Chapter 11
Carl's POV
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. I'm sorry but I'm breaking up with you"
May biglang tumulong likido sa mga mata ko. Luha. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nagkakaganto. Hindi ko naman siya mahal eh. Si Claire ang mahal ko. Alam ko yun. Pero bakit ako umiiyak ng makipagbreak sa akin si Sab.
Nalaman ko 3 weeks before na ex pala ni Sab si Eric. At handa daw siyang pumatay mapasakanya lang daw si Sab. Si Sab pala ang babaeng kinukwento niya sa akin madalas. Hindi alam ni Eric na alam ko na ang lahat. Ayaw ko sabihin na ako ang karibal niya dahil best friend ko siya.
Kaya ko lang naman niligawan si Sab ay dahil sa isang pustahan. Kaming dalawa ni Eric ang may pustahan nuon pero hindi ko pa alam na si Sab pala ay ex niya sa mga panahong yon. Kaya ako pumayag sa pustahan namin ay dahil sa kapalit nito. Kapag nagkagirlfriend ako ay ibibigay niya sa akin ang isang milyong piso. Oo nanalo ako sa pustahan namin. Pero parang kinakain ako ng konsensya ko ngayon dahil sa nagawa ko kay Sab. Ang totoo, ayaw ko na sinasaktan ang mga babae pero nagawa ko pa rin. Nagiguilty ako! Naiinis ako sa sarili ko!
Nagiguilty nga lang ba talaga ako?
Oh mahal ko na si Sab?
Pero kasi--
Sabrina's POV
"when she cries at that night.."
Sinasabayan ko lang yung soundtrip ko. Ang sakit lang eh. Nagawa niya akong lokohin dahil lang sa isang pustahan! Ang tanga ko para maniwala sa kanya! Ayaw ko ng umiyak. Nakakasawa na. Nakakapagod. Kaya soundtrip na lang ang ginagawa ko ngayon. Tsaka kailangan ko din aliwin ang sarili ko para makalimutan ko yung manloloko na yun!
-------------------------------------
@SM Bench
Pumipili ako ng pabango dito sa bench kasi ubos na nga yung pabango ko dahil ng kami pa ng manloloko na yun kailangan kong maligo sa pabango! Hay, naaalala ko nanaman siya. Sinabi ko na kalimutan na lang yun eh.
Anyways, tapos na akong mamili ng pabango ng biglang nakita ko si Carl na may kasamang babae. Oo bababe nga!
Tadhana nga naman! Ang liit talaga ng mundo.
"Babes, punta lang ako sa mga pabango ha" Sabi nung girl. At dahil papunta siya dito sa kinatatayuan ko. Medyo lumayo ako.
"Teka babes, samahan na kita. Baka kung mapaano ka diyan eh"
Ay ang sweet nila! Grabe! Landi naman ni girl kasi niyakap niya si Carl sabay sabi ng: "Ikaw talaga babes, kaya love na love kita eh"
Gusto ata ng babaeng itong ma babes muka niya eh. Muka naman siyang bibe. Haha.
Pero wait lang, ang bilis naman niya atang makahanap ng ibang babae. Kakabreak lang namin ah?
Ay yaan na nga siya! Naging kami pala kasi dahil lang sa pustahan! Lalaki nga naman!
Pero mahal ko pa din naman si Carl. :(
