MU 06

36 6 0
                                    


☽◯☾


ANG APAT NA ELEMENTO

Amelia

Katulad ng palagi kong ginagawa. Nakaupo ako sa maliit na upuan kaharap ang aking kwaderno at hawak ang aking panulat.

Mahal kong ina,

Ina, kamusta po kayo ni ama? Kung itatanong n’yo po ang kalagayan namin ay ayos lang po kami ni ate sa paaralan na ito. Alam kong nag-aalala kayo ni ama para sa kaligtasan namin ngunit tulad ng pinangako namin ay uuwi kami d’yan ng ligtas at sasalubungin ang mainit n’yong yakap.

Naisipan kong sulatan sila ama at ina na siyang nakasanayan ko ng gawin tuwing nalalayo sa kanila ng matagal. Kung anong nangyayari sa amin, kung ayos lang ba kami at pangungumusta sa kanila.

May nakilala po akong bagong kaibigan, Danelia ang kanyang ngalan, sobrang ganda po niya at mabait din, gusto ko po siyang ipakilala sa inyo oras na makalabas kami dito. ‘Wag n’yo po sanang pababayaan ang sarili n’yo. Ina, ama gusto ko pong pasyalan ang mga lugar na laging nating pinupuntahan noon. Kung itatanong n’yo po si ate, ayun po matigas pa rin ang kanyang ulo ngunit alam kong mahal na mahal niya po kayo, hindi niya po ako pinapabayaan at pinoprotektahan niya din ako—

Nahinto saglit ang pagsulat ko ng may kumatok. Lumingon ako at bumungad sa akin si Mayumi, isa sa kasama ko sa dormitoryo.

“Lumabas ka na.”

Nginitian ko siya. Susunod ako, salamat sa pagtawa–” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng isara niya ang pinto, ni hindi ko nga alam kung narinig niya ba ako. Inisip ko nalang na baka marami pa itong gagawin kaya nagmamadali ito.

Niligpit ko muna ang mga gamit at sinilid saka ako lumabas ng kwarto. Ngayon kasi sasabihin na kung sino ang magiging pinuno ng bawat elemento tulad ng sinabi ni Miss Everly noon. Sa mga nakalipas na oras ay wala kaming ginawa kundi ang manatili sa dormitoryo dahil wala pa kaming pinuno na siyang magsasanay sa amin, oras na magkaroon na kami doon na kami tuluyang sasanayin bago humarap sa mga pagsubok.

Pagdating sa bulwagan ay agad kong hinanap ang aking kapatid at si Danelia. Nang makita ay agad lumaki ang ngiti ko ngunit dahil sa dami ng istudyante nahirapan akong lapitan sila.

Nagbuntong hininga ako at pinabayaan nalang muna dahil magkikita rin kami mamaya. Wala naman sa batas dito na hindi mo pwedeng kausapin ang ibang elemento hindi mo nga lang sila pwedeng makasama sa dormitoryo dahil nakatalaga na ‘yon oras na makapasok ka sa paaralan na ‘to.

Tanda ko pa noong matanggap namin ni ate ang invitation sa hindi kilalang matanda, laking pasasalamat namin at syempre hindi maiiwasan na makaramdam ng takot ngunit kailangan namin ‘to at may dahilan kami kung bakit kami naririto, ang makuha ang kawangis ng buwan.

Magsihiwalay kayo at bumuo ng apat na pangkat ayon sa inyong elemento.” pambungad ni Miss Everly, kaagad sumunod ang mga istudyante sa sinabi niya.

Nauuna sa pangkat ang apoy, sinundan ng hangin, sunod ang tubig na siyang kahanay ko, saka palang ang lupa. Hanggang ngayon ay hindi magtagpo ang paningin namin ng kapatid ko at ni Danelia ngunit nakakatuwa dahil sa kilos ng kanilang mga mata alam kong hinahanap din nila ako. Hindi sila magkasama siguro dahil na rin ayaw nila sa isa't-isa pero sigurado akong magkakasundo rin sila.

MOON UNIVERSITY [ON-GOING]Where stories live. Discover now