MU 01

124 11 1
                                    

☽◯☾

INVITATION

Danelia

5 minutes before 8pm at hanggang ngayon nakatayo pa rin ako sa harap ng school namin hinihintay ang papa ko na siyang nangakong susunduin ako ngayon. Marami akong kasabayan ngunit wala ni isa sa kanila ang pinapansin ko, kahit naman pansinin ko sila ay baka matakot lang sila sa akin.

Nag-aaral ako sa isang sikat na paaralan dito sa manila, ang akala nila noong una ay mayaman ako dahil lahat lang naman ng mga nag-aaral dito ay puro sosyal at walang ginawa kundi lumastay ng pera pero hindi ako katulad nila.

Ito ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan sa school na 'to, masyado silang ma pride para kaibiganin ako. Nagtataka sila kung bakit ako nakapasok.

Like hello? Hindi naman ako bobo..

Nakapasa ako sa pamamagitan ng exam nila, ako nga ang halos nangunguna nung makuha ko ang result. Nakabayad naman ako ng tuition sa pamamagitan ng mga scholarship at hindi nila 'yon maintindihan dahil para sa kanila ang tulad ko'y salot sa paaralan nila.

Madilim at malakas ang ulan ngunit nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko suot ang jacket kong pink na palagi kong dala-dala. Regalo ito sa akin ni mama noong birthday ko. Nakasukbit ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng jacket ko, nilalamig na ako.

Everybody asking how we doin' say we good.

Don't need no one to tell me how to live just like they would.

It ain't their business, but they in it, I don't know why.

Revolved around my life after I found another guy.

Hobby na kung ituring na palagi akong nakikinig ng music, isa rin sa paraan ko para hindi marinig ang mga usapan ng mga nasa paligid ko. Para akong may karamay dahil napupunan nito ang katamikan at mapag-isang nararamdaman ko.

People get so caught up thinking they know everything.

But little do they know you wasn't just a summer fling.

I really got 'em thinking this was all just fun and games.

So caught up in the past they acting like a bunch of lames—

Tinanggal ko ang earphone na suot matapos makita ang dalawang kababaihan na mukhang ako ang pinagkukwentuhan. Tinaasan ko sila ng kilay at mabilis naman ang mga itong umalis.

Napairap ako sa kawalan sabay suot muli ng earphone ko. Wala naman akong pakialam kung pag-usapan nila ako pero 'wag na 'wag nilang ipaparinig sa akin dahil makakatikim talaga sila sa akin.

Malakas ang loob ko dahil kaya kong lumaban, tinuruan ako ng lola ko noong bata palang ako kaya naman hindi ako naaapi ng mga student dito dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at duwag lang naman ang may kakayahan na guluhin ako.

Napapikit ako dahil sa pagkabagot, gusto ko ng mahiga ngunit ayaw kong umalis. Once kasi na mangako si papa, tinutupad niya at ayaw ko siyang biguin.

Tsk! Sabihin mo wala ka lang pamasahe..

Sakto lang naman kasi ang binibigay na pera sa akin, magkakaroon man pero kapag bagong kuha ako sa scholarship, bukod kasi sa pambayad sa tuition may nakukuha din akong allowance dito.

Marunong din naman akong magtipid at kayang ibalance ang pera ko, kung hindi nga lang umuulan ngayon ay naglalakad na sana ako.

Napadilat ako ng wala na kong marinig na tunog, sinilip ko ang cellphone at binuksan ito. Kumunot ang noo ko dahil ayaw nitong bumukas. Inalog ko pa 'to dahil baka na stock lang.

MOON UNIVERSITY [ON-GOING]Where stories live. Discover now