Chapter 12: Paghihiganti

419 25 4
                                    

"Doble ang sakit na nararamdaman ng isang ina tuwing nasasaktan ang anak."

🌹

Nakahiga na umiiyak si Gabriel. Naalala niya ang paguusap nila ni Dennis na nasabi niya na isa din palang singer si Sandy sa isang restaurant. Naalala ni Gabriel yung pag yakap ni mayor at Sandy habang naka shorts ito, tshirt at may kolorete ang mukha. Naisip nito na baka sa trabaho lang ito galing. Nakalimutan niya lahat ng sinasabi sa kanya tungkol kay Sandy dahil pinapairal nito ang galit niya.

Ngayon ang tanging nasa isip niya ay ang mga tanong ng Lola Amelia niya. Alam niya ang mga sagot dito. Nahihirapan siyang aminin dahil mananagot ito kay Sandy at maiipit siya sa kanila ni Nikki.

"Hay ano ba tong ginawa mo Gabriel. Kailangan kong maka usap si Sandy ulit. Pero mas kailangan kong malaman muna ang totoo." Sabi niya sa sarili.

Kinuha nito ang telepono at tinawagan si Dennis

"Oh tol gising ka pa ah"

"Ay sorry tol nastorbo ba kita?"

"Hindi naman. Ano yun tol?"

"Tol nakalimutan ko pala sinabi mo diba na nagtatrabaho din si Sandy sa isang restaurant?"

"Oo tol every friday, saturday at Sunday ng gabi. Bakit?"

"Hayyy...tol ano ba hindi ba totoo ang chismis?"

"Bakit ka ba naniniwala sa chismis? Diretsahin mo na kasi si Sandy tol. Ano ba ang nararamdaman mo galit pa rin?"

"Oo tol...galit ako sa sarili ko."

"Ayun edi oras na para bumawi. Pero paano na si Nikki?"

"Ay. Yun lang. tol seryoso kung saan ka masaya susuportahan kita eh kaso si Nikki? Ekis tol. Alam naman natin mula noon masama ugali nyan eh. Baka sayo lang mabait yan eh. May mga kaibigan ba kayo doon sa Amerika?"

"Hayyy...meron naman tol konti lang mga kaibigan namin doon eh. Pero naaalala ko everytime na may party hindi komportable ang iba ko rin na mga kaibigan kay Nikki eh. Sabi ko noon baka nag aadjust pa siya or hindi talaga siya people person. Anyway kung kami lang ok naman siya pero ngayon....tol ewan ngayon ko lang na realize yung mga what ifs. Hindi ko nakita mga red flags noon kay Nikki."

"What???? Tol sa ating apat na magkakaibigan ikaw ang matalino eh...anong nangyari sayo? ...haha joke lang tol ah wag seryosohin. Tsaka yung source sa chismis diba tol ever since si Secretary Carmela yan."

Nanlaki ang mga mata ni Gabriel. Oo nga naalala niya noon siya yung pasimuno ng mga chismis sa kanila. Masyado siyang nagpauto dito at ngayon ay nasa mahirap na sitwasyon na siya. Paano siya makakalabas dito?

"Kaya nga eh. Tol maraming salamat ah? Tawagan kita bukas."

"Sige tol. Goodnight!"

———————

"Sandy? Nak?"

"Dito po sa kwarto nay"

"Oh may mga pagkain kaming dala oh kumain ka na"

"Nandito rin kanina si Shiela nay"

"Naka alis na sya?"

"Oo nay"

"Nako sayang yung mga pagkain oh"

"Sige lang gutom ako ngayon nay baka maubos ko yan"

"Haha mommy Sandy hinay hinay lang po ah"

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon