CHAPTER 5

6 0 0
                                    

Chapter 5

Pagkatapos kong kumain ay maingat kong niligpit at hinugasan ang mga kubyertos na ginamit ko. Dahan-dahan na akong lumabas mula sa kusina, malayo palang ako ay rinig ko na ang mga boses nila Archeon at Haylem sa sala. Hindi nila ako makikita kasi may pader na nakaharang sa sala at nakalugay din ang kurtina na nasa sliding door. Ang weird diba? like hello, may sala bang may pader na nakaharang? Parang yung pader lang na nakaharang sa taas, hindi normal. Aakyat na sana ako sa taas ng marinig ko ang pangalan ko, kaya dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng sala at nakinig.

“I don’t know why Amara hasn’t ask me anything yet,” boses ni Archeon ang nagsalita.

“Isn’t it a good thing? So you don’t need to lie or avoid her possible questions after what happened, right?” sagot naman ng kapatid niya.

“I know it is somehow a good thing, but that’s weird. She saw how that rebel vampire thirst for her blood last night, Haylem!” paanas na sigaw ni Archeon.

“Maybe she forgot about it? I mean, it is somehow traumatic for her seeing and experiencing something like that, so maybe her brain forcefully forgot it, human brain tend to forget anything traumatic that happened to them, maybe that’s the reason so she didn’t ask because she totally forgot about it,” pagpapaliwanag at pagbibigay rason naman ni Haylem. Vampire? Last night? The night I collapsed? Eh?

Narinig kong tumayo na sila sa pagkakaupo kaya dali dali akong nagpunta sa kusina para hindi nila malaman na nakikinig ako. Pagkarating doon ay may nakita akong pinto kaya walang pag-aalinlangan ko iyong binuksan at lumabas. Bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin at isang malawak na taniman ng iba’t ibang bulaklak. May isang sementadong daan papunta sa may gitna ng garden, hindi ko alam kung anong meron doon kasi may kalayuan, medyo maliwanag naman ang paligid dahil sa mga maliit na bombilya na nakakalat sa paligid pero hindi ko parin maaninag kung anong meron sa dulo ng sementadong daan na to kasi natatakpan ito ng parang arko na may mga vine na nakalugay sa gitna. Dahil dakilang curios ako binaybay ko ang daan papunta doon, iba’t ibang magagandang bulaklak ang nadadaan ko. Ang gaganda naman ng mga bulaklak na ito, napakabango pa ah. Paano kaya sila naaalagaan? Wala namang kasambahay dito atsaka hindi naman mukhang mahilig sa bulaklak si Archeon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang arko na napapalibutan ng kung anong gumagapang na halaman, may maliliit iyong bulaklak na animo’y kumikinang. Hinawi ko ang mga vine na nakalugay sa arko at tumambad sa akin ang isang napakagandang pavilion, kulay puti ito na may halong ginto. May parang bench doon na para ding duyan dahil may chain na nakakabit dito sa magkabilang gilid kaya nakabitin ang upuan niyon, nakalagay iyon sa magkabilang gilid at magkaharap. Kakasya ang dalawang tao sa bawat isang bench, ang kadenang nakakabit dito ay napapalibutan din noong parehong gumagapang na halaman na nasa arko. Ang ganda naman dito, nakakamangha lang.

Nasaan ba ako at parang ang tahimik masyado ng lugar na ito? Parang walang tao o kahit kapit-bahay man lang kahit isa. Ilang araw na nga ba ako dito? dalawa? o tatlo na ba? Kailangan ko na palang asikasuhin ang sinasabing nilang pamana sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero nanatili padin akong nakaupo doon at nakatanaw sa paligid, namalayan ko nalang na nagsalita si Archeon at umupo sa tabi ko.

“I thought you are missing again,” panimula nito.

“I’m not that stupid to roam around somewhere far when I’m not familiar to a place and don’t know the way, ” sagot ko naman sa kanya na may kasamang pag-irap. Hindi naman ako ganun katanga para magliwaliw ng hindi alam ang daan pabalik, para naman akong 5 yrs old kung bantayan niya duh.

“I know, I just can’t help myself worrying,” he said and shrugged. Teka nga, since dito naman lumaki at nakatira ang lalaking ito, it means alam niya kung nasaan yung bankong kinalalagyan ng pamana nila mommy and daddy sa akin.

Stained Gem (GEMSTONES SERIES #1) - [ON HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora