Liam Oliveros aka MALIYA
WITH God's grace, matagumpay ang operasyon. Ligtas na ang kakambal kong si Araya ngunit nanghihina pa rin at kailangang mamalagi roon.
Samantala, isang linggo naman akong namalagi sa bahay namin at nag-recover muna. At nang alam kong okay na ako, tinawagan ko si Zoro- na ilang araw kong 'di nasilayan. Ni hindi rin naman kasi dumalaw sa hospital noon.
"Are you okay? Baka kailangan mo pang magpahinga?" bungad niya sa pintuan namin. Ganda nang ayos ng kanyang berdeng buhok, ha. Sarap gupitin.
Nginitian ko naman siya at inabot ang hawak niyang basket na may lamang prutas. "Okay na ako. O siya, pasok ka," mahinhing ani ko.
Nagmano naman siya kay papa na nanonood sa TV. By the way, isang linggo akong naging gwapong Liam tapos andito na naman ako sa kasuotang ito.
"Kunin ko lang 'yong bag ko, ha?" saad ko't matamis lang niya akong nginitian saka tinanguan.
Pumasok naman ako sa aking kuwarto at mabilis na humarap sa salamin.
Napailing ako sa repleksyon ko. Hays! Napakaganda ko pa rin! Kaso mas maganda ang itsura ko kapag 'yong mukha kong lalaki.
At kahit GGSS o gandang-ganda sa sarili ako, inayos ko pa rin ulit ang mahabang collar ng suot kong damit at siniguradong 'di kita ang tumataginting na adam's apple ko. Kumindat pa ako sa salamin bago kunin ang mini-bag ko at lumabas.
"Alis na kami, pa," paalam ko.
"Mag-ingat kayo, 'nak."
"Bye, pa,"paalam din ni Zoro.
Masama akong tumingin sa kaniya. Nakiki-Papa 'to sa tatay ng may tatay?
"Bakit?" tanong niya na parang walang idea saka bahagyang tumawa. "Practice lang. Kahit naman pagpapanggap lang 'tong pag-aasawa natin, tawawagin ko siya no'n. Papa."
"May sinabi ba ako?" tanong ko. "Naisip ko lang na kailangan ko rin pa lang tawagin ang magulang mo nang mom at dad."
"Alangan naman sabihin mong pare?" natatawa niyang wika at binuksan ang kaniyang kotse saka pumasok agad sa driver's seat.
"Pare, kahit sana nagpapanggap lang tayo, dapat pinagbubuksan mo ako," wika ko na diniina ang salitang 'pare' at sumakay sa passenger's seat. "Kapag may tao lang na nakatingin saka mo 'yon gagawin?"
"Alam mo, pare," aniya rin nang may diin. "May kamay ka naman. Pagbubukas lang ng pinto 'di mo pa magawa? Mga babae nga naman."
"Alis na nga tayo!" inis kong wika at ikinabit ang seatbelt. "Baka makatulog si Araya sa kakahintay sa 'tin."
"Bili lang muna tayo ng prutas sa palengke para sa kapatid mo. Nakakahiya namang dumalaw na walang dala," aniya at nagsimulang magmaneho.
Kinusilapan ko siya. "Nahihiya ka do'n ta's pagbuksan ang isang babae hindi? O ako man lang na a-asawa mo. Grr."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at winaksi ang paksa. "So, does your twin heard about our marriage? And the deal?"
"Oo, naman. Ginawa ko 'to para sa kaniya," tugon ko. "Anyway, prutas lang ba ang bibilhin mo sa palengke? 'Di ka bibili ng paborito mong tahong?"
Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Alam kong sabay naming naalala ang palusot namin noon sa magulang niya kung saan tindera ako ng tahong.
"Hindi. Malansa ata 'yong binebenta nila," natatawa niyang tugon. "Gusto ko iyong tahong mo."
Ay, p0ta! Kung babae lang talaga siguro ako, ewan ko kung anong magiging reaksyon ko. "Wala akong tahong, p're. Talong lang."
GAYA ng hinala ko kanina, pagdating nga namin sa hospital ay natutulog si Araya. Maputla ang mukha niya't halatang wala siyang lakas.
BINABASA MO ANG
Cross-dresser Wife of Mr. Billionaire
RomanceBeautiful cross-dresser Liam Oliveros needs a million amount of money for her twin sister's kidney operation and transplant. One night, as he was cross-dressing his female character- Maliya at the club he's working, a customer-billionaire offered hi...