CHAPTER ONE-Nurse Paminta

1 1 0
                                    


Aramintha Dominique Valiejo POV

"Hoy paminta doon daw mag ce-celebrate ng birthday si Persis sa Puertojiño.Ano sama ka?"  Tanong ng kaibigan kong si Mavis.

Taray talaga nitong babaitang to'h palaging  paespesyal kong hindi sa ibang bansa  mag birthday sa isang island naman nako talagang babaeng to'h kong hindi lang siya mayaman siguradong lugi na ang babaeng yun.

" Sige! Hindi naman ako nawawala sa birthday nang babaeng yun no'h!"– sabi ko at tinignan ang mga iche-check up kong mga pasyente.

"Sabay tayo ah! Puntahan nalang kita sa condo mo sige ha mauna na ako may iche-check pa kase ako dun sa room 267"– sabi niya at umalis.May iche-check up padin kase siyang pasyente kagaya ko .

" Nurse Paminta,Tawag ka ni Doctora Eugene."–  Nagtataka ba kayo kong bakit paminta ang tawag nila saakin? Ako din noong una ko palang pasok dito  magkatunog daw kase yung pangalan ko sa paminta kaya yun nalang daw ang tawag nila saakin.Tsk!

"Bakit daw? "– tanong ko kase minsan lang kase ako tawagin ni Dra.Eugene kapag  lang may nagawa akong mali o may kailangan siya istricta kase yang si Dra. Kaya maraming natatakot.

" Ewan ko basta puntahan mo nalang nakakatakot pa namang magalit yun."– sabi niya kaya dali-dali akong tumayo at pumanik papunta sa opisina ni Dra.

Kinakabahan tuloy ako baka kase may nakalimutan akong inuutos niya di ako natatakot matangal kase mayaman naman kami.Char!

Kaya ko namang hindi lang mag trabaho at magpabuhat nalang kina mommy at daddy pero ayaw ko dahil gusto kong maging independent kahit na business management yung kinuha ko pero iba yung exam na tinake ko. Oh diba bumilib kayo saakin?

Tok! Tok! Tok!

Katok ko ayaw ko kasing maging bastos kaya kumatok muna ako baka bugahan ako ng apoy niyang si Dra. nakakatakot pa naman.Jusmiyo!

"Come in."– Ang lamig talaga ng boses nang doctora na ito napaisip tuloy ako kong palagi ba siyang kumakain ng yelo .Kidding!

" Good afternoon,Dra."– bati ko at bahagyang nag bow.

"Good afternoon,Please have a sit."– ngumiti muna ako sa kanya bago umupo sa couch.Napansin ko naman agad yung lalaking nasa harap niya kaya umiwas ako ng tingin baka kase jowa ni Dra. yan at baka pagselosan pa ako ni dra. dahil nakatingin pa naman yung lalaki saakin.kidding!

" So i called you because i want  you to be with me this nigth in the Quinjey Hotel to attend the press conference."– Akala ko kong ano na yan lang pala.Ngumiti naman ako at bahagyang tumango.

"Okay po,Dra."– sagot ko.

" You can go now and be prepared,okay?"– tumango naman ako at nagpaalam na bago lumabas doon sa sobrang lamig niyang office.Kaya pala malamig palagi ang boses ni Dra. Tsk!

"Oh ano? Pinagalitan  ka? Nakita mo ba yung lalaking gwapo doon sa opisina ni Dra.?"– Pagdating ko sa front desk ay bumungad agad ang mukha ni Mavis at ang kanyang mga tanong.Ano ba naman yan! 

" Hindi ako pinagalitan at Oo nakita ko at jowa siguro yun ni Dra. Kaya tumigil kana!"– sabi ko at umupo saglit  .

"Hoy gaga! Hindi iyon jowa ni Dra. kapatid niya iyon.Ano kaba naman Paminta ginawa mong family stroke sila eh!"– sabi pa niya na talaga namang naiinis siya saakin.

" Hoy maka gaga ka saakin akala mo naman alam ko ah?"– irap na sabi ko sakanya pero parang wala lang sakanya yun .Tsk!

"Ay oo nga pala asaan ba si Vera at bakit hindi pa nagpapakita saatin  yun?"- Tanong pa niya saakin pero nagkibit balikat lang ako wala naman akong alam kong saan napunta ang babaeng yun oras pa naman ng trabaho.

