•Liam Oliveros
"MOM, dad... this is the person that completes my life."
Peke akong ngumiti sa mga magulang ni Zoro at bumati, "Hello po Mr. and Mrs. Buenaverde."
Bakit hindi niya man lang binanggit sa akin na mga magulang niya pala ang dalawang ito?! Lalo tuloy akong kinabahan. Feeling ko ang lamig-lamig na nang katawan ko ngunit wala rin namang kaibahan si Zoro, dahil ramdam ko rin ang malamig na palad niya habang nakaakbay sa akin.
"She is Maliya Oliveros," wika ulit ni Zoro. "I hope you welcome her into our family."
Sigurado ka, Zoro? 'Pag nalaman nilang galing ako sa mahirap na pamilya baka itakwil ka pa bilang anak.
At ang buong akala ko, walang connect ang apelyido niya sa mga sikat at bilyonaryong Buenaverde. Akala ko kapareho lang! Awit, siya ngang tunay na anak, eh.
"Hello, dear!" masiglang bati ng mama niya sa 'kin at siya na ang kumuha ng kamay ko para makipag-shake hands. "Sana inaalagaan mong mabuti ang anak namin nang hindi na maging sakit sa ulo."
"Huwag po kayong mag-aalala," nakangiting tugon ko. "Wala siyang kawala sa akin."
I can't believe that this person just held my hand. This person who's known in the fashion industry as a producer of top-class cosmetic products. She is the owner of a perfume company called Scente at ang president ng Ji Cosmetics. Celebrities and rich people all over the world buy her products and that made her a billionaire.
"Take good care of her, Zoro. Women are precious," wika ni Mr. Buenaverde at nakangiting inabot ang kamay ko. "Make this person the last."
Nawala ang kaba ko sa ipinapakita nila. Mukhang okay naman pala. Kahit ang taas na nang naabot nila, hindi sila naging mapagmataas. Ngunit, what if nalaman nilang mahirap lang kami?
Mayamaya pa'y pumunta kami sa kanilang magarang dining room. Nakapaghanda na rin ang kanilang mga katulong ng pagkain.
"How old are you, Maliya?" tanong ng mommy ni Zoro.
Alam kong ito na ang simula ng interview ko kung papas aba ako o hindi.
"Twenty-five po."
"Magkaedad lang pala kayo ni Zoro," ani ng ama niya. "Are you working?"
"I'm unemployed po," nahihiyang tugon ko. Hindi na ako nagtaka nang biglang mapatigil ang mag-asawa.
"Oh," rinig kong bigkas ni Jisan, ina ni Zoro. "So, how did you two meet?"
Nagkatinginan kami ni Zoro. Nagtalo naman ang mga namin kung sinong sasagot. Wala naman kasi kaming matinong napag-usapan sa mall kanina. Kung anu-anong plot ang ginawa namin na kinkontra ng bawat isa.
"I first saw her at the public market last september," may confidence na kwento ni Zoro. "Nagtitinda ng mga isda at mga lamang dagat."
Sikreto kong sinagi ang paa niya sa ilalim ng mesa. Pinagsasabi nito? At bakit nagtitinda ng isda?
"Ang init-init ng araw na 'yon pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw nang, 'Tilapia! Tilapia kayo diyan! 190, isang kilo. Tilapia! Tilapia! Mura lang!"
Hinampas ko siya nang mahina sa balikat ngunit natawa lamang siya.
"Bakit? Gano'n naman ang sinasabi mo noon, ah!" saad niyang humahagikhik. "Tahong kayo riyan! 230! 230! Fresh na tahong kayo riyan! Walang amoy! 'Di malansa!"
Biglang nasamid naman ang tatay niya nang biglang matawa.
"Sa nagtitinda lang pala ng tilapia at tahong mahuhulog 'tong anak niyo," wika ko. "Lagi siyang pabalik-balik sa pwesto ko sa palengke para bumili. Paborito niya ang 'di malansang tahong ko."
Si Zoro naman ang tumingin sa akin na walang masabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay na parang inosente.
"And this is us!" wika agad ni Zoro sa ending ng love story naming kuno. Ni-short cut amp. Wala pang climax, eh.
Kinuha niya ang kamay ko at ipinakita sa parent niya ang daliri naming may suot na singsing. "We're planning to get marry this month."
"T-that's good," gulat na bigkas ni Mrs. Buenaverde pero halatang may tuwa sa mukha niya.
Samantala, iba naman ang reaksyon ng ama ni Zoro. Seryoso itong uminom ng tubig bago muna nagsalita, "Zoro, hindi kaya minamadali mo ang pagpapakasal dahil sa offer ng mommy mo noon na ikaw na ang magmamay-ari sa mga business natin?"
Napatingin ako kay Zoro. So, this is his benefit. Parehong bilyonaryo ang kaniyang mga magulang and it would be normal na siya ang magmamana. Nakakatawa lang na kailangan pa niyang mag-asawa bago ibigay.
"Hindi naman, dad," tugon ni Zoro. "Besides, wala naman akong masyadong alam sa pagpapatakbo ng business. Saka para mapanatag na rin si mommy sa sinasabi niyang bakla ako o kung ano mang gumugulo sa kaniya."
Mag-aasawa siya para patunayang hindi siya bakla?
"Ayos na rin 'to, Leonardo," singit ni Mrs. Buenaverde. "Mas maagang matutunan ng anak natin ang pag-handle sa Perfume at Wine Company natin. At hindi ako papayag na pupunta sa illegitimate son mo ang yaman natin kaysa kay Zoro."
Natahimik kaming lahat nang biglang magbago ang timpla ng mukha ni ma'am Jisan.
So ibigsabihin din pala, wala siyang panahon para mamili pa kung sino ang papakasalan ni Zoro. Ang mahalaga ay may maipakilala siya at ikasal kaagad para makuha lahat ni Zoro ang yaman.
"And are you not worried for the fact that Zoro doesn't know how to run our businesses?" seryosong tanong ni Mr. Buenaverde. "Kung tutuusin ay mas maalam pa si Kyros na matagal nag nagtatrabaho sa kompanya kaysa sa kaniya."
"Kaya nga mas magandang habang tayo ay naririto at tinatanggao na niya ang reponsibiladad, turuan na natin siya," sumbat ni Jisan.
"Well, isn't it weird fo you that he's willing despite all the pleading we did before? Ilang beses niyang tinanggihan at inayawan ang pagpapatakbo ng businesses natin pero ngayon willing na willing siya?" saad ng tatay ni Zoro. "And the only condition we want which is for him to marry, ay agad niyang ginawa. Heto na siya at agad magpapakasal raw."
"A-ahem! And what's wrong kung ikasal na kaagad kami ni Maliya?" tanong ni Zoro. "Hindi naman na kami mga teenager para sabihing maaga. Magpapakilala sana kami noong pasko para na rin pag-usapan ang kasal kaso 'di natuloy."
"If that's the case, we should meet your parents, Maliya, and talk about the wedding!" masayang ani ni Mrs. Buenaverde. "We have a lot of preparations to do this month!"
***
BINABASA MO ANG
Cross-dresser Wife of Mr. Billionaire
RomanceBeautiful cross-dresser Liam Oliveros needs a million amount of money for her twin sister's kidney operation and transplant. One night, as he was cross-dressing his female character- Maliya at the club he's working, a customer-billionaire offered hi...