Sabrina's POV
"Let's go?"
"Y-yes" Kinakabahan kong sabi.
Pinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan bago siya sumakay.
Habang nasa biyahe kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay sabi ng
"Sab, I really want to tell you something"
Iimik na sana ako non para tanungin siya kung ano yun pero sabi niya
"Shhh..just keep quiet and lend me first your ears. Mamaya ka na magsalita kung tapos na ako. Mamaya kasi mawala bigla yung lakas ng loob ko"
Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na box..
"For you. Alam kong maling-mali itong ginagawa ko ngayon kasi dalawa kayong gusto kong pakasalan pero maniwala ka sana, ikaw talaga ang gusto ko makasama habang buhay, ikaw lang. Hindi si Claire."
"Hindi Bryan! Hindi pwede itong binabalak mo. Magbestfriend kami! Masakit sa part namin yung ganito. Oo mahal kita pero hindi ibig sabihin noon ay tinatanggap ko yang singsing na yan. Alam nating pareho na maling-mali ito"
Kahit sabihin pang ang tanga ko dahil andyan na siya, yung lalaking gusto ko makasama habang buhay ay mas pinili kong huwag tanggapin ang alok niya..
Mas kailangan siya ni Claire ngayon. Mas mahalaga para sa akin ang kasiyahan ng bestfriend ko.
"Ano pa ba ang gusto mo Sab? Hindi pa ba sapat na sabihin ko sayo na ikaw ang gusto ko talagang pakasalan? Bakit ayaw mo maniwala? Ginamit ko lang si Claire para mapalapit ako sayo. Sab, sana maniwala ka"
"Lasing ka lang Bryan. Bitawan mo na ako. Itigil mo ang kotse at baba ako. Kaya ko umuwi mag-isa" Pasigaw kong sabi ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at bigla niya akong hinalikan sa labi..
*pakkk!*
Sinampal ko siya ng malakas dahilan para mawalan siya ng kontrol sa sasakyan. Bumangga ang kotseng sinasakyan namin sa isang malaking puno..
Pagkamulat ko ng mga mata ko ang nakikita ko lang ay dugo. May dugo sa ulo ko. Tinignan ko si Bryan..punong-puno siya ng dugo. Ginising ko si Bryan pero ayaw niyang magising..
"Bryan, gumising ka na oh. Please. Sorry sa ginawa ko. Gumising ka na, ayaw ko ng gantong biro. Promise, kapag nagising ka ipaglalaban natin yung atin...k-kahit masaktan si Claire. Gumising ka na please..mahal kita."
Umiiyak ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hindi pa din siya gumigising. Kinakabahan na ako kaya sinubukan kong kumilos ng mabilis para makahingi ako ng tulong. Tinawagan ko si Claire pero hanggang ring lang. Siguro ay busy pa siya. Tinawagan ko ang nanay ko at salamat sa Dyos, sinagot niya ang tawag ko..
"Hello anak."
"M-mommy! Can you help us?"
"Anong nangyayari anak? Ok ka lang ba? Sino kasama mo?"
"Ok lang ako mommy, pero si Bryan kasi. I think he's not already breathing. Natatakot po ako mommy"
"Not breathing? What do you mean? Nasaan kayo?"
"Car accident mommy. Malapit kami sa mini private bar yung katabi ng hindi sikat na mall"
"Ok! Got it. We'll be there in 10 mins. I love you very much anak"
"I love you too mom" then there, I already hung up.
Sinubukan ko ulit gisingin si Bryan pero wala pa din. Hindi talaga siya gumigising.
I was back into my senses when someone knocked at the door..
————————-
Bitin muna ulit :)