Chapter 4
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinubukan kong gumalaw ngunit agad din iyong pinagsisihan dahil sa sakit na umatake sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko jusmeyo, para akong binugbog ng sampung tao na malalaki ang katawan. Dahil nga hindi ko kayang bumangon o gumalaw man lang ay pinanatili ko na lamang ang aking pagkakahiga sa malambot na kamang kinalalagyan ko ngayon.
Pagkaraan ng ilang segundo ay may narinig akong kumatok sa labas ng pintuan at ang dahan-dahan pagpihit papabukas noon ng kung sino man ang nasa likod niyon. Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata, may mga yabag ng paa na naglakad papalapit sa kama at umupo sa bandang gilid ko."I know you're awake Amara," mahina niyang usal at marahang hinaplos ang pisngi ko. Para akong napaso na napabaling sa kabila ng dumampi ang likod ng palad niya sa pisngi ko. Hindi napaso dahil sa init kundi dahil sa sobrang lamig ng kamay niya. He chuckled because of my sudden movement.
"Come on Amara, open your eyes already," malambing naman niyang usal.
"Get out Archeon, I'm tired. Let me rest, will you?" medyo naiinis kong sagot sa kanya. Siya nga ang dahilan kung bakit ako parang binugbog ng sobra ngayon tapos mang-iistorbo pa siya hmp.
"I badly wanna say yes to your request but you need to eat first, you haven't eaten anything since yesterday," malumanay niya saad, aba at bakit parang ako pa ngayon ang may kasalanan na wala pa akong kinain na kahit ano simula kahapon? Iminulat ko ang aking mga mata at saka siya tiningnan ng masama.
"And you are blaming me for that? How dare you, you are the one whom to blame why I'm lying here in bed, exhausted with an empty stomach!" i angrily snapped at him. I'm hyperventilating while I lay here on bed.
"Hey, relax okay? I know it's my fault, I'm sorry, just steady your breathing, come on," nagpapanic niyang saad at masuyong hinawakan ang dalawa kong balikat para pakalmahin, humugot ako ng malalim na hininga bago iyon maingat na pinakawalan upang kumalma. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa kumalma ako at naging banayad na ang aking paghinga.
Tinapunan ko ulit ng matalim na tingin si Archeon na nakaupo pa din sa gilid ng kama ko at nakatingin sakin. Bahagya siyang yumuko papunta sa akin at hinawakan ng maingat ang mga balikat ko.
"Up now, don’t be hard-headed woman!” he hissed at me. Wala na akong nagawa kundi magpa-alalay sa kanya, wala din naman akong magagawa kung hindi ang sumunod. Tama naman siya, kailangan kong kumain muna para makabawi ng lakas.
“Where’s my meal then?” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya dahil wala akong makitang pagkain na dala niya.
And as if on cue, Mang Raul entered my room pushing a metal cart which contains my meal, i guess. Itinigil ni Mang Raul ang cart sa gilid ng kama ko, may kinuha siyang bagay mula sa ilalim na bahagi ng cart at inilabas iyon. Isang mesa, sakto lang para maipatong sa kama at mapaglagyan ng pagkain. Inilagay niya iyon sa may bandang hita ko. Si Archeon naman ang nag-asikaso ng paglalagay ng mga pagkain mula sa cart papunta sa lamesa, bahagyang yumukod si Mang Raul sa amin at lumabas ng silid ko.“Now eat,” utos ni Archeon sa akin. Kahit hindi niya sabihin kakain talaga ako no, kahapon pa ako ng tanghali walang kain. Nagsimula na akong kumain ng hindi umiimik. Mabuti naman at hindi din siya nangulit, saka ko lang siya inimik ng maubos ko lahat ng nakahain na pagkain sa harap ko.
“I thought you don’t cook?” nacucurios kong tanong sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig. “I didn’t cooked that, Mang Raul bought that from the restaurant,” sagot naman niya.
“Oh, sorry my bad. I thought you cooked it,” tatango-tango kong saad. He started gathering up the utensils and dishes I used, I tried to insist that I should do the cleaning since I’m the one who used it but he didn’t let me. Niligpit niya ang mga pinagkainan ko at sinalansan sa tray pagkatapos nagtungo sa pinto para lumabas. Ako naman ay bumalik sa pagkakahiga dahil nananakit padin ang katawan ko dahil sa nangyari kahapon. Agad naman akong nakaidlip pagkahiga ko.
YOU ARE READING
Stained Gem (GEMSTONES SERIES #1) - [ON HOLD]
VampireMeeting a vampire in real life is one of Amara's dreams, she had been curios about them for so long. She wanted to write about these beings and make a vampire character based on real life. Determined to make one of her dreams come true, she flew to...