Chapter 11
Claire's POV
Hi :)
Ako si Claire Manansala. Sexy girl with a tatoo butterfly in my left leg. I have lonng curly blonde hair. Matamgkad syempre. Maputi din. Perfect heart and kissable lips, of course. At matangos na ilong. Small and brown eyes. That's why I'm sexy! And I love it. :-)
Baka galit kayo sa akin? Haha. That's right! I'm the bitch here. Pero kasi mahal ko talaga si Carl simula ng bata pa kami. Yes! Magkababata kami. And we make a vow to promise na magiging kami ni Carl kapag malaki na kami.
Kasama ko ngayon si Babes sa bench dahil naubusan ako ng pabango. Papunta na ako sa perfume's station pero parang nakita ko si Sab. Yes, kilala ko si Sab. Siya ang pinagpustahan ni Babes and Eric. Andoon ako sa araw na pinagpustahan nila ang bestfriend ko. Sabi ko huwag na lang kasi baka masaktan si Sab. Pero ngayong alam ko na ako na lang ang nagmamay-ari kay Babes, hinding-hindi ko na siya ipapamigay sa iba.
Back to reality. Nang makita ko si Sab, pakunwari akong hindi ko siya nakita. Biglang may pumasok sa isip ko na magandang ideya.
Niyakap ko si Babes sabay sabing "Ikaw talaga babes, kaya love na love kita eh" at sinigurado kong makikita ni Sab yun. Haha.
Gusto ko siyang magselos.
Gusto kong maramdaman niya lahat ng pinadama sa akin ng munting bestfriend ko noon.
Gusto ko makuha ko ang lahat ng sa kanya.
Gusto ko maghiganti.
Gusto ko siyang lumuhod sa akin habang umiiyak.
Gusto ko mawala siya!
Gusto ko siyang mamatay!
Sabrina's POV
Yung babaeng kasama ni Carl. Pamilyar sa akin ang mukha niya. Kamukha niya si Claire, ang best friend ko.
Tinignan kong mabuti ang kanyang binti kung may tatoo siyang butterfly na pula sa kaliwang paa. Dahil sabay kaming nagpalagay ng ganoon. Hindi naman ako nahirapan na tignan kung mayroon nga siyang taoo dun dahil nakashorts lang naman siya. At hindi nga ako nagkamali. Siya si Claire Manansala, ang dating bestfriend ko.
Nagtago ako sa mga damit na nakahanger. Hindi pa ako handang makita siya. Hindi pa ako handang makaharap at makausap siya.
Hindi pa ako handang humingi ng tawad sa kanya. Ayaw ko pa. Hindi pa pwede.
Ayaw ko kasi sa totoo lang hindi ako ang umagaw kay Bryan. Hindi ako ang lumandi kay Bryan. At lalong hindi ako ang pumatay kay Bryan. Hindi. Ayaw ko. Natatakot ako.
Binayaran ko ang pabango ko at saka tumakbo palabas ng bench. Agad-agad akong umuwi dahil kung nanatili ako sa mall. Baka makasalubong ko sila. Ayaw ko! Natatakot ako.