(Diary's POV)
Pasalamat ka Lawrence kasi hindi ako tao, pero kung tao lang talaga ako baka matagal na kitang nasuntok. Nagkaroon ka lang ng nililigawan hindi mo na ako naalala. Alam mo Lawrence Isa ka sa mga taong dapat JOHN MICHAEL na lang ang pangalan, alam mo kung bakit? kasi anJOHN ka lang pag MICHAELangan. Naisip ko na baka itapon mo na ako kasi hindi mo na talaga ako kailangan. Nakakalungkot man sabihin pero siguro nga na hindi na niya ako kailangan. Hindi ka naman ganyan ha, nang wala ka pang nililigawan pero wala na akong magagawa dahil isa lang akong hamak na Diary na napagsusulatan mo lang ng pang-araw-araw na nangyayari sa buhay mo. Matagal-tagal mo na rin akong hindi nasusulatan ha, pero okay lang yun kasi nakakasawa ring makinig sa mga problema mo. LAWRENCE!! sulatan mo naman ulit ako kasi namimiss na kita.
BINABASA MO ANG
Diary ng Heartthrob (Completed)
Teen FictionDiary ng isang Heartthrob....... mayayabangan at kikiligin kayo sa story na ito.