MOON UNIVERSITY

196 11 0
                                    


PROLOGUE


Moon University?


Paaralang hindi ko matukoy kung saan.


Paaralang puno ng misteryo at kababalaghan.


Paaralang minsan ko ng naging tirahan na ngayo'y gusto ko ng talikuran.


Saan nga ba ako nagsimulang matakot sa University na 'to?


Ano ang dahilan ko't pumasok ako dito kahit wala namang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa akin dito?


Bakit nga ba napunta ako dito?


Hindi dapat ako na'ndito. Wala dapat ako sa lugar na 'to. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, kinikilala at inaalam kung kabilang nga ba ako sa kanila.


Gusto ko na namang umiyak. Iyak na nga lang ba ang magagawa ko? Hindi ko sigurado kung sino ang pagkakatiwalaan ko, hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa isa at iwanan ang isa.


Pero isa lang ang sigurado ako, sarili ko lang ang dapat kong paniwalaan. Ako lang dapat ang tumulong sa sarili ko, dahil sa mundong pinasok ko, ako lang ang tanging nilalang na naiiba..


~•~•~•~

I dedicate this chapter to RheaneCamero, I hope your still waiting for this.

MOON UNIVERSITY [ON-GOING]Where stories live. Discover now