Aramintha Dominique Valiejo POV
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng tanghalian dahil tanghali na naman talaga.Char!
"Anong susuutin mo Paminta?"- Napaisip tuloy ako ano bang susuutin ko dahil hindi pa naman ako nakakabili ng mga bagong damit atsaka ang tema kase ay Cleavage sexy party.Nakakasuka man pero susupurtahan nalang namin yung babaeng yun pagkatapos ng birthday niya saka na namin siya bubunga-ngaan.
" Wala pa akong masoot kayo?"- tanong ko sakanila baka kase may nabili na sila at ako nalang yung wala.
"Pasok muna tayo sa mall tapos bumili tayo ng dress ." Suhestiyon pa ni Vera kaya tumango nalang kami ni Mavis at nagpatuloy sa pagkain.
Matapos naming kumain ay kasalukuyan kaming naglalakad papuntang mall na malapit lang sa restaurant na kinainan namin.
"Ang sweet naman nang magjowang yun.Kaingit!"- napangiwi naman ako dahil sa komento ni Mavis sa magjowang nagtatawanan at nagsusubuan pa nang pagkain.Jusko ba't dito pa sila naglandian dimanlang nahiya,iba na talaga ang mga tao ngayon kulang nalang siguro gumawa sila nang kababalaghan diyan.
" Oh mukha mo Paminta masisira."- natatawa pang ani ni Vera kaya inirapan ko nalang siya.
"Bitter ka parin kase dika makamove-on sa kanya?Chos! Di naman siya worth it eh!"- Hindi ko pinansin si Mavis sa mga sinabi niya dahil hindi naman yun totoo.Duh!
" Uy umiiwas!"- pang-aasar pa ni Vera saakin kaya hinarap ko siya nang nakataas ang kilay.Pero tumawa lang ang dalawa,Aba'y pinagtutulungan pa talaga ako!
"Oh? Sorry na agad ang bilis mo talagang magalit pag siya na yung pinag-uusapan eh!.....Sa tatlong yun kilala mo ba ang tinutukoy naming " Siya"? Maka react ka naman."- Gusto kong sabunutan ang dalawang babaeng to'h dahil sa kanilang mga sinasabi.Aba'y kahit na maganda ako isa lang naman naging ex ko!
"Magsitigil nga kayo hindi nakakatuwa yang mga ginawa niyo."- irap na sabi ko pero tinawan lang nila ako.Ganyan sila kabait saakin.
" Wews! Hindi nakakatuwa kase hindi pa makamove-on sa tatlo.Chos!"- Kinurot ko na talaga si Vera dahil sa kanyang sinabi.
"Makakurot eh! Akala mo naman maganda.Chos!" - sabi pa niya.
"Nakakahiya kayo pinagtitinginan na tayo ouh?!"- sabi ko at nauna nang pumasok sa mall at iniwan sila doon na patuloy parin akong inaasar .Tsk!
" PAMINTA wait kalang!" Sigaw pa nila pero diko parin sila pinapansin.Sige lang sumigaw lang kayo dyan.
"PAMINTA!!!!"- sigaw ulit nila pero wala akong pake HAHAHA sige lang!
" PAMINTA!!! "- tumingin na talaga ako sakaanila dahil mas linakasan pa nilang dalawa ang pag tawag saakin at yung mga tao naman ay naguguluhan at yung iba naman ay natatawa.
Anong nakakatawa sapakin ko kayo diyan eh!
" Tumigil ka ring hayuk ka ! Tumingin kanga sa paligid mo nang makita mo yung lalaking pinagpalit ka! Duh!"- Hingal -hingal pa na sabi ni Mavis na ikinagulat ko.Kilala ko na sinong tinutukoy niya.
Tumingin ako sa kanan ko at sa kaliwa at doon ko siya nakitang may kasamang pokpok na babae.Napairap nalang ako ng wala sa oras.Duh! Ano namang pake ko kong maglalandian sila dito dinaman siya kagwapohan!
"Oh ano? Bitter parin o di maka move on?"- Hinila ko nalang ang dalawa papunta sa pamilihan ng mga dress.
