CHAPTER 02: A blessing or a trial?

8 3 0
                                    

Liam Oliveros

"DOC, pwede niyo na pong i-schedule ang operasyon ng kapatid ko," magalang kong wika kay Dr. Sevilleja. "Nakahanap na po kami ng pera para sa operasyon."

Napakuyom ako ng kamao. Hindi kami nakahanap ng pera, nagnakaw ako!

Pikit-mata kong kinuha ang limampung milyong piso kagabi. Itiniklop ko iyon sa bedsheet at nilagay sa tray. Pagkarating ko naman sa laundry room ay itinago ko sa loob ng sirang washing machine.

"Nakahanda na po ang dalawang milyon para sa kidney operation ng kambal ko," dagdag ko.

"Mr. Oliveros," mahinang tawag sa akin ng doctor. Sinalubong ko ang mga malulungkot niyang mata. "I'm afraid to say that you need more than that."

Napalunok ako sa narinig ngunit kahit papaano ay nakakaramdam pa rin ng pag-asa. Limang milyon ang laman ng brief case. Kung tatlong, milyon ang kailangan idagdag sa operasyon, kakayanin pa. Saka na lang naming problemahin ang milyon din naming utang at bayarin.

"Bakit nadagdagan po ang babayaran, doc? Akala ko ba 2 million lang?"

"Alam mo naman sigurong dapat matagal nang isinagawa ang kidney removal ng 'yong kapatid?"

"Opo," tugon ko. Noong nakaraan pang taon sinabi sa amin iyon ngunit dahil wala kaming pera hindi na naming napa-opera si Araya. Ang inuutang at kinikita naming ay napupunta sa mga gamot at minsanang pagpapa-check up niya.

"Mr. Oliveros, we need to perform a bilateral nephrectomy on your twin."

Kumunot ang noo kong tumingin kay Dr. Sevilleja.

Kinuha naman niya ang kaniyang tablet sa kaniyang tabi at iniharap sa akin ang isang body structure na makikita ang laman loob nito. Sigurado akong sa kapatid ko 'yon. "Kailangang tanggalin pareho ang kaniyang kidney at ibigsabihin no'n, we need a kidney donor."

"P-pwede pong ako na lang ang donor. Magkakambal po naman kami."

"We can run a test on you but before that, make sure na may sapat kayong pera na gagamitin sa operasyon. We need to perform this surgery and transplant as soon as possible."

"Magkano naman po ang kailangan, Dr. Sevilleja?" tanong ko. Sana mga 3 million lang.

"The bilateral nephrectomy and kidney transplant costs 9 million pesos, including the hospital fees."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. 9 million? Kailangan ko bang magnakaw ulit? Alangan namang may makaiwan na naman ng pera sa bar mamayang gabi? Natatakot pa ako sa consequences na maaaring mangyari sa lahat ng staff sa bar dahil sa pagkuha ko ng brief case na 'yon.

"Inuulit ko, Mr Oliveros. We need to perform the surgery as soon as possible dahil kung hindi, 'di na aabot sa February ang kakambal mo."

Tumatak ang huling sinabi ni Dr. Sevilleja sa utak ko. Tila ba sira itong sound device sa aking utak na paulit-ulit sa pagre-replay.

'Di na aabot sa February...

Nine million pesos?

Paano na lang kaya kung sina mama ang nakarinig nito harapan. Baka umiyak na sila sa harapan ni Dr. Sevilleja.

Lutang ang sarili kong tinungo ang silid ng kapatid ko kasalukuyang natutulog. Malungkot akong lumapit sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang kaniyang kamay.

"Araya...," mabigat kong bulong. "Maililigtas ka pa ba namin?"

Hindi ko pa naitatawag kina mama at papa ang napag-usapan namin ni Dr. Sevilleja. Mamayang gabi ko na lang sabihin kapag papalitan na nila ako sa pagbabantay. Baka rin 'di nila kayanin ang masamang balita at mag-collapse sa trabaho kung sasabihin ko ngayon.

Cross-dresser Wife of Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon