"Sir!May tumatawag po sa inyo."
"Sino?"
"Si Mr.Johnson po!Nandyan po sya sa labas!"
"Papasukin mo!"
"Yes sir"
Agad pinapasok ng Sekretarya ang binata sa opisina.
"sir!"
"Mr.Johnson!Anong balita?"
Nasasabik na tanong ng matanda.
"Okay na po Sir!"
"Sinigurado mo na ba?"
"Opo!Okey na po!"
"Good!Makakaalis kana!"
Agad na lumabas ang binata.Habang ang matanda naman ay hindi mapigilang mapangiti sa nalaman.
"Sa ngayon...Hihintayin na lang kita sa maikling panahon..."
Bulong nito sa sarili.
***************************************
"Oh!Miss Olivares!Napaaga ata ang punta mo dito!Ang bilin kasi ni Mr.Fuentte ay bukas ka pa darating!...Hinahanap mo ba sya?"
Nandito ako ngayon sa kompanya ng mga Fuentte.Gusto ko kasing kausapin Si mr.Fuentte.
"Ah!opo!May mahalaga po kasi akong sasabihin sa kanya eh!"
"Ah ganun ba?Tara!Nandun sya sa opisina nya!"
Aya sa akin nung secretary.Sumunod naman ako sa kanya papunta sa opisina ni Mr.Fuentte.Pagkadating naman namin don.Iniwan naman na ako nung secretary.Marami pa kasi syang aasikasuhin kaya nauna na sya.
"G-Good Evening p-po...Mr.Fuentte!"
Nagulat naman si Mr.Fuentte nung nagsalita ako.Busy kasi sya sa kakapirma sa mga papeles.Kaya di na nya ata ako naramdaman.
"Miss Olivares!Napaaga ata ang punta mo!Bukas pa kita inaasahang dumating ah!Nakapagdecide kana ba Hija?"
Nakangiting tanong nito.
"Ah opo!Kaya nga po ako nagpunta dito ngayon ay dahil po don sa inaalok nyo sa akin!"
Medyo nahihiya kung sabi.
"So...ano na ang desisyon mo?Tinatanggap mo na ba?....Okay lang naman kung umayaw ka.It's your choice!"
Sabi nito na medyo na lungkot.
"Ah hindi po!Actually,tatanggapin ko na nga po yung trabaho eh!"
Bigla naman syang napangiti nung sinabi ko yan.
"Talaga hija?!Sigurado ka ba jan sa desisyon mo?"
Bigla naman akong napatingin kay Mr.Fuentte.
Kanina ko pa to iniisip...Kung gusto ko nga ba tong trabaho o hindi.Kaso kung aayaw naman ako.San ako kukuha ng pera pambayad sa renta ng bahay na tinutuluyan namin ngayon.Muntik na nga kaming matulog sa kalsada kanina.Kung hindi lang kami tinulungan ng kaibigan ni Lucas malamang.Deretso lansangan kami ngayon....
Pero ano nga ba talaga?Tatanggapin ko ba tong trabahong ito?Aish!Bahala na nga!Kung hinde!....Hinde!....Wala namang mawawala sa akin...50,000 lang naman yun tsaka scholarship lang naman mawawala sa akin diba?..*sigh*
"Ano Miss Olivares?Gusto mo ba tong trabahong ito?"
Tanong ulit nito na may halong panunukso.
*sigh*
"Yes sir!...gusto ko ang trabaho nato!"
Bigla naman syang napangiti.Mas malapad pa kesa kanina yung ngiti nya ngayon.
"Good!Kung ganon...Pwede ka na bang magsimula bukas?"
Tanong nito.Na para bang naeexcite na.
Yung totoo?Mas excited pa ata sa akin si Mr.Fuentte!Para bang kutob ko may hinihintay talaga syang mangyari bukas kaya naeexcite sya na pumasok ako bukas.
"Sige po Sir!Para makapagsimula na ako!"
"Okay!Bukas!....8:30 am dapat nandito kana!"
Sabay hagis nya sa akin ng isang card.Agad ko namang nasalo to.
"Nandyan na sa card na yan yung address nung bahay namin.And then...bukas na bukas ie-explain ko yung dapat mong gawin. okey?"
"Yes Sir!"
Sabi ko ng nakangiti.Aalis na sana ako kasi madilim na sa labas kaso bigla nya ulit akong tinawag.
"Uhm...Miss Olivares!"
Bigla naman akong lumingon sa kanya.
"Yes sir?"
"Sayo na lang to oh!"
Sabay abot nya sa akin ng isang maliit na bag.Magtatanong pa sana ako.Kaso nga lang sinabi nya na tignan ko daw muna yung laman.
Pagtingin ko. .....50,000 yung laman ng bag.Puro lilibuhin.OMO!Wow!Ang daming pera!!!Medyo inamoy amoy ko pa yung pera...Dahil sa sobrang tuwa!
Hindi nyo ako masisisi.Mahirap lang kami at ngayon lang ako nakahawak ng ganong halaga ng pera.Kaya lubos ang tuwa ko.Pero natigilan ako at tumingin ulit kay Mr.Fuentte na nakangiti sa akin.
"Uhm...Sir para san po ba to?"
"Ah yan ba?Sa tingin ko kasi mukhang kailangan mo ng pera ngayon kaya naisipan ko na bigyan ka muna!Alam mo na?...Pampa-Bwenas!"
"Pero sir.. ....Hindi pa naman po ako nagsisimulang magtrabaho ah!"
Takang tanong ko.Ang aga naman kasi ng sweldo diba?
"Hahha!Wag kang magalala....Bukod yan sa sasahurin mo."
"Pero sir..kasi nama---"
"Isipin mo na lang na pasasalamat ko na yan sayo kaya tanggapin mo na."
Gusto ko sanang umangal kasi sobra namang nakakahiya.Ang laki na nga ng sahod ko tapos bibigyan nya pa ako ng pera...diba?
In the end.Tinanggap ko pa rin yung bigay ni Mr.Fuentte.Kaya eto ako ngayon....Masayang lumabas ng opisina nya.
Grabe!
Ang swerte naman ng anak ni Mr.Fuentte!Bukod sa mayaman na!Mabait pa!.......
Teka nga???
Si Charice kaya yung babantayan ko?....At sya rin ba ang anak ni Mr.Fuentte??
Ang swerte ko naman kung ganon!Hindi naman pala ako ..............Mahihirapan sa trabaho ko eh!.....Mukhang madadalian pa ako.....
(A./N.:Please vote and comment po!)
BINABASA MO ANG
Say The Bad Word:[i love you]
RomanceAno bang meaning ng Love? LOVE?...Dahil jan masyado akong umasa,Masyado akong nagpaloko,Masyado akong nagpakatanga...kaya ngayon.....nasaktan ako