Kabanata II
Zeke's POV
Isang malungkot na araw na naman ang dumating. Karga karga ko ngayon ang napakagandang anak namin. Malapit na syang mag dalawang buwan at malapit na din magdalawang buwan nang hindi gumigising ang Mama nya. Nakatitig lamang ako sa anak namin dahil kamukhang kamukha nya ang Mama nya. Ang mata nito ay bilog at mahahaba ang mga pilikmata, ang ilong nito ay nakuha sa akin, ang mga labi ay katulad na katulad ng kanyang Mama. Napakagandang bata.
Ngayong araw ay dadalaw kami sa hospital, bibisitahin namin ang aking asawa na magdadalawang buwan nang tulog. Araw- araw ay pagsubok sa amin dahil hindi namin sigurado kung kailan siya magigising.
"Grace Gomez- Montefalco." ang sabi ko sa mga nurse.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto niya at karga karga ko ang anak namin na ngayon ay tulog na tulog. Nandito na ako at nanghihinang pumasok sa kwarto, ang ganda ng tulog nya. Ang haba haba. Napaka payapa ng kanyang mukha na tila walang problemang iniinda.
Hinalikan ko sya sa noo at ibinaba ko muna sa isang higaan dito ang anak namin. Umupo ako sa upuan dito at hinawakan ang kanyang kamay. Kung sana lamang ay gising sya, makikita nya kung gaano kaganda ang anak namin. Nagdasal na lamang ako sa Panginoon at nagsimulang magbadya ang mga luha ko na matagal ko nang kinimkim. Nataranta ako dahil biglang umiyak ang aming anak na si Samantha, kinuha ko ito at binuhat. Pinatahan ko sa abot ng aking makakaya.
"Mahal na mahal k-" Naputol ang aking sasabihin dahil bigla na lamang tumunog ang aparato na nakakabit kay Grace. Nataranta ako at nagsisigaw. Tinawag ko ang mga Doctor upang malaman nila ang nangyayari.
Nagsipuntahan ang mga Doctor at nagsimulang paganahin ang mga machines. Halos nabingi na ako sa nangyayari at puro tunog na lamang ng mga machines ang aking naririnig. Taimtim akong nagdadasal na sana ay iligtas Niya si Grace. Hindi ko kayang mawala si Grace. Nagsimula na din umiyak si Samantha at pinatatahan ko ito dahil mukhang alam din ni Samantha ang nangyayari sa Mama nya.
Grace's POV
Pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sakin ang ceiling na puti at napakatahimik ng paligid. Nilinga linga ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang lalaki na nakahawak sa aking mga kamay. Nakita ko din ang isang sanggol na karga karga ng isang kamay ng lalaki. Ang asawa at anak ko.
Nagbadya ang luha sa aking mga mata dahil akala ko ay hindi ko na sila makakapiling pang muli. Naramdaman kong nagising si Zeke. Nataranta at naiiyak syang tumingin sa akin dahil hindi nya akalain na gising na ako. At ibinaba nya si Samantha sa isang higaan dito.
"Grace!" Isang naiiyak na sigaw nya sakin at yumakap sa akin. Mabilis syang lumabas at tumawag ng mga Doctor upang sabihin na gising na ako.
"Mahal na mahal ko kayo ni Samantha, Grace." Nanghihinang sabi nya sa akin. Hindi pa ako makapag salita dahil sa hinang hina pa ako. Mukhang ang tagal kong tulog at ang dami ko nang nakaligtaan. Ipinakita sa akin ni Zeke ang anak namin, at nagsimulang magbadya ang aking luha dahil wala man lang ako upang maalagaan sya.
"Samantha..." Nanghihinang sabi ko.
Masaya ako dahil iniligtas ako ng Panginoon. Akala ko ay ganon na lamang ang buhay ko. Nalaman ko kay Zeke na magdadalawang buwan ng akong tulog. Pagkatapos ko daw manganak kay Samantha ay bigla na lamang naiba ang kondisyon ko at ito ay naging coma. Hindi ko akalain na ganon ang mangyayari sa akin. Ilang araw lamang ay nakalabas na din ako ng hospital.
BINABASA MO ANG
I Love You, Grace
Short Story"Mahal na mahal kita, Grace." #ForEducationalPurposesOnly