" Eh saan na ba yun nang makapagtanghalian na tayo!"- naiinis na boses sabi niya.

Inirapan ko lang siya dahil di pa naman oras ng tanghalian kapag pagkain talaga ang pinaguusapan itong babaeng to'h  ang takaw.

"Wag mo akong irap-irapan dyan injectionan kita dyan eh!"- tumawa ako dahil nainis ko na naman siya.Ayaw niya talaga minsan sa mga irap ko dahil nakakabwisit daw ito.

" Oh look who's here the squidy Nurse."- Napaangat ang tingin ko sa maarteng froglet na nagsalita.

"Oh anong ginagawa ng mga palaka dito akala ko ba nasa ilog kayo at nanghuhuli ng lamok  para may makain."– napatawa ako sa sinabi ni Mavis sa mga maarteng froglet na nandito sa harapan namin.

Akala talaga nila ikinaganda nila ang paglalagay ng  makapal na harina at asyutis eh .Para nanga silang clown sa sobrang nakakatawa nilang mukha yung palda namang kinulang sa tela sa sobrang kaiklian naku pag ang tatlong to'h dumaan sa kanto mara-rape to ng mga lasing
panigurado.

" What did you sabi to us a palaka?!Duh! We're dyosa kaya hindi niyo na see iyon sa eyes niyo?"- napangiwi ako sa pananalita ng isang froglet .Chos! Wala akong naintindihan sa pag-iinarte  mo gurl!

"Duh! Can you please shut your ugly mouth like a palaka it's so panget kase yung boses niyo like a froglet!"- Isa pa itong si Mavis maarte din magsalita.Ginoo ko!

Napatingin ako sa naglapag ng  folder sa gilid ko at si Vera pala ito na pawis na pawis at nakabukas pa ang isang butones ng kanyang uniform.

" Anong nangyari sayo ba't pawis na pawis ka?"- tanong ko sa kanya.Bahagya naman siyang ngumiti na ikinataas nang kilay ko yung ngiti kase niya parang kinakabahan.

"Ah wala may pinuntahan lang ako."- sabi niya at nag-iwas nang tingin.Taray naman ng pinuntahan niya nagbubunga ng pawis at isang hindi saradong butones.

" Saan ka naman nang punta at ba't nakabukas yang isang butones mo? Ha?"- kuryusong tanong ko at humarap na talaga sa kanya at pinabayaan nalang ang mga maarteng babaeng nag aaway sa kanilang alien language.

"Basta mamaya ko na ikukuwento."- sabi pa niya nang nakangiti.Aba'y may tinatagong kababalaghang ginawa ang babaeng to'h sa ngiti palang niya parang alam ko na.Jusmiyo!

" Tumigil ka Vera hindi nakakatuwa yang ngiti mo."- usal ko at humarap ulit sa mga maarteng babaeng nag aaway.

"How dare you to call me a palaka ! I'm dyosa nga kase duh!"- Inis pa na sabi ni Kirsten na isang froglet din at nurse  na ewan ko kong nurse ba talaga siya.

" Duh! You're so maarte kase and look at your face nga it's so makapal ang harina."- napatampal nalang ako sa noo ko dahil umaandar na naman ang kamalditahan ni Mavis at yung pananalita niya nagsismula na namang nagiinarte.Jusko paano ko ba naging kaibigan to'h!

"Ano bang nangyayari sa apat na yan?"- tanong ni Vera na ngayon ay nakaayos na at hindi na mukhang nagahasa.

" Yung tatlong froglet ang nauna."- sagot ko at patuloy  parin sa panonood sakanila.

Parang ayaw yata magtigil ang apat na to'h mga isip bata pa naman.Jusko!

"Awatin mo na nagugutom na ako eh."- Aba'y inuutusan pa ako.

Tumingin ako kay Vera ng di makapaniwala sa tinuran niya.Ako ang Ate saamin pero inuutus-utusan lang ako.Asan yung hustisya ?

" Oo na ako na tsk! Tamad kalang eh kaya ayaw mo porket ate ka namin."- binatukan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Oo na nga diba?Sakit mo mangbatok talaga!"- iritang na sabi  pa niya at tumayo na para awatin ang mga maarteng isip bata.

LACIA ISLA PUERTOJIÑO ( TERCIERO SERIES :ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon