Chapter 5: LDR

412 20 15
                                    

"Patuloy ang agos ng buhay."

🌹

"Sandy?! Aalis na sina Gabriel!"
pumasok naman si Shiela sa kwarto nito at nagulat na umiiyak si Sandy

"Tara habulin natin"
dagdag nito

"Nagkita na kami at nagkausap. Sapat na yun. Tsaka ano naman kung hahabulin natin sila? Wala naman tayong magagawa Shiela."

"Nako tahan na Sandy...ano sabi ni Gabriel?"

"Nangako siya sa akin na magsusulatan kami at babalikan niya ako dito matapos niya lang ang pag aaral niya doon."

"Mabuti naman at nagka usap kayo"
Niyakap niya ang kaibigan ng mahigpit.

"Ayos lang yan Sandy nandito lang ako. Iiyak ko na lang muna yan. Hintayin mo na lang ang araw na babalik siya. Kahit matagal pa ito. Hawakan mo ang pangako niya sayo."


"Sana nga bumalik siya Shiela. Mahal na mahal ko si Gabriel." Pag iyak nito

"Alam ko naman yun eh. Saksi ako sa lahat ng yun mula pagkabata natin. Sigurado naman akong mahal na mahal ka ni Gabriel."

"Salamat Shiela ah nandito ka para sa akin"

"Syempre besprend kita pababayaan ba naman kita? Tsaka alam ko naman hindi lahat ng oras nandito si nanay Paulina."

———————

Pinag titinginan ng ibang studyante si Sandy. Lalo na yung Nikki na abangers lagi.

"Ayyy kawawa naman iniwan ng syota hahaha"

"May problema ba Nikki?! Sumusobra ka na kY Sandy ah!" Sabi ni Shiela

"Hayaan mo na yan"
Walang ganang sabi ni Sandy at hinila ang kamay nito

"Hindi bes eh sumusobra na talaga. Alam mo Nikki hindi siya iniwan ni Gabriel. Sila pa rin kagit nasa Amerika siya, si Sandy pa rin ang kinikilalang syota ni Gabriel"

"Yeah for now. But soon? I doubt. Haha let's go girls"

"Bruha talaga ang babaeng yun"

"Tsk hayaan mo na kasi hindi na magagamot ang pride ng babae na yan kaya tinatamad na akong harapin yan eh. Kung anong ikinaputi ng balat niya yun naman ang ikina itim ng budhi niya."

"Tama ka dyan bes! Nako halika na tara na hayaan mo na ang babae na yan"

Pagkalipas ng isang linggo nakatanggap na si Sandy ng sulat galing kay Gabriel

"Nako masaya ang anak ko ah!"

"Sulat galing kay Gabriel nay!"

"Mabuti naman at nakarating na ang sulat niya"

Masaya naman binasa ng dalaga ang sulat

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon