Chapter 4: Paglisan

495 19 9
                                    

"Kinaya ko yung sakit pero nung napagtanto ko na wala ka na sa tabi ko ay hindi ko ata kakayanin."

🌹

"Ayoko madungisan ang pangalan natin apo. Paano pa kung mabuntis mo si Sandy? Tinanggap namin siya bilang girlfriend mo pero masyado ka na atang attached sa kanya."

"Lo mahal ko si Sandy! Ganun naman talaga pag mahal mo diba na a-attached ka? Pabor ka naman sa amin dati ah sabi mo pa nga maswerte kami sa isa't isa"

"Akala ko kasi hindi pa kayo seryoso apo eh"

"Lo, please ayoko pumunta ng Amerika dito lang ako mahal ko si Sandy"

"Hindi maaari. Gusto ko doon mo muna tapusin ang pag aaral mo saka na tayo bumalik dito"

"Lo! La help me please?!"

"I'm sorry Gabriel...your lolo always has the final say"

    

Umiyak si Gabriel at hindi makapaniwala sa kondisyon ng lolo niya. Mabait naman ang lolo niya at ok silang dalawa. Hindi siya makapaniwala na basta basta na lang itong magdedesisyon. Wala na rin itong magagawa dahil wala na siyang mga magulang.

Pagkatapos nitong umiyak ay tumakbo ito papunta sa bahay nina Sandy.

————————

"Opo si Nikki po nay"
sagot ni Sandy sa nanay

"Paano niya ito nalaman?! Eh diba—- ."

Napahinto naman ang nanay nito at biglang may naalala

"Ok lang kayo nay?"

"Kahapon may sinabi si Nay Ising sa akin eh.
Pumunta daw dito sa bahay si Carmela noong nakaraan linggo nak nung -birthday mo ata- —-hala nak hindi kaya?"

  

"Hala e sarado naman po yung pinto nun eh"

"Sigurado ka? Baka hindi niyo na lock? Sabi kasi ni Nay Ising pumasok siya dito at lumabas din."

"Hayyyy hindi ko na po matandaan nay eh nakalimutan ko na nay kung na lock ba yun o hindi" napahilamos ng mukha si Sandy

"Pero kahit na. Anong karapatan niyang ipagkalat yun? May motibo siguro ang loka lokang yun!"

"So ibig sabihin narinig niya kami ni Gabriel nay? Tas sinabi ito kay Nikki?"

"Malamang! Nako mamaya saken yan! Sa Lunes mismo uunahan ko siya sa opisina niya"

"Nayyy please hayaan na natin para hindi na lumala pa please"

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon