Chapter 3: Section 1

2.9K 179 76
                                    

Adam:

Year: 1999, Metro Manila (Past)

"Adam! Just go roam around. Huwag ka nang matakot. You're old enough already. Hindi ka na maliligaw," bilin ni Uncle Claude.

"But Uncle, baka kasi—" Panay ang pigil ko sa pagpapaliwanag tungkol sa aking kakayahan. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang kontrolin ito. Lumaki akong mahusay mag Tagalog. Bilang paggunita sa yumao kong ina, sinigurado ng tiyuhin ko na matututo akong mag Tagalog. Gaya niya at gaya ng aking ama.

"You're gonna be fine! Dali na. Uncle is too tired from work. Maliit lang itong Zoo, hindi ka maliligaw dito."

Nagmamadali si Uncle Claude na kunin ang cell phone nito dahil marami siyang kailangang kausaping kliyente mula sa ibang bansa. Bagamat masaya siya dahil naipasyal ang kanyang pamangkin, nais rin niyang magpahinga minsan dahil sa dami ng kanyang gawain. Nakakita siya ng upuan malapit sa isang hardin at nagmamadaling umupo.

Nakayuko ako at naglakad palayo. Bagamat tirik ang araw, parang sinusundan ako ng madilim na ulap habang mag-isang namamasyal. Nilingon ko muli si uncle ngunit abala pa rin ito kakausap sa mga kliyente sa telepono. Dahan-dahang akong naglalakad patungo sa kulungan ng mga hayop ngunit hindi ako sa mga Zoo animals nakatingin.

Malungkot kong pinapanood ang mga batang kasama ng mga magulang nila na masayang namamasyal sa maaraw na Sabado. Ang ilan sa mga ito ay may hawak na mga laruan at lobo na binili sa entrance. Samantalang ang iba naman ay masayang nakaupo sa balikat ng mga ama nila o 'di kaya ay hawak-hawak ng kanilang mga ina.

Hinaplos ko ang dibdib ko hanggang mawala ang paninikip nito. May kaunting kirot akong iniinda na mula sa pangungulila sa aking mga magulang.

Nakasuot ako ng dilaw na hoodie at lila na jogging pants. Mula sa malayo ay napansin ko ang tindahan ng mga lobo. Nakakaengganyo ang iba't ibang kulay ng lobo kaya mabilis akong lumapit doon.

"Pabili po ng isa. 'Yong kulay blue," sabi ko. Inabot sa akin ng tindero ang isang lobo at agad ko namang hinawakan. Nang kumukuha na ako ng pambayad ay bigla ko itong nabitawan. "Oh, no!"

Ngunit may isang estranghero na agad humila dito bago pa ito tuluyang lumipad. "Muntikan na! Oh, hawakan mong mabuti." Masaya itong nakatitig sa akin na tila ba kay matagal na niya akong kakilala.

"Salamat po, kuya." Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay kumurba pataas ang aking mga labi. Kaharap ko ang isang binatang may mga bughaw na mata na katulad ng akin. Nakasuot ang estranghero ng hoodie at pants na halatang galing sa souvenir shop ng Zoo. Magkaibang pares ang mga sapatos nito. Panay ang lingon niya sa mga dumadaang tao na tila may pinagtataguan.

"Puwede ba akong sumama sa iyo? Medyo naliligaw kasi ako," pakiusap ng estranghero. Halatang hinihingal at kinakabahan rin ito dahil kanina pa niya iginagala ang kanyang paningin sa buong Zoo.

"Nako, sabi po ng Uncle ko, I'm not allowed to talk to strangers, eh."

Nagtataka ako sa pakiusap ng lalaki. Ngunit sa loob ng aking puso ay hindi ko nais ipagtabuyan ito. Bakit pa? Minsan na lamang ako magkaroon ng kaibigan mula nang lumipat kami sa Pilipinas.

"Hindi magagalit si Uncle Claude. Trust me. Ako ang bahala," sabi niya.

"Paano niyo po nalaman ang pangalan ni Uncle?" Sinubukang kong mas lalong titigan ang kausap ko ngunit agad na isinuot ng binata ang malaking shades na dala niya.

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lamang ito sabay turo sa aviary. Nauna siyang naglakad. Napagpasyahan kong mas maiging may kasama kaysa maglakad mag-isa. Napakamot na lang ako ng ulo at agad na sinundan ang lalaki. Nagpunta kami sa kulungan ng mga ibon. May mga tropical birds sa mga puno na sa ibang bansa lang makikita. Samantalang may mga peacock naman sa sahig.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon