ako kayang mahalin?
Oo nga pala, mahal mo ko pero hanggang kaibigan at kapatid lang din.
Bakit naman daming iba dyan na kaya akong mahalin!? Pero ako ay nabalik pa rin?

Isang salitang "ingat ka" hindi na ba masusundan pa?
Mahal, kailan ba ito madudugtungan ng "mahal kita" kailan, pag huli na?

Nakita ka kanina, na kasama sya.
At ikaw ay sobrang saya
Sayang minsan lang makita
Hiniling ko na sana ay ako na lang ang dahilan...

Pero hindi pala...
Hindi pala kasi sya na
Sya na ang dahilan kung bakit ka masaya
Napaisip ako kung ako kaya?

Kung ako kaya ang nasa posisyon nya?
Magiging maligaya ka kaya?
Pero bigla akong nagising sa reyalidad
Bigla akong napaisip puro, sana nalang pala lahat.

Tinawag mo ako at ako ay nagulat
Ako ay biglang nagpaalam na lang dahil sa gulat
At narinig ko na sinabi mo ay "ingat ka"
Bigla akong nalungkot at sinabi na "yun na yon?" Hindi na ba masusundan pa ng "mahal kita"

Nginitian ko sya at umalis na lang
Lumipas ang araw, buwan, taon
Pero simula't sa simula kaibigan pa rin ako na umaasa hanggang ngayon
Kaibigan na umaasang sana ay maging KA-IBIGAN

Isang araw ako ay kinausap
At sa akin ay nakiusap
Ako ay umasa na magtatapat na
Ngunit sinabi mo sa akin na kayo na pala.

Ako ay natuwa
Pero sa loob ay nasasaktan na!!
Lumipas nanaman ang araw, buwan, taon
Nakita sya, ikaw at kayong dalawa...

Na sobrang saya, habang magkasama
Bigla ko naisip na sumuko na lang...
Mahal, ipapaubaya ka na lang sa kanya...
Dahil alam ko na magiging masaya ka sa piling nya.... Ingat ka, Mahal na mahal kita
Mahal ko paalam na...

-ACFC

THOUGHTS -ACFCWhere stories live. Discover now