"King of Unhappiness"

240 18 1
                                    

Dear Diary

Ngayong araw, hindi pumasok ang Nerd na si Agatha. Mabuti na rin yun kasi siya lang ang babaeng kayang ipahiya ako. Habang Pumipili ako ng pagkain sa Canteen ay may isang Babae ang biglang yumakap sa akin, pinagtinginan kami ng mga kapwa namin estudyante, at ang mas nakakainis pa dun ay mayroon siyang Boyfriend, at Guess What kung anong ginawa niya sa akin?

Tama, Ganoon na nga, pinagsusuntok niya ako, mabuti na lang ay may mga Teacher na nasa canteen ng mga oras na yun at inawat kami. Pagkatapos noon, Guess what kung saan kami dinala?

Tama ulit, Sa Guidance Office nga at ako pa itong napagalitan ng Guidance councilor. Sa susunod daw wag akong manunulot ng may syota. "Mahiya ka naman, kahit papaano may TASTE naman ako" sabi ko sa sarili ko. Pinagbati kami ng nakasalpukan kong kapwa ko rin estudyante sa school namin. pagkatapos non ay hindi na ako pumasok pa nang Hapon.

Diary!!!!!!! here we go again with my Problems.... This time Diary nabawasan na nga ang kagwapuhan ko. Sana bukas Diary hindi na ako malasin..... sa panahon ngayon ako na ang "Hari ng kamalasan" hanggang dito na lang muna Diary ha!!??

nagmamahal;

Lawrence

Diary ng Heartthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon