MU 04

57 6 0
                                    


☽◯☾

KAIBAHAN

Danelia

Takot ang unang sasabihin ko sa magtatanong sa akin kung anong nararamdaman ko ngayon. Kailan ko nga ba naramdaman ang ganitong takot? Siguro noong mga panahon na iniwan ako ni mama, hindi ko alam kung saan lalapit ng mga panahon na 'yun dahil siya lang naman ang tanging taong nagparamdam sa akin na ligtas ako. Magmula noon ay ayaw ko na ulit itong maramdaman kahit na kailan, pinangako ko sa sarili ko na magiging malakas ako at matatag na handang harapin ano mang pagsubok ang dumating sa akin.

Ngunit anong magagawa ng tapang ko ngayon? Anong silbi ng pagiging marunong kong lumaban kung alam kong isang pitik lang nila sa akin ay mababawian na ako ng buhay? Ibang usapan na kung nandirito ka sa teretoryong never papasukin ng katulad ko. Kung siguro ay katulad lang nila ako isa-isa ko silang babatiin pero ano bang magiging papel ko sa mundo nila? Mundong hindi ko ineexpect na mapupuntahan ng isang katulad ko.

Lahat ay mababakas ang saya, na tila isang pangarap ang makatutong sa paaralang ni hindi ko kilala. Para sa kanila ay normal magpalutang ng mga bagay; maliit man o malaki, mabigat man o hindi. Para sa kanila normal na makakita ng salaming gawa sa tubig. Para sa kanila hindi delekado ang pagduyan sa chandelier na handang bumagsak anumang oras. Para sa kanila normal ang pagtakbo na halos hindi mo man lang mapansin ang galaw nila. Para sa kanila normal ang lahat ng na'ndito.

Ano nga ba ang hindi normal para sa kanila? Ako? Magkaiba ang mundong ginagalawan namin at hindi ko pwedeng ipagmalaki sa kanila ang mundo ko na para yata sa kanila ay hindi nag e-exist. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling sabihin ko ang totoo? Maniniwala kaya sila? Magiging katulad din ba sila ni Mang Nestor at tutulungan pa ako?

Ngunit ang mga paniniwalang 'yon ay biglang nabigo, nang deretsyahan akong tanungin ni Amber na tila siguradong may mali sa akin. Pangamba ang nababasa ko sa kanyang kapatid, habang siya ay handa akong saktan kung sakaling tama ang hinala niya.

Ang kanilang nag-iingay na paligid ay tila nanahimik, lahat sila na halos hindi ko na mabilang sa dami ay handang makinig na parang chismis na unti-unting kumukuha ng kanilang atensyon. Kaka'twang marami sa kanila ang gustong malaman o marinig ang sasabihin ko.

Paano na 'to? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Maging ang isip ko ay hindi mapakali sa tensyong nararamdaman ko, hindi ko tuloy alam kung paano makakalusot sa sitwasyon ko ngayon na dati ay tinatawanan ko pa at handa akong makipag-away para lang tigilan nila ako.

"Bakit ang tagal mong sumagot? Gano'n ba kahirap ang tanong ko?" muli na naman siyang humirit. Hindi ko alam kung makakatulong na napakatahimik nilang lahat, rinig na rinig kasi ang boses ni Amber mula dulo dahil walang gumagawa ng ingay, tila nagkaisa ang lahat na tumahimik para lang bigyan ako ng dahilan na magsalita, na dahil nakikinig silang lahat.

"I-isa akong Virgo.." alam kong hindi 'yun ang nais niyang makuhang sagot dahil kumunot ang noo nito.

"Alam ko dahil hindi ka naman mapupunta sa dormitoryo namin kung naiiba ang zodiac sign mo."

"K-kung gano'n Virgo ka rin?" namamanghang tanong ko, natawa ang ilan sa mga nakarinig sa akin at ang tahimik na kapaligiran ay nabasag dahil sa tanong ko.

May mali ba sa tanong ko?

Pero hindi na rin masama dahil natuon sa iba ang atensyon ng lahat, lahat sila ay tila hindi na interesado pa sa akin. Bilis ah! Parang kanina lang kung gaano sila kaintense may pagka moody din pala ang mga tagarito. Nang ibaling ko kay Amber ang paningin tila para akong lulubog sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang sama ng tingin niya. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin, mabilis naman siyang hinila ni Mia palayo sa akin.

MOON UNIVERSITY [ON-GOING]Where stories live. Discover now