***MoVes***

13 0 0
                                        

"Sir pinapatawag nyo daw po ako?Bakit po?"

"May ipapautos sana ako sayo Johnson"

"Anything Sir...Ano po ba yung ipaguutos nyo Sir?"

"Gusto ko sana as soon as possible...gumawa ka ng paraan para mapapayag sya...Anything!Kahit kailangan ko pang gumastos ng milyon!...Basta mapapayag lang sya!Get it?"

"Yes Sir!"

"Okey!Move!"

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Tutal masyado pa namang maaga.Nagpunta muna ako ng mall para makapagpalamig ng utak...Medyo nalilito na rin kasi ako kanina pa ako nagiisip kung  tatanggapin ko ba yung trabaho o hindi.Para kasing may kutob talaga akong hindi maganda eh.Pero baka naman kutob ko nga lang talaga.Aish!Nakakaasar!Masyado na ata akong naiimpluwensyahan  ng mga napapanood kong mga action movies!Tsk!

Inikot ko pa ng kaunti ang mall  para malibang libang naman ako hanggang sa mapagod na ako sa kakalakad kaya naupo muna ako sa bakanteng upuan dito sa mall.

Habang nagpapahinga ako dito sa upuan.merong tatlong tao ang nakakuha ng atensyon ko.Dalawang babae at isang lalake.Medyo nakatalikod yung guy kaya hindi ko makita kung ano ang itsura nya.

Mukhang nagaaway pa ata sila.Ang lakas kasi ng sigawan nila at halos marami ng nakikiusi sa kanila.

"Wow!Great!...So...Yan pala yung babae mo?"

Sabi nung isang babae na nakasuot ng red na fit na fit na dress.Sa itsura pa lang nya halatang anak mayaman sya.Ang kaso,kung titignan ng mabuti...sya yung tipo ng babae na talagang nakakatakot banggain.Ang taray kasi ng itsura nya eh.

Natawa naman ako dun sa lalake.Mukhang panik na panik at hindi alam ang gagawin.Mukhang nagiisip pa ng ipapalusot nya dun sa babae.

"Babes!Who is she?Kilala mo ba sya?"

Tanong naman ng isang babae na nakasimple dress lang.Halatang anak mayaman!Hindi nga lang makabasag pinggan kasi super hinhin nya.

"Ah...eh...k-kasi...."

Yan na lang yung nasabi nung lalake habang pakamot kamot pa sa likod ng ulo nya.

"At talagang babes pa talaga ang Call sign nyo?!Wow!...Ang galing!Grabe lang huh?Sinasabi mo sakin na 'ako' lang ang tatawagin mong 'babes' tapos malaman laman ko na meron pa palang iba!Yung totoo?!Ilan na ang nauto mo sa ganyang mga lines mo?!"

"Charice!Stop!Wag dito...please...Maraming tao eh!Nakakahiya!"

Sabi nung guy sa babaeng naka-red na tina-try nyang pakalmahin.Pero nagpumiglas yung girl.Wow!Para akong nanunuod ng drama ng live!Ganito pala ang feeling kapag nakakapanood ka ng personal na drama.Mas maganda pa kesa sa T.V....Tss..Popcorn please!!!Hahaha

"No!Ayoko!Okey nga yan eh!Para dumami ang nakakaalam na iyang santa santahang babae na yan!Eh sinulot lang naman ang Boyfriend ko!!!"

Nagsimula naman tuloy ang bulong bulungan ng mga taong nakakakita.Yung babae namang isa nag walk out na lang habang umiiyak.Hindi ata nakeri yung pagpapahiya ni Lady Red.Ti-Nry pa nung Guy na habulin yung babae kaso hindi nya ata nahabol at mukhang nainis kay Lady Red kaya ayun!Nasigawan sya.

"Pwede bang tumigil kana Charice!Naiinis na ako sayo!At...isa pa!Walang tayo!Walang naging 'tayo'!...At mas lalong walang 'magiging' tayo okey?!Fling lang yung namamagitan satin!!Napilitan lang akong gawin yon dahil napagpustahan namin yon ng barkada ko!Tsk!Damn it!Charice!Nasasayo na lang kung sineryoso mo yung namamagitan satin!"

And then umalis na yung guy.Si Lady in Red naman umiyak lang ng umiyak.Syempre...Its Very harsh para marinig yon sa lalakeng gusto nya!Kahit man ako eh masasaktan sa narinig kong yon!Napagdaanan ko na din yan...Kaya alam ko yung feeling.

Ewan ko ba kung anung pumasok sa ulo ko at lumapit na lang kay Lady in Red.Siguro nakakarelate siguro ako?

"Miss!Masyado ka ng pasikat jan!Tumayo ka na!"

Bigla syang napatingin sa akin at bigla na lang nyang hinawakan yung kamay kong nakalahad sa kanya.

Pumunta kami sa restroom para walang makakita sa kanya.Umiyak lang sya ng umiyak.Habang ako naman nakatingin lang sa kanya.Nung napagod na ata sya sa kaiiyak ay tumahan na sya.Good!Halos mag iisang oras na kasi syang walang tigil kakaiyak eh.Naghilamos lang sya tsaka sya nagretouch ulit.

"Kahit na Broken Hearted ako ngayon..Kailangan ko pa ring maging maganda.."

Sabi nya.Grabe!Lakas ng fighting spirit ni ate ah!Sana ganyan din ako...dati nung nawala sya.....

"By the way Miss!Thank you!Kundi dahil sayo..malamang sobrang pahiya na ako kanina...haha"

Sabi nya habang pilit na tumawa sa akin.

"It's okey!Wala yun...Tsaka wag ka ngang tumawa jan!Mukha kang tanga!"

Napasimangot naman sya.Akala ko galit sya sakin kasi sinabi ko yan pero hindi pala.

"Tama ka...By the way Miss!Im Charice!"

Sabi nya habang nagaayang makipag shakehands.

"Jay!...Jay Olivares."

tsaka ako nakipag shakehands sa kanya.

"Y'know what...Malaki ang pasasalamat ko talaga sayo....Sayang gusto pa sana kitang kausapin...Pero..."

"No thanks!Wag kang magalala...Nadanas ko rin yan dati...Pero...sa ngayon...mukhang kailangan mo muna si kumareng alak!"

Bigla naman syang napatawa.

"Yeah!Tama ka!..So...Jay...See you!Tawagan mo na lang ako!...and thanks ulit!"

Tsaka sya lumabas ng Restroom.Habang ako naman ay naiwan dun ng magisa hawak ang Calling card nya....

"Charice Funtte?...Fuentte's Corporation?"

Anak siguro to ni Mr.Fuentte..Ito ba yung sinasabi nyang anak nya?

Well,i dont care...Atleast....May natulungan akong tao na nabawasan ang sakit ng pakiramdam...

....

....

....

Mula sa Mga Lalake.....

Tsk!tsk!

Mga lalake talaga...Hindi man lang iniisip yung mga nararamdaman ng mga tao sa paligid nila....Masyado kasi silang nakafocus sa taong gusto nila...Kaya di nila alam...Yung mga nagmamahal sa kanila masyado ng nasasaktan...Kaya nawawala...Tapos pagnarealize na nila na mahalaga ito sa kanila tsaka nila hahabul habulin...kung kelan huli ng ang lahat....Haayyy...Bakit kaya sila ganon no?Parang nakaka ogag lang!Tsss...

Say The Bad Word:[i love you]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon