Jay.
Nakatayo lang ako sa harap ng pintuan ng bago kong papasukan na trabaho.Medyo kabado pa ako kasi eto ang first time na magtatrabaho ako sa isang company.Well,siguro hindi naman first time kasi meron na akong karanasan na magtrabaho sa company ng tita ko.Tumutulong kasi ako sa kanila during summer pag bakasyon ko na nung nagaaral pa ako.
Mayamaya pa habang naghihintay ako.May isang Babae ang lumapit sa akin.Ito yata yung Secretary ng company na to.
Lumapit sya sa akin ng nakangiti tsaka sya nagtanong.
"Excuse me miss?...Ikaw po ba si Mariah Jay Olivares?"
Tanong nya.Bigla naman akong tumayo ng maayos tsaka ako sumagot.
"Ako na nga po yun!"
"Pinapasabi po ni Sir Fuentte na pumasok na daw po kayo sa loob.Dun daw po kasi nya sasabihin kung san daw po kayo naka assign."
Tumango na lang ako tsaka sya biglang umalis.Bumalik nanaman ulit yung kaba ko ng hawakan ko na yung doorknob nung pintuan ng office.Dahan dahan ko itong pinihit para mabuksan at sinigurado na hindi makakagawa ng ingay.
Pagpasok ko sa opisina hindi mo agad agad matatanaw yung pinaka main office may nakaharang pa kasing malaking pader dun at kailangan mong lumiko para makita mo yung pinaka main ng office.
Pagkaliko ko naman nakita ko na si Mr.Fuentte na nakatalikod.Mukhang busy ata sa pakikipagusap at mukhang galit na galit pa.Mas lalo ata akong kinabahan.
"Ano?!.......Pasaway talaga sya.....sige....sige....Hanapin nyo sya!.....Hindi pwede!....Don't worry magpapadala ako ng----"
Bigla syang napahinto sa pagkausap nya sa telepono.Napansin nya ata na nandito na ako.Kaso kinakabahan pa rin ako.
Pero nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin na malaki ang ngiti sa labi.
"Miss Olivares?...Right?"
Biglang tanong nya.
"Uhmm...Y-Yes sir!"
Sagot ko naman.Medyo kinakabahan kasi ako kaya medyo nautal pa ako.Sana naman di nya nahalata.
"Hahaha!Naku hija!Wag kang kabahan!...Hindi ako nangangain ng tao!...Well,Have a sit!"
"Thank you Sir!"
Alok nya at dalidali akong naupo.This time medyo nabawasan na ang kaba ko kasi mukhang ayos naman tong si Mr.Fuentte.Mukha nga syang masiyahin eh.At parang mahilig maki-join sa mga pambagets.Napansin ko kasi na Ben 10 yung ballpen na gamit nya.Haha..ang cute!
"Uhmm...Okey miss Olivares kaya kita pinapunta dito kasi may gusto sana akong hinging pabor sayo..."
Sabi nya na medyo sumeryoso ang kanyang mukha.
"Uhmm..Ano po yon Sir?"
Tanong ko.
"Miss Olivares!Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa!Gusto ko sanang Maging Personal kang maging body guard ng anak ko."
Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Mr.Fuentte...Ano daw?Body guard?..Eh pang opisina lang naman ang kaya ko and besides...wala pa akong experience sa ganitong trabaho!.
"....H-ho?Ako po?Wala pa naman akong experience po sa ganyang trabaho."
"Actually...Meron na...Chineck ko kasi yung data about sayo and napagalaman ko na blackbelter ka sa taekwando hindi ba?...Sapat na yung experience para pasukin mo ang trabahong ito Miss Olivares."
"Pero...Sir..Bakit ho ako?"
Takang tanong ko..At san naman nya kaya nakuha yung mga applications and data about sa akin?
"Ahh...Nirecommend ka kasi ng tita mo eh..Since,may tiwala naman ako sa tita mo..Kaya pumayag na ako..."
Dagdag pa nito.So pakana to ng magaling kong tita?Nice!Parang gusto na ata akong patayin ng tita ko ng sobrang aga ah!Wow!
"eh sir...Masyado naman po yata yang mapanganib?"
Baka kasi na sa halip na mapahaba pa ang buhay ko ay mapaaga pa.
"No.Hindi naman..Babantayan mo lang naman ang anak ko 24/7...Tyaka titiyakin mo lang naman na papasok sya ng school at hindi gagawa ng kalokohan....Atsaka...Miss Olivares!Pasasahurin naman kita ng 50,000 a month pwera pa sa tuition fee na gagastusin ko para sayo..."
Wow!Ang yaman naman neto!...Tsaka.....t-teka?Tuition fee??Anong ibig nyang sabihin?
"S-sir!Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Nabasa ko din kasi sa Data na nagstop ka na sa pagaaral mo diba?Na dapat....3rd year College kana sana...this year...kaso..mas pinili mong magtrabaho na lang sa tita mo....Tama ba?.....Atsaka Matataas naman ang grades mo...Sayang naman..."
"Nako po Sir!Di na po sana kayo nagabala...Okey lang naman po eh!"
"Hahaha...Ayos lang yan Miss Olivares!...Atsaka...okey na din yon!...Plano ko kasing dun kana magaral sa pinapasukan ng anak ko para mabantayan mo syang mabuti...."
Bakit?Ano kayang dahilan at gusto nyang ipabantay sa akin ang anak nya?May nagbabadya bang kitilin ang buhay ng anak nya?Grabe naman to!Parang action star ang dating ko sa story na to ah!
"So ano Miss Olivares?Tatanggapin mo na ba ang offer ko sayo?"
Teka?Tatanggapin ko nga ba?Masyadong malaki ang 50,000 para sa amin ng kapatid ko...Atsaka...Makakapagaral na din ako...Ang kaso....ang kaso....
"Okey!Miss Olivares!Bibigyan kita ng time para makapagdecide!Tutal!Masyadong malaki ang ino-offer ko sayong trabaho...Kaya pagisipan mong mabuti Hija!Bukas ko hihintayin ang sagot mo...Inaasahan ko yan..."
"T-thank you Sir!"
And then lumabas na ako ng opisina....*sigh*
Parang ayokong tanggapin yung trabaho....kasi.....kasi...may kutob akong hindi maganda ang papasukan ko....
BINABASA MO ANG
Say The Bad Word:[i love you]
RomansaAno bang meaning ng Love? LOVE?...Dahil jan masyado akong umasa,Masyado akong nagpaloko,Masyado akong nagpakatanga...kaya ngayon.....nasaktan ako