Chapter 10: Pustahan?!

75 0 0
                                    

At dahil umabot ng100 reads itong story na ito napagdesisyunan kong itutuloy ko na lang ..haha

Enjoy! More reads, mas better ! XD

------------------------------------

Chapter 10

Sabrina's POV

Simula yung araw na nagpunta si Carl sa bahay kasama si Eric na hindi naman pumasok sa bahay. Ang gulo! Basta! Hindi na nagparamdam sa akin si Carl. Ni isang text ni tawag man lang wala din. Hindi na rin siya bumalik nung umalis siya kahit sinabi niya babalik siya at may aasikasuhin lang daw siya. Nag-aalala na ako! Hindi siya nagrereply sa mga text ko. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot nagriring lang. 3 weeks na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Hindi na rin siya nagpapakita. Ano na kayang nangyari sa lalaking yon? Nag-aalala na ako nang sobra!

Andito ako ngayon sa school naglalakad sa may hallway tapos ang dami-dami ko pang dalang libro nang may biglang bumunggo sa akin na lalaki habang tumatakbo siya..

Nalaglag tuloy mga libro na dala ko sa sahig! Kainis! Hindi man lang siya humingi ng pasensya! Walang modo!

Nung isang libro na lang ang pupulutin ko narinig kong sumigaw yung lalaking nakabunggo sa akin.. Kaming dalawa lang kasi nasa hallway nun

.

"Sorry miss! Gotta go" Parang kilala ko yung boses na yun.. Si carl. Tama! Si carl nga yun! Pero bakit parang hindi niya ako kilala?! Anong nagyayari? Anong nangyayari sa kanya? Sa amin?

Anyway ilalagay ko na lang itong mga libro sa may locker area. Tinatamad kasi ako iuwi eh tsaka isa pa hundi ko na makita si Carl.

Pagdating ko sa may locker area may narinig akong nag-uusap. Isang lalaki at isang babae..

"Carl, ano ba? Bakit hindi mo siya kayang iwan para sa akin? Ako naman talaga ang mahal mo 'di ba?"

Umiiyak na yung babae. Pero wait anong sabi niya? Carl? Hindi naman siguro si babe yun 'di ba?

Pero nagkamali ako nang marinig kong magsalita daw yung "Carl"..

"Oo! Ikaw talaga ang mahal ko! Kung hindi mo lang alam na hindi na ako nagpaparamdam kay Sabrina"

Hindi niya ako mahal? Palabas lang lahat ng iyon? Bakit?

"Ikaw ang mahal ko. Kaya ko lang niligawan si Sab dahil sa isang pustahan. Kaya tama na sa kakaiyak sige ka papanget ka nan"

Isang pustahan? Ako? Tebgene naman! Mahal ko siya pero bakit niya ako ginaganito? Ano bang nagawa kong mali sa kanila?

"Ikaw naman kasi Carl eh. Hindi mo agad sinabi sa akin yan tuloy umiyak pa ako. Sayang tuloy yung make up!"

Tapos nagyakapan sila. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nalaglag ko yung mga dalang libro ko kaya nagmadali akong pulutin lahat yun tapos tumakbo na ako palayo sa lugar na yun.

Umupo muna ako dito sa may damuhan sa playground. Tahimik, presko ang hangin at payapa. Ang sarap sa pakiramdam pero bakit ayaw parin tumigil ng mga luha ko? Bakit?!

Hindi ko na kinaya ang sakit kaya umiyak na lang ako. Nilabas ko ang sama ng loob ko. Ang sakit sobra! Ang galing niya! Naniwala ako na mahal ko siya. Yung totoo pala ay dahil lang yun sa pustahan! Grabe! Akala ko totoo na na may nararamdaman talaga siya para sa akin. Oo! Alam ko ako ang unang pumilit sa kanya na maging kami. Kasalanan ko kung bakit ako ang nasasaktan ngayon! I deserve it! Alam ko na may mali ako pero hindi parin tama yun eh. Pinagpustahan lang pala ako. Tss.

Nang medyo nakarecover na ako. Napagisipan ko na ring umuwi. Bago ako umuwi nilagay ko na muna yung mga librong dala ko kanina. Hassle naman kasi eh. Magccommute lang kaya ako ngayon.

Pagkauwi ko sa bahay nakita ko na may nakatayong lalaki sa may pintuan. Pagkalapit ko tsaka ko lang siya namukahan. Si Carl. Hindi pa ako ready na harapin siya ngayon. Pero bahala na. Hindi ako galit sa kanya. Naiinis lang ako.

"Babe, I'm sorry. Anong nangyari sa mata mo? Bakit ngayon ka lang umuwi? Umiyak ka ba? Saan ka galing?" Ang dami naman nitong tanong. Nakakainis na talaga.

"I'm okay. Hindi ako umiyak ganto lang talaga ang mata ko. Excuse me lang ha. Papasok na kasi ako, gusto ko na matulog."

Binigyan niya naman ako ng space para makadaan ako. Nang papasok na ako sa pintuan bigla niya akong hinawakan sa braso tska hinarap niya ako sa kanya.

"Bitawan mo nga ako" Sabi ko

"C-can we talk?"

Ano naman sasabihin nito. Kung makikipagbreak siya pwes uunahan ko na siya para hindi masakit sa part ko...

"Hindi na natin kelangan mag-usap. Walang dapat pag-usapan. I'm sorry but I'm breaking up with you. Hindi na kita mahal"

No! Mahal pa rin kita! Pero may mahal ka ng iba kaya kailangan magparaya.

Pumasok na ako tska ko binagsag ang pintuan. Itong gabing ito ang huling araw na makikita ko siya. Pero wait nakita ko kanina na may pumatak sa mata niya na likido! Umiiyak ba siya?

No! Hindi ko dapat siya balikan kasi hindi naman niya ako maal 'di ba? Hindi naman maganda na kami tapos siya may maal na iba. Hindi tama yun. Kaya nga pinapalaya ko na siya eh. Pero bakit siya umiyak kanina? Ano ba talaga ang dahilan? Naguguluhan na ako!

Humiga na ako sa kama ko habang may tumutulo paring luha sa mata ko hindi ko mapigilan. Hanggang sa magtagal hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...

------------------------------------

AN: Bakit kaya umiyak si Carl? Comment na yan!!! Haha ..Vote naman kayo!

:D

My Boyfriend vs. My Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon