Dear Diary
After 123456789 Years na hindi kita nasulatan Finally masusulatan na rin kita. pasensya ka na ha Busy kasi ako kay Agatha at alam mo ba Diary KAMI na ni Agatha. Ganito ang nangyari.
Ngayong araw ay pumunta kami ni Agatha sa isang sikat na Romantic Restaurant na napakiusapan ko na doon ako magproPropose. medyo napag-ipunan ko yun kaya hindi na masyadong masakit pa sa bulsa. Niyaya ko si Agatha doon at nang pagkaupo pa lang namin ay nagpatogtog sila ng isang Romantic na kanta na pinamagatang Stay with me. pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay dahan-dahan kung kinuha ang kanyang kamay at sabay sabing "Matagal-tagal na rin kitang niligawan, sana ay magbunga ito ng magandang resulta, Isang tanong isang sagot. Can you be my Girlfriend Agatha?". "Oo naman" wika niya at napasigaw ako ng YES. pagkatapos ng proposal na iyon ay pumunta kami sa Bay Walk kung saan maliwanag. Habang abala niyang kinukuha ang kanyang wallet sa bag niya ay biglang nahulog ang isang Notebook, pinulot ko yun at nang binasa ko ang Front Page ay MY DIARY ang nakasulat. "Pwede ko bang basahin tong laman ng Diary mo?" tanong ko sa kanya. "Ahmmmm. Private yan." sagot niya. "Sige na BoyFriend mo naman ako" sabi ko. "Sige na nga basahin mo na ngayon kasi susulatan ko na ulit yan mamaya". "okay" sabi ko at agad kong binasa. Sa umpisa pa lang ay ako na agad ang laman ng Diary niya at ang pinakatumatak sa aking isipan ay yung araw na Umabsent siya pagkatapos ng nakasagutan ko siya ay para lang magpaganda, para daw magustuhan ko daw siya. "Ginawa mo yan para sa akin?" tanong ko sa kanya. "Ang Alin?" tanong niya sa akin. "Ang Magtransform from Nerd to Pretty" sagot ko sa kanya. "Oo naman" sabi niya. kinilig ako nang malaman ko yun. "Uwi na tayo kasi Gabi na" sabi niya. "sige hatid na kita" sabi ko sa kanya. "tara na" sabi niya at tuluyan na nga naming nilisan ang Bay Walk. Dahil High School Students palang kami, wala pang Kiss, syaka na kami magkiKiss pag nasa wastong Edad na kami from now on Hanggang Hug na lang muna ako.
DIARY!!!!! ito na ang pinakahuling pahina na pagsusulatan kita. kaya nagpapasalamat ako dahil nandyan ka. Hanggang dito na lang ha.
nagmamahal;
Lawrence
-END
A/N
thanks po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang kasi naiinganyo akong sumulat ng Short Story dahil sa inyo, muli SALAMAT.
Kaisipan
"Hindi kabilang ang Physical na kaanyuhan sa pagmamahal, nasa kaugalian yan"
BINABASA MO ANG
Diary ng Heartthrob (Completed)
Teen FictionDiary ng isang Heartthrob....... mayayabangan at kikiligin kayo sa story na ito.