Oo na aaminin kong di pa talaga ako nakamove on pero sinusubukan ko naman at parang ngang hopeless na talaga akong magkajowa ulit.Siya kase ang bilis nakahanap samantalang ako maganda parin.Char!
" Ito yung bagay sayo paminta!"- nagulat naman ako ng tumili si Vera dahil nakakita siya ng magandang dress kuno.
"Ang laswa naman niyan eh!"- reklamo ko pa dahil labas kaluluwa ang kanyang napili,kulay itim itong backless at kita pa ang dibdib tapos may slit pa sa may ibaba at above the knee pa talaga ito.Parang hindi ko kayang magsoot kase ng mga ganyan.
" Hoy Sexy Cleavage ang tema at ayaw mo nito? Anong susuutin mo daster ganun?"- Parang nanay pa na sabi niya kaya pinagtitinginan kami nang mga tao ngayon dito na namimili rin ng mga damit.
"At masisigurado mo bang hindi ako papagalitan ni Aaron niyan?"- nakataas kilay pa na sabi ko.Nakakatakot pa naman yung lalaking yun akala niya bata pa ako para pagsuotin ng pajama at letsing jeje dress.
" Akong bahala basta ito soutin mo atsaka sabi ni Persis marami daw siyang bisitang mga bachelors ."-Sabi ni Vera. Malandi talagang babaeng to'h .Ayaw yata palampasin ang mga business tycon doon at ang mga bachelors.Jusko!
"Edi bayaran mo."- sabi ko at pumili nang damit na pwede iregalo kay Persis.Mahilig siya sa nude dress kaya yun nalang siguro ang bibilhin ko.
" Taray mo talagang babae ka pero okay lang basta ito sosuotin mo ah."- sabi niya at pumunta na doon sa cashier kasama si Mavis at nang kanilang napiling damit.
Sa aking paghahanap ng damit narinig ko ang lambingan ng magjowa kaya napairap nalang ako sa kawalan.Pati ba naman mall hindi palalampasin ng magjowa.Tsk!
Kong nakakamatay lang ang panlalait sa mga may jowa siguro abo na ako ngayon.Number one siguri ako sa naiinis pag may nakitang magjowang kulang nalang magma-make out sa ka landian hindi na nahiya sa mga taong nakatingin sakanila.
"Hoy tara na!Mapapatay mo sa tingin ang magjowang yan eh!"-Hinila pa talaga ako ni Mavis.Tsk!
" Uuwi naba tayo?"-tanong ko nang makalabas na kami ng mall.
"Oo dahil bukas daw ng umaga ay susunduin tayo ni Persis at doon daw tayo mananatili sa hotel nila ngayong gabi."- mabilis naman akong umiling dahil ngayong gabi kase ay sasama ako kay Dra.Eugene para sa press conference .
" Bakit ayaw mo pang umuwi? Siguro may kikitain ka no'h?"- Bilis talaga maka-issue nitong babaeng to'h porket ayaw pa umuwi may kikitain agad?
"Ang issue mo! Gusto lang akong pasamahin ni Dra.Eugene mamaya sa press conference."- sabi ko at tumingin sa paligid.Malapit na palang gumabi.
" Ah okay.Sige umalis kana mauna na kami sa condo kita nalang tayo mamaya."- sabi niya at sumakay na sila ng taxi dalawa.May condo kase kaming magkakaibigan binili namin ito nong naka graduate kami nang college at doo kami umuuwi pag tapos na kami sa aming trabaho pero si Persis hindi doon umuwi dahil palaging may pinuntahan siyang mga businesses kaya minsan lang namin siyang makasama.Naiintindihan naman namin siya dahil pangarap naman niya yun at wala kaming magagawang kundi tanging suporta nalang.
BINABASA MO ANG
LACIA ISLA PUERTOJIÑO ( TERCIERO SERIES :ON-GOING)
Random"The sea didn't make a path for a ship the captain/master does" - Master.Onyx Jade Terciero "The sweetest injection is from the nurse "- Nurse Aramintha Dominique Valiejo Aramintha didn't want to believe "Destined Love" nor fairytales having happi...