"Heartthrob"

439 22 2
                                    


Dear Diary

mahirap pa lang maging Heartthrob ano?, pagkakaguluhan ka ng mga girls, maraming patay na patay sayo at higit sa lahat maraming kalalakihan ang Insecure sayo.

Ngayong araw, isang babae ang brinake ng kanyang BF dahil sa sinubukan niyang kunin ang CP number ko, Hindi naman siya kagandahan kaya hindi ko ibinigay ang CP number ko at pagkatapos non ay isang Bading naman ang lumapit sa akin para magpapicture, ASA naman siya na magpapapicture ako sa kanya, Nakakasuka kaya ang mukha niya kaya ang dinahilan ko na lang ay Late na ako sa Next Class ko. Agad akong pumunta ng Room namin para umatend sa Next Class at ang Class na iyon ang pinakakinaiinisan ko dahil katabi ko ang isa sa pinakapangit na nilalang sa buong mundo, siya si Agatha. Masyado siyang Pangit sa Physical pero may Kagandahan naman pagdating sa Kaugalian. Napakadaldal niya pero hindi ko siya pinapansin.

DIARY!!!! siya nga pala wag mong ipagsasabi ang mga isinusulat ko sayo, kasi sayo ko lang kayang sabihin ito, baka kasi pag sa iba ko sinabi ito baka wala ng magkagusto sa akin. hanggang dito na lang Diary, bukas nalang ulit.

nagmamahal;

Lawrence

Diary ng Heartthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon