Chapter 11: Pighati

436 24 8
                                    

"Hindi ko lubos maisip na kaya mo akong saktan ng ganito."

🌹

"Anong nangyayari dito?!"
Sakto naman yung pagpasok ni nanay Paulina sa loob ng bahay

"Gabriel?!"
Gulat na gulat ito ng makita ang binata


"Uhm nay Paulina...sorry po gu-gusto ko lang makita si Rina eh tsaka maka usap si Sandy"

"Oh bakit umiiyak to?"

"Ka-kasi nag aaway po sila eh"
Sagot ng bata sa naynay niya

"Aling Ising samahan mo muna kami ni Rina aalis muna tayo"

"Saan tayo pupunta naynay?"

"Kakain tayo sa labas."

"Talaga po?"

"Oo tara na hayaan na muna natin sila dito mag usap ha?"

"Sige po....bye mommy Sandy! Bye .... ano po tatawag ko sa kanya?"

"Uhm wala. Po na lang muna"

"Bye po!"

"Aling Ising tara na"

———

Biglang natahimik ang bahay at naiwan ang dalawa at tanging ang mga mahinang singhot lang ni Sandy ang maririnig.

Nakahawak sa bewang ang dalawang kamay ni Sandy at napatulala sa sahig.

Tumayo si Gabriel pero sumenyas si Sandy gamit ang kamay na huminto ito at di na lumapit pa.

"Magbibihis muna ako. Labas!"

Sumunod naman si Gabriel at lumabas at umupo sa sala. Maya maya ay...

"Bes!!! Nandito na ako! ...Ay demonyo ka!
....Shutah naman Gabriel tinakot mo ko!"

"Shiela!!"

"Wag mo akong ma Shiela Shiela diyan ha! Dami dami mong atraso sa besprend ko noh hmmp"

Lumabas na si Sandy sa kwarto

"Oh bes I am here ano na yung pag uusapan natin?"

"Seryoso? Di mo ba nakita na may iba pang tao na nandito?"

"Ay tao pala siya?..."

"Kakausapin niya daw ako"

"Oh my gosh seryoso after how many years?! Himala!"

Napayuko lang si Gabriel at natahimik.

"ok sige sa kwarto mo muna ako"

"Hindi dito ka lang umupo ka lang diyan"

Umupo naman si Shiela sa may hapag kainan at mukhang nati-tense ito.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon