CHAPTER 03: Goodbye, Dignity

5 3 0
                                    

Liam Oliveros/MALIYA 

     THIS time, ako naman ang seryosong tumitig sa kaniyang mga mata. Malayo nga namang 'di niya marinig ang pinag-usapan namin ni Makoy dahil magkalapit lang kami ―at pati impormasyong kakambal ko ang may problema narinig niya.

Nanliliit ang mga mata kong parang nanghahamon at nagbibigay babala sa kaniya. 'Wag kang makipagbiruan sa akin, pare. Papatulan ko kung ano man ang deal na 'yan. Basta, madugtungan lang ang buhay ng kakambal ko.

"But, that is... if you agree," pagpapatuloy pa niya.

May confidence kong kinuha ang baso ko at itinaas pa sa harap niyang parang nakikipag-cheers. "State your condition, Mr. Green-haired."

What's with his hair anyway? I'm no one to talk because I am wearing a red-blonde wig, and oftenly I would wear colorful ones. Pero ngayon lang ako nakakita ng lalaking mukha namang decent pero colored ang buhok. Magkaedad pa ata kami. Sa movies, foreigners at pilipinong teenagers ko lang nakikita ang buhok na kulay green. Siguro isa siyang modelo?

Green-haired? May kinekwento sa 'kin si Araya na crush niyang berde ang buhok noong college pa kami at nag-aaral siya sa Vigan city. I wonder if he's good-looking as this bvstard here?

Bumagay rin naman sa kaniya ang buhok niyang dark-green. Kitang-kita na may maganda siyang lahi. Kahit siguro pink, babagay sa kaniya. Pero, isa lang ang alam kong totoo, mas gwapo pa rin ako sa kaniya. Malakas pa rin ang dugong kastila at pilipinong dumadaloy sa akin kahit na nasa 10th generation na ako ng dugong iyon.

"Marry me and be my wife."

Hindi ko maiwasang 'di masamid sa beer na iniinom ko at napaubo. Hinintay ko munang um-okay na ang lalamunan ko bago gulat na lumingon sa kaniya. "H-ha? Pare, pakiulit."

Sinalubong niya ang mata ko na parang wala lang sa kaniya nag sinsabi niya. "Marry me. Change your initial into my last name and be my wife."

Bro, lalaki ako! Hindi ka naman masyadong lasing para 'di mapansin. Tinitigan mo pa ng mabuti ang mukha ko. Hindi naman siguro tagung-tago ng fake eyelashes na at mga kolereteng pinaglalagay ko.

Bingi ka ba't 'di mo marinig nang mabuti ang boses ko? Hindi ako baritono. Hindi mala-barako ang boses ko. Nasa tenor talaga ako at dahil iniipit ko ng konti, siguro nagtutunog babae pero halata pa rin! Ngunit, marami rin naman ang kababaihang ganito ang boses kung magsalita.

Hindi rin niya makita ang tumataginting na adam's apple ko dahil natakpan. Madalas kong itago sa pamamagitan ng pagsusuot ng neck garment o turtleneck clothes.

"Don't worry, this is just a deal. We won't do what couples do," dugtong niya. "If you become my wife, you can get more than 10 million. You might find other opportunities and benefits."

Makahulugan akong tumingin kay Makoy. Halatang 'di niya alam ang sasabihin. Alam niyang mahirap 'tong tanggihan ngunit lalaki nga ako 'di ba? Lalaki!

Pero 'yong kapatid ko, hindi na aabot sa susunod na buwan. Saan pa ba kami maghahanap ng 9 million kung sa 'di na hamak na 2 million lamang nahirapan na kami.

Pretends as his wife...yuck! Pero ayon sa kaniya, 'di namin kailangang mag-loving-loving.

Huminga ako nang malalim saka seryosong nagsalita, "Dahil alam mo ang sitwasyon ko, dapat malaman ko rin ang sa 'yo. Mahirap na. M-magpapakasal tayong 'di alam kung ba't mo 'yon ginawa. Sabihin mo, anong benefit ba ang makukuha mo?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, uminom na lamang siya ng alak. 'Di naman masyadong halatang tamad siyang magsalita o ayaw niyang magpaliwanag.

"You might have heard about parents na 'di nagbibigay ng mana kapag hindi ka nag-asawa," singit ng kasama niyang lalaki. Inakbayan niya ang kaniyang kaibigan at nakangiting inasar, "Unfortunately, he's single."

Cross-dresser Wife of Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon