Panimula

2 0 0
                                    


"Mahal na mahal k-"

Bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas at paulit ulit na katok sa pintuan ng kwarto ko. Dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto at nakita ko si Mama na nakakunot ang noo sa akin.

"Anong oras na! Hindi ba ay may pasok ka pa?" Isang naiiritang sabi niya sakin.

Napakamot lamang ako ng aking ulo dahil nakalimutan ko pala na mag alarm, mabuti na lamang ay ginising ako ni Mama. Dali dali akong naligo at kumain upang hindi ako mahuli sa klase.

Habang naglalakad papunta sa aming classroom ay pilit ko pa din na inaalala ang mga panaginip na yon. Ilang araw na paulit ulit ko na itong napapaginipan. Malabo ang imahe ng mukha ng lalaki, hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Napasabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa inis.

"Helloooo Graceeee!! Kanina pa ako nagsasalita dito ni hindi mo ko pinapansin, sinasabunutan mo pa sarili mo. Ano ba nangyayari sayo?" Isang inis na sigaw sakin ng matagal ko nang kaibigan na si Alexa.

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil ang aga aga ay ang ingay nya. Nang makarating kami sa aming classroom ay tumabi sya sa akin at yumakap sa mga braso ko.

"Yung panaginip mo na naman iniisip mo noh?" Sabi nya na parang siguradong sigurado sya sa sinasabi nya. Napatango na lang ako dahil kabisado nya talaga ako.

Natapos ang klase na yun pa din ang aking iniisip. Ilang araw nang magulo ang utak ko dahil sa panaginip na yon. Hindi ko alam pero mukhang totoo yung panaginip ko at naaalala ko pa din ang kanyang boses.

Magkasabay kami palaging umuuwi ni Alexa pagkatapos ng klase dahil malapit lang din ang bahay namin sa isa't isa. Simula pagkabata ay magkaibigan na kami dahil sya lamang ang kumausap sa akin noon nung pagkalipat namin sa subdivision nila. Sakto nga at pareho pala kami ng school na pinapasukan noong elementary pero nagtataka kami dahil hindi namin nakikita ang isa't isa noon.

"Bye Grace! See you bukas." Pasigaw na nakangiting sabi ni Alexa. Napairap nalang ako at kumaway dahil akala mo naman ang layo ng pagitan ng bahay namin.

Pagkauwi ay nagmano ako kila Mama at Papa at naabutan ko silang busy sa kanilang mga trabaho na ginagawa. Minsan nga ay hindi na ito mga umuuwi para lamang sa trabaho, pero naiintindihan ko naman dahil para sa akin naman iyon. Si Papa kasi ay isang Doctor at si Mama naman ay isang Accountant. Nag iisa lamang kasi ako na anak nila kaya lahat ng gusto ko ay ibinibigay din nila. Mabuti na lamang ay sinuportahan nila ako sa gusto kong kurso sa kolehiyo, ito ay ang pagiging isang Engineer.

Nauna na akong kumain sa kanila dahil mukhang matagal pa bago sila matapos doon. Naligo at nagbihis na ako dahil pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko. Humiga na ako sa kama at mabuti na lamang ay walang ibinigay na mga gawain ang mga Professor namin, noong nakaraan kasi ay lagpas na sa daliri ang mga pinagawa nila. Mabuti naman ngayon at walang ibinigay. Pinatay ko na lamang ang ilaw at matutulog na.

Habang nililibang ang sarili upang makatulog, pilit ko pa din inaalala ang aking panaginip na tila mo ay totoo. Hanggang sa nakatulog na ako...

Narinig ko ang iyak ng isang sanggol.. tila ito'y kakalabas lamang sa sinapupunan ng kanyang ina.

"Mahal.. ang galing galing mo. Ang ganda ganda ng anak natin." Naiiyak na sabi ng isang lalaki na manghang manghang nakatitig sa kanyang asawa't anak.

Naging magulo ang loob ng hospital room dahil biglang naiba ang kondisyon at kalagayan ng babae. Nag panic ang lahat sa silid upang iligtas ang babae. Nanlamig ang mukha ng lalaki sa nasaksikan at nilapitan ang asawa.

"Mahal, lumaban ka! Hindi ko kayang mawala ka! Parang awa mo na! Wag mo kaming iwan ng anak natin!" Sigaw ng lalaki na nagkakanda iyak dahil sa sitwasyon ng kanyang asawa.

"Mahal na mahal k-"

Nagising ako bigla dahil hindi ko na kinaya yung panaginip ko. Palagi nalang humihinto doon ang panaginip ko. Pakiramdam ko ay talagang totoo ito. Napabangon na lamang ako at kumuha ng tubig sa kusina. Hindi na ako nakatulog sa kakaisip kung bakit palagi ko iyon napapaginipan.

I Love You, Grace Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon