Kabanata I
Ang aga aga ay lutang na lutang ako dahil iniisip ko na naman ang panaginip ko. Nandito ako ngayon mag isa sa Mall dahil may binili lamang akong damit na susuotin ko sa darating na kaarawan ng aking pinsan. Si Shaina kasi ay magiging legal nang teenager kaya bongga ang magiging selebrasyon ng kaarawan niya.
Kumakain ako ngayon dahil nakakagutom, ang dami kong sinukat na damit na babagay sa akin. Madali naman mamili dahil halos lahat naman ay bumabagay sa akin, kaso itong si Alexa ay panay ang kulit sakin na ipakita ko daw sa kanya ang mapipili ko dahil wala daw akong taste sa pananamit. Nanlait pa, ang galing. Umuwi na ako pagkatapos dahil hinahanap na din ako nila Mama. Pagkauwi ay nakita ko si Alexa na nag aabang sa akin.
"Ako ang mag aayos sayo bukas ha? Kailangan maganda ka doon dahil sigurado akong madaming boylet doon!" Kinikilig na sabi ni Alexa. Bukas na kasi ang kaarawan ni Shaina. Palagi akong kinukulit ni Alexa na maghanap ng boyfriend dahil baka daw tumanda akong dalaga pero hindi ko pa ito priority sa ngayon. Madami naman ang may gustong manligaw sa akin, kaso nga lang ay hindi pa ako handa sa ganoon. Natapos ang araw na panay lang ang kwento sa akin ni Alexa sa mga balak nyang gawin bukas, naimbitahan din kasi sya ni Shaina dahil naging magkaibigan na din sila.
Shaina's 18th
Maririnig sa paligid ang malakas na tugtog at mga boses ng mga tao. Ngayong gabi kasi ang importanteng araw para kay Shaina, madami din itong inimbitahan dahil napakadami nitong kakilala at kaibigan. Nakita ko pa ang mga pamilyar na mukha dito sa event at nakita kong kumaway at ngumiti sila sa akin, kumaway nalang din ako sa kanila.
Kasama ko si Alexa ngayon na kanina pa palinga- linga at mukhang may hinahanap. Kanina pa sya ganyan at excited sa mangyayari ngayong gabi.
"Exciting! Ang daming tao, mukhang dito ko matatagpuan ang jowa ko!" Pasigaw at mukhang excited na sabi nya. Napairap na lamang ako dahil sa kaharutan niya. Pag ibig lang ata ang pakay nya dito at hindi si Shaina.
Nagsimula na ang event at ipinakilala na din ang debutante na si Shaina. Nagpalakpakan at manghang mangha ang lahat sa angking ganda ni Shaina. Ito kasi ay matangkad, parang labanos ang kutis, matangos ang ilong, at ang mata niya ay nakakaakit tignan. Hindi mapagkakaila na napakaganda nyang bata at ngayon ay isa nang ganap na legal.
"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of life, ladies and gentlemen, our debutant, SHAINA HEART GOMEZ!" Ang mga tao ay tumayo sa kanilang pagkakaupo at sinalubong ng mga ngiti ang debutante.
Habang nagsisimula ang event, nakaupo lamang kami ni Alexa dito at hinihintay na matapos ang spotlight ni Shaina dahil balak namin na batiin sya ng malapitan at maibigay ang regalo namin sa kanya.
Nagpaalam muna ako kay Alexa na magc- CR lang ako dahil hindi ko na kaya pang pigilan, baka magkasakit pa ako sa bato. Papunta sa CR ay may natanaw akong lalaki na parang may hinihintay, nakasandal lamang ito sa pintuan ng CR ng mga babae at nakayuko. Noong nasa tapat na ako ng CR ay hindi pa din umaalis ang lalaki.
"Excuse me." Ang sabi ko sa lalaki upang makaraan ako dahil ihing ihi na ako.
Pero hindi ito natinag at nakasandal pa din doon. Parang hindi ako naririnig at mukhang malalim ang iniisip.
"Excuse me po, makikiraan." Naiinis na sabi ko dahil hindi ko na kaya at ihing ihi na ko. At tila hindi ako naririnig nito.
"Ehem! Excuse me po! Makikiraan po oh, nandyan po kasi kayo sa may pintuan ng CR." Nakakunot sa inis at medyo pasigaw kong sabi sa kanya. Mukhang narinig na nya ako at dahan dahang umalis sa tapat ng pinto ng CR.
"Sorry miss." Mahinang sabi nito at sapat lamang upang marinig ko.
Ang kanyang boses ay pamilyar at bigla na namang kumirot ng napakalakas ang ulo ko. May mga boses akong naririnig at palakas ito ng palakas. Napahawak ako sa ulo ko at pilit inaalala lahat ng mga yon.
"Mahal.. ang galing galing mo. Ang ganda ganda ng anak natin."
"Mahal, lumaban ka! Hindi ko kayang mawala ka! Parang awa mo na! Wag mo kaming iwan ng anak natin!"
"Mahal na mahal k-"
Ang huling natandaan ko na lamang ay
inalalayan ako ng lalaki kanina...
BINABASA MO ANG
I Love You, Grace
Short Story"Mahal na mahal kita, Grace." #ForEducationalPurposesOnly